Part 2

553 6 0
                                    

          Takot na takot ako nung mga oras na yun. Katatapos naming mag hapunan, mga tatlong oras na ang nakakalipas ay ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at pawis na malagkit at malamig. Parang kahit anong oras ay dararting sya, kaya naman takot na takot ako nung mga oras na yun. Daig ko ang hilakbot at tila alam kong nandyan lang sya sa paligid at nag aabang sa akin. Maya maya ay nakarinig ako ng iyak na babae. Tumayo ang balahibo ko sa takot.

"Sino nandyan" sigaw ko habang nakaupo sa kama.

Pero walang sumasagot sa tanong ko.

"Tang ina mo, magpakita ka! Punyeta ka!"

         Mura ko dahil pampalakas lang iyon ng loob ko dahil alam ko sa sarili ko na takut na takot na ako. Para ipakita na di ako natatakot sa ugok na yun ay tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko. Akmang bubuksan ko ang pinto nang may marinig akong naglalakad palapit sa pinto. Kahit takot ay itinapat ko ang tainga ko sa pinto upang marinig ako ingay sa labas. Nang isang boses na tila sa hukay ang narinig kong namutawi sa bibig nya at ang sabi ay: "Akin ka lang hahahaha!" Halos mapatumba ako sa takot nun. Agad kong nilock ang pinto at hinarang ang kama. Nang biglang tumahimik ay lalo akong kinilabutan. Nakakatakot ang nararamdaman kong takot ngayon dahil walang presensya nya ang narinig at nakita ko. Ramdam ko ang sandaling katahimikan at takot ng mga oras na yun.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong mapagawi ang tingin ko sa salamin, pero nang gumawi ang paningin ko sa salamin ay nasindak ako dahil nakasakay sya sa likuran ko at paulit ulit nyang sinasambit ang mga salitang

"Akin ka lang...hinding-hindi na tayo maghihiwalay kahit kelan..."

***End***

MathildaWhere stories live. Discover now