CHAPTER 1: First Day Of School

5.4K 81 31
                                    

First day of COLLEGE life.

Naisipan kong mag enroll nalang din ulit dito sa Lee University o L.U wherein tanging mga may kaya lang ang nakakaafford. Hindi ko naman sinasabing mayaman kami, pero parang ganun na nga.

Mula sa labas makikita mo ng sosyalin ang school na to. Gate pa lang ang gara na, how much more sa loob.
Yung sobrang mahal na tuition fee's at mga foods sa canteen na parang ginto, 120 pesos na ata yung pinaka mura.

Huminga ako ng malalim bago ko ipinark yung bike ko sa gilid, sa tabi ng puno dito sa parking lot.

Pagkapark ko inayos ko muna ang eye glasses ko para hanapin na ang classroom ko.

Hindi pa ako nakakalayo sa parking lot ng makarinig ako ng bagong dating na mga sasakyan, kaya nilingon ko ito. At hindi nga ako nagkamali ng akala, dahil yung mga annoying creatures na naman. Na wala ng ibang ginawa kundi mambully ng mga students na walang kalaban laban.

At isa na ako dun.

Habang tinitingnan ko silang apat natuon ang pansin ko sa lalaking naka shades at naka black hoodie na kalalabas lang sa kanyang Lamborghini Huracan.

Well, wag na kayong magtaka kung bakit alam ko yung brand ng car niya. Like hello?! Hindi naman ako ignorante noh!

So pagkalabas palang ng leader ng kalokohan nagtilian na ang mga students na palaging nag aabang sa kanila. Lalo na yung leader nila, no other than,

Zheijann Shun Lee

Yes, he is the definition of the word handsome. Kaya nga maraming nababaliw sa kanya eh! Sikat na sikat siya sa school na ito kasi sa pangalan palang ng University na to, nakuha na niya. Siya ang nag iisang lalaking apo at bunsong anak ng mga Lee. Kaya ayan, nasobrahan sa pagka spoiled.

Tinanggal niya yung shades niya, at tumingin sa direction ko. Wait, hindi ako assumera, sa may direction ko talaga siya tumingin at kumindat pa siya. Kaya hindi ko maiwasang mamula.
Bigla bigla nakarinig ako ng tilian at hampasan galing sa likod ko.

Assumera nga talaga ako. Ang dami palang fan girls sa likod ko.

Hayy naku, bulag ata sila sa katotohanan. Magkakagusto na nga lang sila sa mga lalaking yan pa. Ang hambog kaya nila! Hmp.

Pero hindi ko naman sila masisisi kaya nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Baka sabihan pa nila akong KJ.

Ay oo nga pala, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si

Chirsten Keisha Montreal

At your service.

Pero mas kilala ako sa pangalang 'Keisha' lang.

Isa ako sa tinagurian nilang Commoner sa University.

Kasi nga isa lang akong nerd pero hindi ako baduy. Sumusunod nga rin ako sa uso eh.

Hindi ako famous tulad ng iba. Dahil marami ang hindi nakakakilala sakin dito.

Pero sa katauhan kong ito, mabait naman ako. Yun nga lang wala akong kaibigan dito sa University.

So balik tayo sa ulirat. Bago ako pumunta sa classroom ko dumaan muna ako ng mineral water sa canteen. Bigla kasi akong nauhaw. Makapag dala na nga tumbler bukas.

Kasalukuyan akong naglalakad at hinahanap ang classroom ko nang biglang may bumangga sakin at muntikan na akong ma out of balance kundi lang niya ako nahawakan sa wrist ko at hinila ako kaya napasubsob ako sa may dibdib niya.

Oh my! Muntikan nako dun ah! First day of class palang disaster na agad. Pero wait, *sniff, sniff* Shemay!! Ang bangooo.

Huli na nang marealize kong parang magkayakap na pala kami. Dinig ko na din ang bulungan sa paligid namin. Kaya mabilis pa kay flash para akong napasong humiwalay din agad sa kanya.

OH MY! Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon