Prologue

281 11 44
                                    

How can you start living if everything messed up on your past? Can you still trust everyone and yourself again?

That's how Denise feels. She wants to be happy and start her life again away from those people who can't accept her. Pero nagbago lahat ang buhay niya nung matanggal sya sa trabaho niya bilang sales agent sa isang kilalang mall. Hindi kasi alintana sa kanya na lahat ng ginagawa niya ay tama at nasa rule book nila lalo na ang "Integrity is the essence of everything success".

Isang araw dahil napuno at badtrip na siya sa lahat ng manloloko sa mundo, Pinakelaman niya kasi yung manager nila sa ginagawa nitong masama sa opisina at imbes siya ang purihin dahil kuha sa akto na pumupuslit ito ng pera ay sinumbong na niya to sa paghahangad na maging magandang ehemplo yun sa iba para mawala takot ng tao sa opisina na itama ang mali pero nagkakamali sya dahil hindi naniwala yung head nila kasi may gusto yun sa Manager nilang impakto.

Ayun! Sya natanggal hindi yung manager nila. Sa sobrang ngitngit nya ay nasagot niya Department Director nila at nagpupuyos ito sa galit sa kanya dahil hindi sya nagpapatalo katulad nalang ng ginawa niya kanina. Nag walk out sya sa opisina at diretso sya sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan nyang luma na pero napagtiyagaan naman.

Dali daling binuksan ni Denise ang sasakyan dahil bigla nalang umulan. Salungat sa balita sa TV na magiging maaraw daw ngayon.

"Damn!" nasambit nya habang ayaw ma-unlock ng door ng sasakyan nya. Dahil sa bwisit, bigla nya nalang sinipa ang gulong ng sasakyan kaya ayun! Napasigaw sya "AaaARAY! Bwisit na buhay to. Bakit ba palagi nalang akong MINAMALAS?!".

Nang sa wakas ay nabuksan niya ang pinto ay pumasok sya agad sa loob ng sasakyan pero para na syang basang sisiw.

Kinuha ni Denise ang bag sa likod ng sasakyan at para makapagpalit ng damit dahil sobra na syang nilalamig dahil galing pa sya sa sakit.

Pagkabukas nya ng bag ay ganun nlng gulat nya na gamit pala yun ng nakababata nyang kapatid na si Jake dahil parehas sila ng bag na bigay sa kanila ng nanay nila.

Inis na inis ngayon si Denise dahil nilalamig na sya pero no choice sya dahil needed nya matanggal ang basang damit na kanina pa nakabakat sa patpatin nyang katawan. Oo, tama kayo iniisip, payat sya pero may laman parin ang right places sa katawan nya pero kung maluwag damit nya ay nagmumukhang wala syang hinaharap 😅.

Napabuntong hininga nalang sya dahil kailangan nyang suotin ang damit ng kapatid nya na sobrang laki ng size para sa kanya at ginamit nalang nya ang jogging pants nito. Imagine-in nyo yung para syang japorms kung makikita ng ibang tao ay iisipin pa na gangster sya.

Pagkatapos nyang magbihis sa loob ng sasakyan ay pinaandar nya na yung sasakyan at pinasibad ito.

Habang nagmamaneho ay nakahawak ang kamay niya sa manibela at nakatingin sya s daan dahil ika nga nila ay 'Eyes on road and hands on the wheels para iwas disgrasya'.

Dahil na din sa lagnat nya at sa komprotansyon nila ng Director nila ay biglang inantok si Denise. Napag isipan nyang mainam na makinig sa radyo upang mawala ang pagka antok nya. Biglang nyang inabot ang radyo sa sasakyan nya upang buksan ito pero nung nalingat mata nya sa daan ay ganun nalang ang pagka-bigla nya dahil nung inangat nya to ay may nakita syang 'ITIM NA PUSA' sa daan at bigla nyang kinabig ang manibela pakaliwa pero sa gimbal nya may lalaking nakatayo para pumasok sa sasakyan nito pero hindi na nagawa nung lalaki dahil nabangga nya na to!.

"FuuUDge!!!". Ito nalang nasambit ni Denise dahil imbes na gumamit sya ng profanity words ay ito na nakasanayan nya. Isa syang mabait na bata at nakasanayan na din nya ang word na to dahil sa pagkahilig sa 'FUDGEE BAR' 😂.

IT MIGHT BE YOU ⁉️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon