chapter 3

51 1 0
                                    

CHAPTER 3

            -Jancis Ercole Nixon Lorraine-

            “jancis, ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita mahal at kahit kalian hindi kita nagawang mahalin.” Hindi nya ako mahal? At hindi nya ako minahal? Ibig sabihin, all of the time niloko nya ako. Baka jino-joke nya lang ako.

            “hindi ako naniniwala! Gumagawa ka lang ng paraan para ma-convince mo akong makipaghiwalay sayo” baka naman may camera? Prank lang naman to diba? PLEASE! TELL ME!

            “hindi ka rin bingi no? Bahala ka sa buhay mo!” wag ka munang umalis, hindi mo pa sinasabig joke lang to.

            “please don’t leave me.” Yan ha, lumuhod na ako. Sabihin mo munang joke lang to. Seryoso kasi ako ngayon, hindi ko kayang mawala ka dahil mahal kita. SOBRA!

            “mala-late na ako.” Seryoso nga sya. Naiiyak na ako. Hindi pwede to. Mahal na mahal ko sya eh. Malaking parte sya ng buhay ko. P*NY*TA! Naiiyak na ako. Pasensya na ha, isa akong gwapong iyakin eh. Ano bang gagawin ko ngayon? WALA! Alam mo yung masakit? Ito yun eh. RAMDAM AT DAMANG-DAMA KO! Teka, parang may kumakaluskos? Panira ng moment to ah! Napatingin ako sa direction na pinanggagalingan nung noise to be specific, sa likuran ko.

            Babae. Tama lang yung height. Maganda. At may hila-hilang... kahoy? “sino ka?” Kakatapos lang ng break-up namin, may lumalapit agad, iba talaga ako. GWAPO eh.

            “kanina ka pa ba dyan?” nakita nya kaya ang walang kwentang break-up naming?

            “kunwari wala kang nakita” aalis na ako. Wala akong panahon para mag-entertain ng panibagong babae. Broken-hearted ako ngayon sa babaeng mahal ko.

            “YYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH” bakit sya sumi--

            “AAAAAARRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAYYYYYYYY” anong pumasok sa kokote nya at pinalo nya ako ng kahoy? Teka lang, baka nabali ang shoulder ko. Ayoko sa hospital, takot ako sa injection, ayaw ko pang mamatay. Ang sakit! Ang lakas ng palo, parang bakulaw. Naiiyak na naman ako! Di ko na kaya ang sakit, inside and out.

            “sino ka ba kasi?” bigla-biglang namamalo! Pag ako namatay, hinding-hindi ko sya patatahimikin. Hindi ba sya marunong makadama? Alam nya naman yatang galing ako sa break-up eh.

            “i’m the respected student council president Priscilla Uzziah Meredith Lycurgus” ang haba naman ng pangalan nya “and you mr., who are you?” sya pala yung kinakatakutan nila. Akala ko dahil pangit pero maganda naman pala eh. Anong katakut-takot? Ugali? I see.

            “ikaw pala yung terror president.” Akala ko exaggeration lang yung ‘terror’ thingy, hindi pala. Actually, kulang pa yun. SADISTANG BABAE!

            “oo, ako nga” tumayo ako kahit iniinda ko pa rin yung sakit ng balikat ko. “i’m roaming around we i saw the two of you”

            “nakita mo pala?” nakita nya? BWISIT!

            “oo nga! Hindi ka ba nakikinig?!” ang taray!

            “nakita mo pala ang katangahan ko kanina? Sige husgahan mo na ako, aaminin ko tanga ako...” hindi pa ako tapos dba?

            “dapat lang yan sa inyo! Ang dami mong sinasabi... bumalik ka na sa klase mo magbe-bell na mamaya-maya.” Dapat lang samin? what does she mean? Ang bitter naman ng babae na to! Nakalimutan ko tuloy na heart-break ako. Ano bang pakialam ko sa kanya? Nagsasayang lang ako ng oras. Makabalik na nga sa room.

            Ang hirap naman mag-move-on. Nag break na kami. Malamang! Syempre kanina lang. Paano ako magmo-move-on? Ayoko sa lahat ng ganito eh. Alam ko na! Hindi na lang muna ako papasok! TAMA! Hahanap muna ako ng safe place to express my feelings.

            Observe ko lang, kanina ko pa kayo kausap pero hindi pa ako nakakapagpakilala. Well, ako si Jancis Ercole Nixon Lorraine. Alam kong gwapo ako pero hindi nyo na kailangang sabihin. Nakakatuwa ang surname ko no?eh di kayo na ang masaya. Hindi ako natutuwa, girlish ang dating eh, hindi bagay sa ka-gwapuhan ko, kaya madalas akong pinagtatawanan eh. And tulad ng mga nangyari kanina, ako na ang magsasabi sa inyo, martir at duwag ako. Ayokong mawalan, natatakot akong masaktan. Masakit! Hindi ko kakayanin!

i'm a manhater!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon