chapter 2

48 1 0
                                    

CHAPTER 2        

Habang papalapit na ako, may narinig ako nag-uusap. Sabi na nga ba eh. (Nag-uusap pa lang naman ah)

            “jancis, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita mahal at kahit kalian hindi kita nagawang mahalin.” LOVE?! Towards opposite gender as boyfriend! YUCK! At isa pang malaking YUCK!

[a/n: pasensya na po talaga, i need to deliver those lines nya kasi nga po isa syang manhater at bitter. Sorry, it’s really a part of my story, that’s why i need to do it.]

            “hindi ako naniniwala! Gumagawa ka lang ng paraan para ma-convince mo akong makipaghiwalay sayo”

            Medyo intense ang aura rito. Sa nakikita ko ngayon, babae at lalaki sila tapos nakatalikod sa akin. Yung lalaki—matangkad, maputi at golden hair—then yung girl naman is black-haired nakatalikod sya sa lalaki. Hanggang balikat yung hair nya. Yun lang. Eh, sa hindi ko sila makita ng maayos dahil nakatalikod sila sa akin eh.

            “hindi ka rin bingi no? Bahala ka sa buhay mo!” ready to go na si babae pero hinawakan sya nung lalaki sa braso. Para akong nanonood ng romantic movie. Romantic nga ba? Action ata to eh. Ay EWAN!

            “please don’t leave me.” Shocking! Lumuhod yung lalaki.

            Ganyan ba ka-dead tong lalaki na to?narinig nya na ngang ayaw sa kanya, hindi sya mahal tapos pinagpipilitan pa yung sarili nya. Hindi na nga sya mahal diba? Hindi nya baa lam ang ibig sabihin ng ‘hindi mahal’?

            “mala-late na ako.” hinila nung babae yung kamay nya tapos umalis na. Kawawa naman. Buti nga! Teka! Bakit ba ako nakikinig dito? President ako, dapat pinapabalik ko sila sa klase nila. Magse-seven na kaya! Papalapit na ako sa kanya at napalingon sya dahil hinihila ko yung sword ko na nagmake ng noise. Just like what i said, lumingon sya, with teary eyes.

            “sino ka?” what?! Hindi nya ako kilala? I’m the respected student council president!

            “kanina ka pa ba dyan?” anak ng tochi tong lalaking to ah! Sunud-sunod kung magtanong.

            “kunwari wala kang nakita.” Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa bulsa at naglakad na papalayo.

            Ang kapal ng mukha nya. Wala pang gumagawa sa akin nun. Layasan ba naman ako.

            “YYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH”

            “AAAAAARRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAYYYYYYYY” napaupo sya sa damuhan habang hawak-hawak nya yung  shoulder nya na pinalo ko.” Sino ka ba kasi?!” naluluha na sya sa sakit. Bagay lang yan sa kanya. Kulang pa nga eh.

            “i’m the respected student council president Priscilla Uzziah Meredith Lycurgus” and i smirk. “and you mr., who are you?”

            “ikaw pala yung terror president.” Napangiti sya. WOW lang ha! Nakuha nya pang ngumiti. I’m happy to make someone smile. Pero hindi sa kanya! By the way, terror? Sige, kung ayun ang tawag nila dun. Tatanggapin ko ng maluwag. J

            “oo, ako nga”tumayo na sya pero hawak nya pa rin yung shoulder nya. Ganun ba kalakas yung pagpalo ko? Ang weak naman ng shoulder nya. “i’m roaming around we i saw the two of you”

            “nakita mo pala?”

            “oo nga! Hindi ka ba nakikinig?!”

            “nakita mo pala ang katangahan ko kanina? Sige husgahan mo na ako, aaminin ko tanga ako...”

            “dapat lang yan sa inyo! Ang dami mong sinasabi... bumalik ka na sa klase mo magbe-bell na mamaya-maya.” Umalis na ako at nagpunta sa classroom ko.

i'm a manhater!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon