CHAPTER 1

27 0 0
                                    

Reign's POV

"Hala kainis! Ang hirap naman nung project na binigay ni Mrs. Godzilla!" Aniya ni Chloe.

"Tsk. Tapos next month na sya ipa-pass." Maktol naman din ni Jaiira.

Mga toh oo, di naman talaga mahirap ang pinapagawa ni Ma'am. Kung sana man lang hindi niya sinabing kami ang gagawa! Puta at letche naman talaga! Ikaw kaya pagawin ng floor plan tapos gagawa ka rin ng  miniature na building! Sinong tangang teacher ang magpapagawa nun sa mga grade 12 students!? Huh?! Sino at ipapabigti ko.

"Humanda lang yung ulyaning matanda na yun! Ipapakain ko sa kanya ang sapatos kong may takong na 6 inches!" Galit namang bulyaw ni Margaux.

Napatango lang kami sa sinabi ni Margaux. Lahat naman talaga kami galit sa matanda na yun. Kung makataas ng kilay, kala mo abot nya heaven. Makalagay ng blush-on, dinaig pa ang teenager na nagblush dahil nag-hi crush niya. Tapos yung lips! Yun talagang lips nyang pulang-pula na parang sinuntok hanggang sa dumugo! Yun! Yun ang makaka-describe sa lips nya.

"Tumahimik nga kayo. Marinig kayo nun lagot talaga kayo. Babagsak kayo for sure." Banta naman ni Vianca na may pananakot pa sa boses. Napa-ikot na lang ang mata ko sa kanya.

"Sige lang magbanta kang bruha ka! Ms. Goodie-tossios." Kantsaw pa ni Ikan Belca.

"Wag ka nga! Tsaka mas bruha ka pa sa akin!" Pabalik na sabi ni Vianca.

Tinakpan ko na lang ang tenga ko habang nakamasid sa kapaligiran. At nakita kong nakatingin na pala sa amin lahat ng estudyanteng dumadaan. Tsk. Nakalimutan kong pinaglihi silang pareho sa megaphone. O di naman kaya nakalamun ng microphone na ang volume ay 1000% ang lakas. -__- saya!

"Ah. Sige,so mag sisigawan nalang tayo dito?" Sabi ko.

Una, nakakirita ang sigawan nila. Pangalawa, pinagtitinginan na kami. Pangatlo, pupunta pa kami sa bahay ko. Nakakangalay kaya ang pagtayo dito. Try nyo.

Tapos sabihin nyo friends nyong magsigawan.

Umiling sila at yumuko. Diba? Mapag-sasabihan naman sila eh. Mapapailing na lang talaga kayo sa kabaliwan na dulot ng mga babaeng toh.

"Ano pa bang ginagawa natin dito?"

Inis na tanong ni Margaux. Isa pa toh eh. Napaka talaga! Mabatok nga kahit minsan lang para mataktak kahit kunti ang pagka-mataray nya.

"Si Isabella the great ho Lola Margaux. Bakit ba palagi mong nakakalimutan siya? Pacheck ka nga sa doctor." Vianca.

"Tse! Malay ko bang ang tagal nyang makapasa ng essay nya! At excuse me, di pa ako matanda! Ganda kong toh? No!!" Margaux.

Boom! There goes the M-bomb! Tsk. Sure akong kasunod nito kantsawan na naman. Naku naku naku! Kelan ba sila mag-sasawang laitin ang isa't-isa?

Dahil sa tingin ko natutuwa pa sila sa panglalait na ginagawa nila eh. May drum ba silang dala na punong-puno nang lait.

Matanong nga sina Tita kung anong nilihi nila sa mga babaeng toh. Baka naman may pag-asa pang ibahin ang pagkakalihi nila. May ganun ba? Aish! Tignan mo, nababaliw na din ako eh.

*bzzt...bzzt..*

Kinuna ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Hoo! May nagtext na naman. Let me guess, kung sino na naman toh? Note the sarcasm. Dasal lang na di ito galing sa mga walang kwentang kaklase namin na ang tini-text lang naman ay puro love qoutes at kung anong ginagawa nila RN. Like, may pake ba kami? Ako? Itext nyo ako kung nahanap nyo na. Baka magka-interest ako.

Inayos ko na nang pagkakahawak ang phone ko at inopen ito. At bumulaga ang malaking 'ATE ❤❤' with hart-hart pa yan ah. Psh. Buburahin ko sana ang heart na emoji kung di nya lang sinabing ikakasal na sya. Tapos guess who ang makakatuluyan nya? Gusto nyo malaman? Talaga? Sabihin ko? Wag nyo ikalat ah? Haha. Si....

SEVEN REASONS WHYWhere stories live. Discover now