Chapter 3

113 7 0
                                    




Denise's POV



Nakalabas na ako ng building namin nang maalala ko yung usapan namin ni Frances at dahil na din sa text nya nalaman kong hinihintay nya ako sa parking lot.

Buti nalang din at hindi ako nagdala ng sasakyan lalo na traffic at sayang sa gas lalo na ihahatid naman nya ako pauwi sa amin.

Malayo palang ay nakikita ko na syang nakasandal sa may sasakyan. As usual maganda parin tong best friend ko. Mahaba ang wavy brown hair nya at sexy na katawan lalo na nakasuot sya ng white floral dress na humahapit sa hour glass niyang body kaya nag compliment to sa itsura nito. Para itong anghel lalo na kung ibang tao makakakita sa kanya pero ang totoo ay sutil ito.

"Best!" Nakangiti niyang kaway sa akin habang ako naman ay naglalakad patungo kung san naka park sasakyan niya.

Nakangiti ako habang papunta sa sasakyan nya. Bigla akong na conscious kasi naalala ko tuloy sabi nya sa itsura ko now since maikli buhok ko.

'Best! Gwapo ka pla kapag lalaki ka' yan sabi nya sakin noong nakita nya ako after umuwi ako galing salon.

Napailing nalang ako pero may sumilay na ngiti sa labi habang naalala ko yung araw na yun. Bigla ko naalala nakasuot lang ako ng pants na tama lang pero hindi hapit at T-shirt na maluwag sa katawan ko since comfortable lang dinamit ko dahil pumasok lang ako sa part time job ko at wala na ako sa ASP inc.. Hindi ako nang hihinayang na umalis ako pero alam ko din naman na mahihirapan akong humanap ng trabaho ulit pero since matiyaga ako gagawin ko lahat para makahanap ulit ng work.

Nasa harapan na ako ni Frances at dahil sa malalim iniisip ko hindi ko napansin na kanina nya pa ako kinakausap pero deadma lang ako.

"Hoy best! Okay ka lang ba?" Tanong nya sa akin na may halong pag aalala

"Sorry may iniisip lang," napangiti kong sagot sabay hawak sa batok ko.

"Kung hindi kita kilala maniniwala na ako pero alam ko may gumugulo sa utak mo" sagot nya sa akin na may lungkot sa mata.

"Wala to best, wag ka nang mag-alala" sagot ko at hinila ko na sya papasok ng sasakyan nya. Magsasalita pa sana sya noong pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

Nasa passenger seat ako katabi nya sa unahan ng sasakyan at sya naman ay naglalagay ng seat belt. Bigla naman syang nagsalita na naging dahilan upang mawala ang katahimikan sa pagitan namin.

"Tara alis na tayo," sabi nya sa akin at pinaandar na ang sasakyan.

"San ba tayo pupunta?" Curious na tanong ko dahil wala itong nabanggit kung ano at saan kami gagala.

IT MIGHT BE YOU ⁉️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon