beginning

116 0 1
                                    

Sa bayan ng Masikip may nagngagalang Anhaw, siya ay may maliit na katawan ngunit may mga malalaking braso.Siya ay kinakatakutan sa kanilang lugar dahil sa matinik nitong pag uugali. Walang pinagpipilian dahil kahit magulang hindi pinapalampas, sinusumbatan niya ang pangangaral ng kaniyang nanay sa kaniya kaya walang sinuman ang maglalakas loob na kumalaban dito dahil sa takot na baka silay kaniyang mapaslang. Si Aling Nina ang kaniyang ina, kabaligtaran naman nito ang pag uugali ng kaniyang anak. Isang araw, umuwi si Anahaw na nakabusangot ang mukha dahil sa pagkasira ng kaniyang araw dahil sa mga taong nakapaligid sa kaniya sa tuwing siya ay nagpapakitang gilas sa kaniyang pamamaypay gamit ang malapad at manipis na kahoy. Malakas na pagkayanig ng kanilang kubo ang paggawang pagbukas ni Anhaw sa kanilang pinto at ito naman ang ikinagulat ng kaniyang inang natutulog dahil sa pagkakaroon ng lagnat."NAY! BAKIT WALA PANG NAKAHAIN DITO!?" sigaw na tanung nito sa kaniyang ina na kasalukuyan pa ring nakahiga sa mumunti nitong kama habang nanghihina pa rin," anak pagpasensyahan mo muna ako dahil may sakit ako kaya ikaw na muna sa ngayon ang magluto ng ating makakain!", nanghihinang untag ni Aling Nina sa kaniyang anak na kasalukuyang nakaupo na ngayon sa isang kahoy na ginawang bangko." ANO NAY? AKO? AKO ANG PAGLULUTUIN NIYO? SINO BA ANG BABAE SA ATING DALAWA HA? DIBA IKAW, Kaya tumayo ka na diyan at magluto dahil nagugutom na ako, wag kang maarte dahil alam kong nag sasakit sakitan ka lang para ako ang makapagluto tsk, di niyo ko makukuha sa mga ganyang palusot" sabi nito sabay tayo at pagkatapos sabihin ay kaagad na itong lumabas ng kanilang kubo at pumunta sa likod bahay nila at doon magpapalamig ng ulo at matulog. Sa kabila naman, wala ng nagawa si Aling Nina kundi sundin ang kaniyang  anak at pinilit na magluto kahit na siya ay hinang hina na, pagkatapos magluto ni Aling Nina ay agad naman niya itong inihain at bumalik na sa pagkakatulog. Makalipas ang limang oras ay nagising na si Aling Nina at bumubuti na ang kaniyang pakiramdam, pumunta siya sa kanilang hapag upang tingan kung kumain na ba si Anhaw ngunit, hindi pa ito nakukulangan simula ng kaniya nitong ihain. Hinanap ni Aling Nina si Anhaw upang makakain, nagtanong tanong siya sa mga tao roon ngunit ni isa wala man lang nakapansin sa kaniya simula ng siya ay umuwi sa kanilang bahay. Hindi alam ni Aling Nina ang gagawin , gayong napagtanto niyang sa likod bahay lang nila ang hindi pa niya napupuntahan kung saan doon nagpupunta ang anak sa tuwing ito'y nagagalit o naiinis. Pagkarating ni Aling Nina sa likod bahay ay may nakita siyang kakaibang halaman na di kailanman ay hindi pa nila nakikita mula pa noon at hindi pamilyar sa kanilang lugar, ito ay may tinik tinik sa katawan gaya ng ugali ni Anhaw, at may malalaki itong dahon na kahawig  ng isang paypay. Doon napagtanto ni Aling Nina na si Anhaw nga ang halamang iyon, bumuhos ang kaniyang luha dahil sa nakita. Ngunit kaniya itong inalagaan hanggang sa ito ay lumaki at naging pamilyar sa kanilang lugar na tinawag nilang Anhaw at di kalaunan ay tinawag na nila itong anahaw.


Salamat po
Hope you like it

#daryllkangrez


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

alamat ng anahawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon