Sa henerasyon ngayon maraming kabataaan na ang sumasapit ng matinding kalungkutan sa katawan nila. Ito'y binabalot sila na parang lumpia na handa na ipakain, ipakain sa halimaw na kumukontrol sa kanila.
Siguro sa iba't ibang tao sa mundo iba-iba ang depenisyon nila ng kalungkutan. Sakin siguro matatawag ko itong partner. Partner na palaging nanjan yung palagi kang sasamahan. Yan yung kalungkutan ko.
May mga araw pa nga na hindi ko alam pero malungkot ako, umiiyak ako ng sobra sobra na tipong gusto ko na mawala sa mundong ito. Hindi ko alam kung bakit sya nag paparamdam sa saakin. Mayroon bang mali?
Sabi nila saakin ang pagiging malungkot daw ay isang desisyon. Putcha hindi ko pinag desisyonan maging malungkot, hindi ko naiisip maging malungkot ng napaka tagal.
Nang hingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko sa magulang ko na baka sakali matulungan nila ako dito pero anong sinabi nila saakin? "Itigil mo na yang pag dadrama mo." Hindi ako nag dadrama, nararamdam ko ito ng walang pasabi. Biglaan itong lumalabas saakin. Kaya na pag desisyonan ko na, nawala na akong ibang pag sasabihan kasi hindi naman nila ako maintindihan, hindi nila ito maiintindihan kahit kelan.
Siguro nga kayong nag babasa nito naiisip nyo na walang sense ito. Pero mag papasalamat pa din ako kasi binigyan nyo ng konting oras para basahin itong isinulat ko.
Hindi ako humihingi ng awa nyo kaya wag nyo ko pagkaawaan. Ang simpleng gusto ko lang ay tulong mula sainyo. Yun lang.
YOU ARE READING
Random ituuu
Cerita PendekTotally random stories that one of you can relate. Stay tune for my updates.