CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Vianca's POV

Nakaupo na kaming lahat dito sa living room. Titigan lang sa kung sinong makatitigan niyo. Pero si Reign, gumagawa nun lahat. Ako todo iwas sa mga titig nila. Nakakamatay eh. Pero kahit na ganun, nagpapaiwan ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Hindi siya nakatingin sa kay Reign o sa akin, sa halip ay nagmamasid siguro siya sa kabuuan ng bahay. Ang cute nya tignan. Para siyang batang ngayon lang nakapunta sa isang lugar. Haha! Siguro masarap pisilin ang pisnge niya? Matry ko nga pag-close na kami--

"YAH! Bakit walang nagsabi sa aking ngayon ang dating nyo!?"

Napabalikwas ako ng upo ng sumigaw si Reign. Bwiset naman tong babaeng toh! Kung makasigaw kala mo pagmamay-ari ang lugar. Well, pagmamay-ari nga niya ang bahay pero di yan ang punto ko. May punto ba ako?

"Aniyo!" Rapmon.

"What?" V.

"What is she talking about?" Jimin.

"Shut up I'm still mad at you." Jin.

"Jin hyung! Mianhe! Arraso?" Jimin.

"Tsk." Jin.

"All of you stop whining!" Yoongi.

"Tsk." Jungkook.

"Namjoon Hyung, translate it in english." J-hope.

Napaikot ako ng mata sa kanilang kabaliwan. Siguro mag-kakasundo ang mga ito sa mga bruha. Parang pare-pareho sila ng utak eh. May pagkabaliw tapos weird.

"R, magenglish ka." Pasimpleng bulong ko.

Mahirap na baka mapansin nila ako. Ayoko pa namang masali sa englishan. Nosebleedan na ang peg ko nito.

"Ano? Ayoko nga. Ikaw na lang." Tanggi niya.

"Anong ako? Kaya nga hanggang tingin lang ako. Ikaw na lang best in english ka last year noh!" Dagdag niya pa.

Napa-sapo na lang ako sa noo ko. Naman!!! Ilang beses ko na bang sasabihin sa kanyang, nagkamali lang ng pagdeliver ang school. Hindi naman talaga para sa akin yun eh! Para yun kay Isabella. Si Isa lang naman ang may utak sa amin. Ewan ko lang kung bakit natagalan sya kanina. For the record, sya nga palaging nag-gagawa ng assignments namin eh.

"R-Reig--" Jin.

"What!?" Putol naman ni Reign.

"A-ah, Mianhe."

Sabay na sabi nung dalawang lalaki sa kusina kanina. Humalukipkip si Reign at sumandal sa upuan. Naku! Galawin nyo lang ang lahat pero wag lang ang kusina at si Mr. Dowie! It will take several Mianhes to make Reign forgive you.

Reign sighed. "Look, when did you all came?" She started.

"8 in the morning." The guy with a square-shaped face said.

Teka nga? Kanina pa ako nakakapansin. Magkakilala ba sila? Dahil parang kilala nila si Reign. Tapos si Reign kilala din niya sila.

Napagiwanan na ba talaga ako ng panahon? Tsk. Dapat talaga ikadena ko yung anim para pag may nangyari sa buhay nila. Present ako! Di yung magfa-follow up pa ako sa nangyayari sa buhay nila.

Alam nyo yung feeling na sobrang left out ka na dahil di mo alam nangyayari sa paligid mo? Yun, ang nararamdaman ko ngayon.

"BALIW NA BABAENG NAGNGANGALANG REIGN SOZZAINE DEL FUENTE!"

Napalingon kami sa pinto nang makarinig kami ng sigaw. Tsk. Sa tono pa lang ng boses nya alam ko na kung sino.

"Andyan naman pala si Jaiira eh." Pabulong kong sabi at sumandal sa upuan.

SEVEN REASONS WHYWhere stories live. Discover now