Chapter 1: Friendship

169 8 7
                                    


Denise's POV


Para akong pinagsakluban ng langit at lupa pagdating sa bahay na inuupuhan namin. Bakit ba ang malas-malas ko ngayon? Nawalan na nga ako ng trabaho, nakasagasa pa ako ng inosenteng tao. Idagdag pa gusto akong torture-in ng girlfriend ng lalaking nasagasaan ko kapag hindi ko tinupad ang pangakong hindi ko sila tatakbuhan.

Problema. Problema. Problema. Puro na lang problema. Bakit ba sa dinami-rami ng tao sa mundo, isa ako sa mga taong "pinalad" na magkaroon ng balat sa puwet? Nakakainis lang ha. Nakakatulong kayo sa buhay! *note the sarcasm*

Nakatingin ako ngayon sa langit na puno ng kadiliman pero may liwanag din na sumisilay dahil na din sa buwan at bituin na kumislap sa mapayapang gabi. Naipatong ko ang baba ko sa braso ko habang nakapulupot ito sa binti ko dahil nakaupo ako sa terrace ng bahay namin sa ikalawang palapag. 

Humahampas sa mukha ko ang malamig at sariwang hangin na dulot ng gabi. Masarap talagang mag-isip-isip kapag gabi at kumikislap ang butuin sa langit na nagsasanhing liwanag sa kadiliman. Kahit papaano na-relax ako.

Nagmumuni muni ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng shorts ko. Bigla kong kinuha ito at nakita kong may nag text sa akin galing kay Frances. Dali daling in-unlock ko ang cellphone ko at binasa ang text na galing dito.

@Frances: Evening bes, bahay kana?

@Ako: Oo. Why?

@Frances: labas tau bukas off naman tsaka alam ko wala ka gagawin. Treat ko!🙂. Wala nang bawian!

@Ako: Wala na nga ako maga2wa db?! Nakapag decide kna 😏😒

@Frances: 😜 wala nang bawian bes! Sleep kna. See u

@Ako: Oo na. Ndi ko alam paano kita naging kaibigan

@Frances: ndi mo kasi matiis ganda ko at alam ko love mo ako!

@Ako: lol. Lakas ng hangin abot dito! Tama na.

@Frances: labyu bes. Night!😘

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang text galing sa bestfriend ko. Kung hindi ko lang siya mahal at hindi kayang mawala siya sa buhay ko, malamang matagal ko na siyang dinispatsa. Simula kasi nang dumating ito mula sa kung saan ay kung anu-ano na ang pinaggagawa namin at naging masaya kabataan ko dahil sa kanya.

Tandang-tanda ko pa yung pangyayari na parang kahapon lang at naglakbay ang diwa ko pabalik sa oras kung saan ko siya unang nakilala.


---15 years ago---


Naglalaro ako sa terrace ng bahay nmin at abala sa paglalaro ng bahay-bahayan kahit ako lang mag isa at wala akong kalaro. Masaya na ako nito dahil nag-iisang anak lang naman ako ng tatay at nanay kaya nasanay na ako sa ganitong set up. Gustuhin ko mang kalaro si nanay at tatay ay hindi ko magawa dahil abala sila sa paghahanap-buhay.

Si Tatay ay isang staff ng gobyerno at sa city hall siya nagtatrabaho habang si nanay naman ay naglalako ng mga pagkain as long as pagkakakitaan ay papatulan nya basta kumita lang daw.

Naiiwan ako sa bahay namin kasama ang tita at lola ko sa side ng nanay ko. Masaya naman kami pero salbahe ang tita ko dahil palagi na lang siyang galit at seryoso sa buhay kaya hindi mo akalain na dalaga pa siya kasi para siyang nagme-menopause kabata bata niya pa.

IT MIGHT BE YOU ⁉️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon