Chapter 14

2.5K 90 0
                                    

Michael's POV

After ten years nag ka POV din thank you author 😅


"San nyo ba kami dadalhin mga hayop kayo" sigaw ni jr sa mga humuli samin.


Nandito parin kami ngayon sa loob ng sasakyan at binabaybay ang isang lugar na kung saan hindi namin alam.


"Kaya nga san nyo ba kami dadalhin" tugon ni carl nakatali kasi yung mga kamay namin mula sa likod kaya hindi kami makapalag sa kanila at wala din kaming hawak na baril o patalim man lang.


"Dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar" ani ng lalaking nasa harap at tumawa ito ng tapakalakas at ganun din ang ginawa ng mga lalaki na humahawak samin, wala namang nakakatawa sa sagot nya ah.


Matapos silang mag tawanan tinutukan nito ng baril sa ulo si jr


"Kaya ikaw wag ka ng mag tanong kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo" ani nito at nanlilisik ang mga mata.


Saming tatlo wala ng nag tangkang mag salita pa, binabatukan nga nila kami kapag nag kakatinginan kaming tatlo eh.


Binaba nila kami sa isang village na nasa loob ng gubat at hindi mo aakalaing may ganito dito.


Maraming bantay ang naka paligid at pansin ko din na may mga watcher sila dito.


Dinala nila kami sa isang kwarto at sinabi nilang maglinis daw kami ng katawan babalikan nya na lang daw kami kapag tapos na.


"Ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni carl, kahit na ako ayan din ang tanong ko sa sarili ko


"Mukhang safe naman dito pero may something na hindi maganda kaya as much as posible kailangan nating makalabas dito" ani ko at nag simula ng mag linis ng katawan may mga damit naman dito na naka lapag kaya ayon na lang ang ginamit namin.

Natapos na kaming maglinis ng katawan at handa ng lumabas kaya lang naka lock ang pinto.

Mga ilang minuto pa bago ito bumukas at bumungad samin ang lalaking nag dala samin at ang pumatay kay mhel.


"Oh handa na ba kayo, kakausapin kayo ng aming president" aniya at dinala kami sa isang bahay at pumasok dito.

Pag kapasok namin tumambad ka agad ang isang mahabang lamesa at sa dulo non may isang babaeng nakaupo

"Oh welcome sa Unhell sanctuary" ani ng babaeng nasa mid 50s na ata dahil sa kulubot nitong balat.

"Ano bang kailangan nyo samin?" Tanong ko at tinignan ng masama ang matanda.

"Oh nandito kayo para pag experimentuhan" aniya at tumawa ng napakalakas na akala mo wala ng bukas.

"Mga walang hiya kayo" sugaw ni jr at sinugod ang babae pero pinigilan kaagad sya ng mga lalaking nasa likod namin at pinag susuntok ito.

"Matapang ka bata, nga pala ako si Dr. Lee ang nag pasimula ng bangungot na ito" pakilala nya at lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko, napaka walang puso.

"Baliw ka bakit mo ginawa yon, alam mo bang marami ng buhay ang nawala ng dahil sa kabaliwan mo" sigaw ko at tinawanan lang ako nito.

The VIRUS Z (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon