"Nay , huwag po kayo mag alala kapag po nakapag ipon na ako ng pera bibilhan ko po kayo ng sarili niyong bahay Hindi na po tayo titira sa ganitong bahay" pagpapangako Kong sabi sa nanay ko na yakap ko mula sa likod dito sa kusina.."Hayy naku anak wala akong pakialam kung ano pa ang bahay natin ang mahalaga sa akin ay kasama ko kayong magkakapatid"mapapaiyak na sabi ni nanay habang naghuhugas ng pinggan..
Umalis ako mula sa pagkakayakap Kay nanay at umupo sa de kahoy na upuan at tinitigan sa mula sa kanyang likuran..
Kung nabubuhay pa si tatay Hindi sana magiging ganito ang buhay namin .. Isang manager bank ang aking tatay , meron pa kami nun na kaya sa buhay at napag aaral pa nila nanay at tatay ang mga kapatid ko sa isang pribadong paaralan pero nagbago ang buhay namin ng pasukin ng mga holdaper ang Bangko ng pinagtatrabauhan ni tatay at isa siya sa mga nabaril ng mga nakamaskara na lalaki dahil ayaw ibigay ni tatay ang pera ng bangko kaya siya binaril..
Simula ng mamatay ang tatay , gabi-gabi kung umiyak ang nanay , laging nagkukulong sa kuwarto at halos HND na kumakaen hanggang sa dapuan si nanay ng malalang sakit kaya lahat ng mga naipon ni tatay ay halos naimpababayad nalang sa hospital at gamot ni nanay..
Salamat sa diyos at natupad niya ang hiling ko na gumaling ang nanay ang kaso nabaon naman kami sa utang kaya wala na nagawa ang nanay kundi ibenta ang lupa at bahay namin sa Samar para maibayad sa mga utang at lumuwas kami dito sa manila para manirahan at makapagbagong buhay .."Oh anak natulala ka na ata jan, ano ba ang iniisip mo ?" Nanay na nagpupunas ng kamay, tpos na ata siya maghugas ..
"Ayy nay wala po meron lang po ako naalala"
"At ano naman iyon" nanay at umupo sa tapat ng kinauupuan ko ..
"Ah nay yung mga panahon na nabubuhay pa si tatay , Hindi sana magiging ganito ang buhay natin at Hindi sana kayo nagpapakapagod na maglabada sa kapitbahay Para lang meron tayo mapakain sa araw araw " mahabang salaysay ko Kay nanay ..
"Nak huwag mo ako alalahanin isipin mo nalang ang mga kapatid mo at ang mahalaga Hindi ko kayo napapabayaan"
"Basta nay pangako po talaga iaahon ko po ang buhay natin at maipagtatapos ko ang mga kapatid ko lalo na't ngayon at napromote na ako maging isang head chef dun sa sikat na restaurant na pinapasukan ko" mapaghangad Kong sabi ..
"Ayy magandang balita Yan anak , pasensya na kung wala tayo maihahanda sa promotion mo"
"OK lang po yun nay katulad nga po ng sinabi niyo ang mahalaga ay kasama ko kayo "
"Salamat anak sa pagiintindi"
"Wala yun nay basta kayo , mahal ko kayo e "
" osya tama na nga ang drama halina at matulog na tayo .l, maaga ka pa bukas at congrats na din nak"
"Opo nay at salamat"
Lumabas na kami nanay sa kusina at pumasok sa mga sariling kuwarto ..
YOU ARE READING
My Handsome Boss
RomantizmMaipagmamalaki ni Franchesca ang kanyang angkin na kagandahan at katalinuhan.. Nagtapos siya sa kursong HRM.. Naging isang chef siya sa sikat o kilala na Restaurant.. Siya naman si Matthew Ace Smith.. Bunsong anak ni Fernando Smith ang Presidente n...