A/N
Any Comments, Suggestions or Votes guys?
-ghie_12
-------------
"Ang ganda talaga!" I just can't help myself admiring the place. Pose kami ng pose nila charrie and aron, ganun din sila myx and xander. Panay ang kuha naming ng pictures. Syempre mawala ng lahat, huwag lang ang picture picture!haha! Ang love birds naman eh magkahawak kamay na naglalakad. Gusto sumali ni Michelle sa harutan namin but nginingitian lang eto ni Zach.whaha! Buti nga!
" Yeah so beautiful!" Anas ni Xander pero sa akin eto nakatingin.
" Ganda ng view anoh?" Panggagatong pa ni Myx.
" Matagal ko ng alam na maganda ako!haha!" Feel ko ngayon magyabang eh. I will enjoy myself to the fullest at pansamantalang kinalimutan ang nararamdaman ko kay Zach.
Natawa si Myx sa tinuran ko."Wow! Nakakahawa na pala ngayon ang kayabangan.haha!"
" Okay lang may ipagmamayabang naman diba?haha!" I wink. I feel comfortable with them matapos ang usapan namin kanina. Okay naman kasi ang dalawang eto. Mapagbiro't masayahin.
" Teka! I remember! Zach, diba may kweba sa dulo ng isla?" Nilingon ni Xander si Zach. Tumango naman ang huli.
"Really? Tara puntahan natin!" Excited na ako! Sabay hila kay xander. Nakangiting nakasunod lang si charrie at aron. Natutuwa dahil sa nakikitang kasiyahan na bakas sa aking mukha. Habang si Zach naman ay seryoso na nakatingin lang sa amin. Samantalang kwento ng kwento naman si Michelle pero halata namang hindi eto nakikinig.
" Actually, bawal ang turista doon kasi masyado ng malayo at delikado." Seryosong sabi ni Myx. Nakarating na kami sa part na may malalaking bato. Inalalayan nito si Charrie samantalang ako naman ay si Xander. Ganun din ang ginawa ni Zach.
"Ang daya talaga! Bat kayo may partner? Ako wala? Ni wala man lang umaalalay sa akin!" Himutok ni Aron.
" Ang arte mo naman bakla! " Tugon ni charrie.
" Buti nalang kasama natin ang may-ari ng isla. And the truth is, hindi pa kami nakakapunta dun. Tanging sa kwento lang naming naririnig." Nakangising turan ni Xander.
" Asus! Akala ko pa naman nakapunta na kayo! Talaga bang meron kweba? Baka naman wala tayong makita dun?" Tanong ko.
" Babe, meron ba talagang kweba doon? " Maarteng sabi ni Michelle.
" Yup meron! Actually, tanging ako lang ang nakakapunta dun. Ako din ang nagutos sa mga tauhan namin na pagbawalan ang sinumang gustong pumunta sa part na iyon ng isla. " Napatingin nalang ako habang nagsasalita si Zach.
Napatango nalang kami at pinagpatuloy na ang pagakyat baba sa batohan ng biglang sumigaw si Michelle.
" Ouch! " Maarteng anas nito. I rolled my eyes! Ang arte ha! Mabilis naman etong dinaluhan ni Zach. Parang binibiyak ang puso ko sa nakitang pagaalala sa mukha nito.
" Are you okay? Bat kasi hindi ka nagiingat? May masakit ba sa iyo? Kaya mo pa bang maglakad?" Tanong nito na punong puno ng pagaalala.
" I don't know babe! Nasprain ata ang ankle ko. I'm sorry babe. I'm sorry guys!" Nakatingin lang ang lahat sa kanya. Walang nagsalita. I gasp ng binuhat eto ni Zach. Nagpupuyos ang kalooban ko sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Little too Late
RomanceAll she wanted is to be loved. She finally found her one true love but unfortunately, he's inlove with somebody else. When she finally confessed her true feelings, " Yes I do love you but not the way you want me to." Her heart was shattered into p...