chapter 1

92 1 0
                                    

Chapter 1

*Ring! Ring! Ring!*

It’s a new day na naman! Tumayo na ako para i-off yung maingay kong alarm clock then nagprepare na ako for school, dapat magsimula tayo with good vibes para good vibes till the end of the day! Good girl pa rin naman ako eh.

“good morning, ate!” greet ng younger sister – Yehudi Daphne -- with a smile on her cute face.

“good morning din, Yehudi” sabay kurot ko sa cheeks nya.

“aray ko naman” sabi nya habang ni-ru-rub yung cheeks nya. CUTE nya talaga!

“kayong dalawa, bilisan nyo na, baka ma-late pa kayo sa school.” Sabi ni mama habang umuupo para sumabay kumain namin.

            *eat.. eat.. eat*

            Yan tapos na!

            “bye ma, alis na kami. I love you” sabay naming pagba-bye kay mama.

            “i love you too, princesses. Ingat kayo.”

            Hinatid ko na muna si Yehudi since una naman naming madadaanan ang school nya. Ako ang tagahatid nya at si mama ang tagasundo. Minsan kasi hindi sang-ayon ang schedule ko sa uwian nya.

            “Yehudi, be good girl ha?” i partially leaned para maka-level kami.

            “yes, ate!” nagsalute pa sya “ikaw din po ha?” tapos nagsmile sya.

            “opo” nagsmile rin ako and then pinapasok ko na sya sa loob.

            It’s time naman para harapin ko ang responsibilities ko sa school ko. Mukhang hindi maganda ang nafe-feel ko rito ah. Malayo pa lang at natatanaw ko na naman ang mga schoolmates ko na nakatambay. Magsi-six pa lang naman kasi eh and seven ang pasok namin.

            “girl, bagay ba sa akin yung make-up ko ngayon?”

            “yah, it’s nice. Uy, saan mo nabili?”

            “in-order ko lang naman sa France.”aba, nagmamayabang ang bruha! Mapuntahan nga ang mga unggoy na ito sa ilalim ng puno. Bakit sila nagbabaan? Mainit siguro sa sanga! HAHAHAH! FUNNY!

            “uy girls, si Ms. President” sabay turo gamit yung lips nya. Duh! Anong gusto nyang ipagmayabang? Yung mapula nyang labi? Paputukin ko yan eh!

            I forgot to tell, ako nga pala ang Student Council President ng school na ito. Well, vi-note nila ako eh. Magsisisi sila ngayon.

            “goodmorning Ms. President.” Sabay-sabay nilang bati with matching bow pa. Ganyan talaga ako ka respetado rito. HAHA!

            “oh girls, goodmorning” inangat nila yung mga ulo nila and ngumiti sa akin. Akala siguro nila papagalitan ko sila, tama sila, papagalitan ko sila at syempre dapat may introduction muna ako para masaya. “kailan ang foundation day natin?” medyo na-confuse yata sila sa tanong ko. Nagtinginan muna sila.

            “sa February 2, ms.” Then I smiled.

            “Alam nyo pala eh! Bakit wagas kayo kung makapag-make-up?” kung harina na lang yung nilagay nyo sa mukha nyo edi mas maganda! Pinapag-aral sila ng mga magulang nila, nagtra-trabaho para makapasok sa school. TAKE NOTE: SCHOOL! Tapos kung makapag-make-up. Buti sana kung college na sila pero hello! Hi! Highschool pa lang sila. Mas makakapal pa ang mga make-up nila compare sa mga teachers eh. Papapasukin naman sila kahit wala silang echos sa mukha. Wala naming naka-post sa gate na “NO MAKE-UP, NO ENTRY” ha? Wala diba?

            “may contest ba rito ng pakapalan ng foundation at papulahan ng labi? Ako ang president, bakit hindi ko alam?”

            “wala po.” Mahinang sagot nila. Akala nila makakaligtas sila sa akin ha?!

            “wala pala eh, sa susunod kung gusto nyo ng permanent red cheeks and lips, approach me. Nasa SC’s (student council’s) room lang naman ako or kaya sa classroom ko.”as usual, natakot sila, buti naman alam nila ang ibig kong sabihin.

            “ano pang hinihintay nyo? Just go and was your faces.” While pointing to the comfort room. Dali-dali silang nag-alisan at nagtulakan pa.

            Parehas lang yung ginawa ko sa iba. Nakita na nga nilang pinapagalitan ko yung mga naka-make-up hindi pa nag-wash ng face yung iba. Gusto yata nila na personal ko silang papagalitan bago sila maghugas eh. Then, sa kakalakad ko, i saw some boys smoking on the bench. ANAK NG TOCHI naman tong mga lalaking to oh!

            “sarap talaga ng feeling.” Aba, naka-smile pa ang loko! Suddenly may nag-cut ng cigarette nya --hindi naman totally na-cut using sharp-edged tools or blades, pero mawala lang yung light nung cigarette. Ah basta! Yun na yun—sino pa bang gagawa nun? Syempre ako J

            “sino ka at anong karapatan mo—“ tumayo sya and tumingin sa side nya. He was surprised to see me there, standing while holding my wooden sword with my left hand and yung right ko naman is nasa sexy waist ko. HAHA!

            “sorry to tell, but i’m just the student council president Priscilla Uzziah Meredith Lycurgus” and raise one of my eyebrow. Of course, dapat full name ang binabanggit para mas cool.

            “sorry, Ms. President” and paulit-ulit silang nag-bow. Pa-cool much, ako lang pala ang katapat! Mga mayayabang na nilalang!

            “walang smoking area rito, and only for educational purposes” so how dare are they to smoke in this kind of place?”sige bumalik na kayo sa respective rooms nyo.”

            “sorry po ulit.” And nawala na sila sa paningin ko. Buti naman!

            After ko sa kanila, nagpunta na ako sa likod ng mga buildings, dahil yun ang favorite spot ng mga mag-kakarelationship. Chini-check ko yun everyday bago ako pumunta sa class ko, baka may something something na silang ginagawa eh. You know, over the limits. Hindi makapagtimpi. Natutukso. Excited and mga PDA(public display of affection). Hay naku! Mga teenagers talaga ngayon. MAPUPUSOK! Pero hindi naman lahat, meron pa rin talagang mga katulad ko na mababait. Syempre dapat binibida ang sarili.

i'm a manhater!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon