Pagkatapos ng magkasunod na period ngayong araw na introduction lang muna kasi nga first day of class pa naman, pumunta ako mag isa sa cafeteria para magmeryenda muna. May last period pa naman kami before lunch.Nakakalungkot lang talaga kasing isipin na wala man lang akong friend dito. Sabagay, sino ba naman kasing magkakainteres makipagkaibigan sa isang katulad ko na commoner lang? Kung tutuusin kasi elite school tong pinasukan ko kaya ganun. And besides, wala naman talaga akong kabalak-balak makipag friends sa mga to noh! Mapapagod lang akong makipag plastikan. Kaya di bale nalang.
Hayyy!! Kaya eto, mag isa na naman akong naglalakad papuntang cafeteria nang bigla kong maalala ang nangyare kaninang first period. Kaya naiiling akong pinagpatuloy nalang ang paglalakad. Bakit nga ba hindi na bumalik ang mga loko ? Tsk!
Pagpasok ko sa cafeteria medyo marami ng students ang naroon. Hindi rin ganoong mahaba ang pila kaya madali lang akong nakabili ng meryenda ko.
1 slice Cheese Cake + Almond Cupcake + Orange Juice = P250.
Okay na toh! Kahit mahal. Jusko! Mauubos ata allowance ko neto.
Buti sana kung makalimutan ko ang pangalan ko sa sobrang sarap eh.Humanap na ako ng bakanteng mesang pwede kong pwestohan ng may makita ako dun sa may bandang gilid katabi ng bintana kaya agad din akong pumunta dun.
Pagkaupo ko luminga-linga muna ako sa paligid ko, napangiti naman ako ng mapansin kong hindi lang ako ang isinumpa ngayong araw nato na walang makakasama. Kasi may mga katulad din pala akong ALONE ang drama.
Saktong titikman ko ang Cupcake na hawak ko ng biglang may baklang tumabi sakin at ang lawak ng pagkakangiti. Ang weird naman neto! Pero cute siya!
"Hi Barbie doll. Dito na kami pupwesto ng kasama ko ah? Boring pa naman kapag mag-isa lang. By the way, I'm Rainielle but you can call me Rain for short. And take note darling, yung mga close friends ko lang ang tumatawag sakin niyan. Especially yung mga BFF ko." mahabang sabi niya.
Ang daldal naman ng baklang to sabi ko sa isip ko.
Kaya napatingin ako sa paligid ko. Hindi lang naman ako ang mag isa ah! Pero okay lang. Mabuti nadin naman toh ng may kasama naman ako kahit sa pag kain lang.Pero agad kong naalala ang sinabi tinawag niya sakin. Did he just call me Barbie doll??
"Call me Keisha instead of Barbie Doll. Anyways, okay lang naman. Mabuti nga yon may kasama naman ako. Nice meeting you Rain. Pero hindi naman tayo BFF ah? Kakakilala lang natin sa isa't isa." Nakangiting sagot ko.
As if on cue, bigla na lamang may umupo sa tabi ko.
"Hi Keisha, I'm Lian nga pala. Friend ni vaklush!" Pakilala ng kasama niya saka ako kinamayan.
Tinanggap ko naman ito saka siya nginitian. Pero may napansin ako sa kanya eh. Mukha siyang tagilid, parang magkabaliktad sila ni Rain. May pagka boyish siya pero maganda parin.
"Ganyan talaga girl. Nasesense ko na kasing magiging BFF's tayo. Kasi i can feel it na you're not a bitch or a slut or whatsoever you call it. Ang sakit lang sa mata. Lalo na pag hindi naman maganda pero umaasta silang habulin ng mga fafa. Ewww! Diveyy LianNA ?" Sagot niyang tumingin kay Lianna at inemphasize pa ang huling kataga sa pangalan niya. Kaya napairap naman ang huli at itinaas lang ang middle finger niya.
"Hoy babaita!! Wag mo akong maganyan ganyan. Kahit balibaliktarin mo ang mundo isa ka paring babae. Babaeng isinumpa!" Pairap na sabi ni Rain kaya napangiti ako.
"Ohoyy! Baklang haliparot! Baka nakakalimutan mo rin, na isa kang DYOSA.... SA-NA. Kamuntik na! Nag ibang landas pa! Kaso masyadong makapangyarihan ang sumpa. Kaya kahit balibaliktarin mo ang mundo isa ka paring LALAKE. Na sinaniban ng enkantong nagkatawang babae. Kaya ang outcome, tadaaahh! Mukhang luging kabayong isasali sa beauty contest." Sagot ni Lianna na ang lawak ng ngisi. Samantalang halatang nagtitimpi naman itong si bakla.
BINABASA MO ANG
OH MY! Nerdy Boss
Novela JuvenilNagsimula sa bullying hanggang sa may NA-FALL. May mamuo kayang pagmamahalan o tanging awayan lang??