Part 7

390 4 0
                                    

                Nagulat ako, kahit hinang hina ako dahil sa kung anong tinusok ng kupal na maskarang gagong yon eh nadala ako sa halik ng babaeng ito. Tila nagustuhan ko ang halik nito, pero saglit, Hindi pwede! Yung manyak na multong si mathilda ito. Nang sumagi sa isip ko yun ay kinagat ko ang labi nya. Dahil dun ay napasigaw sya.

                "Puta!" sigaw nito habang kinakapa ang sugat sa labi nito. Nagulat ito ng makitang may dugo ito. Pagkakita ay lumapit ito at sinampal ako ng pagkalakas lakas.

                "Talagang sinusukat mo ang pasensya ko ha!" sigaw nito habang hinahawakan ng mahigpit ang pisngi ko.

                "Dapat lang sayo yun! Mga sira ulo kayo! Mga Tarantado!!" tapang na sigaw ko.

                "Tignan naten kung hanggang saan yang tapang mong ogag ka!" Sigaw nito habang papaalis. Lalo akong kinabahan, mukhang may di magandang mangyayari sa akin. Di ko na alam ang gagawin ko. Makatakas kaya ako. Sana narinig ng mga sundalo ang hingi ng tulong ko. Diyos ku po! Tulungan nyo akong makatakas sa mga buang na mga ito. Habang nagdadasal ako, nagulat ako sa kalabog na ingay. Bumukas ang pinto, saktong pumasok ang isang malaking lalaki. Mukhang matadero ang itsura. Mas natakot ako ng makita ko na may hawak itong parang ITAK!!! Nyay!!

                "Ikaw pala lalaki sabi mathilda! Hihihi Yari ka saken! Hahaha!" tawang sabi nito habang himas ang tyan nito. Anong nilalang ito? Halimaw!

                "Huwag poo! Huwag mo kong saktan! Pakiusap!" nagsusumamong sabi ko, naghalo ang iyak, takot at pagmamakaawa ko.

                "Hihihi! Wag ka alala, tatangalan lang kita ng balat! Hahaha!" sabi nito habang papalapit sa akin. Kita ko pa ang kintab sa itak na hawak nito.

                "Tulooooong! Tulungan nyo koooooo!!!!!" sigaw ko.

                "Wala tulong, lalaro lang tayo hihihi!" sabi nito. Nakita kong idinampi nya ang talim ng kutsilyo sa tiyan ko, upang magdulot ng hiwa at paglabas ng dugo.

                "Araaaaaaaayyyyyy!!! Putang Ina Moooooooo!!!! Ahhhhhhhhhhhh!" sigaw ko. Sobrang sakit. Pinisil pa nya kaya lalong dumugo ang sugat na hiniwa nya.

                "Hihihi..Dami dugo..Sarap!" sabi nito at sabay dinilaan ang sugat at sabay hinigop ang dugo.

                "Haaaaaaaaaa!!! Tang Inaaaaa!!!!" sigaw ko. Ramdam ko ang sakit habang sige ang baliw na ito na hinhigop ang dugo sa sugat ko. Mukhang katapusan ko na. Unti unting nahihirapan nakong huminga. Ramdam kong ipipikit ko na ang mga mata ko. Tapos na ko. Nang biglang....

                 "Pulis! Itaas mo ang kamay mo!" sigaw ng pulis.

                  Nagulat ang buang na gago at napatingin. Mas lalong nasindak ang mga pulis ng makitang puno ng dugo ang mukha nito, lalo na sa labi.

                 "Istorbo kayo! Kayo naman sunod!" sabay takbo palapit sa mga pulis, pero napapikit ako. Tunog ng baril ang narinig ko. Bumulagta ang baliw. Sabay lapit sa akin upang tangalin ang pagkakatali ko. Napaiyak ako sa sobrang tuwa.

                 "Salamat! Salamat! Papatayin ako ng mga baliw na ito!" iyak kong sabi sa mga pulis.

                 "Tara na, marami sila!" sabay akay sa akin ng mga pulis. Pinilit kong tumayo kahit hinang hina ako. Nakita ko ang ibang mga pulis na nakikipag barilan. Mukhang hahanapin nila ang ibang mga miyembro. Kahit tuwa ay ramdam ko ang hirap na pinagdaanan ko. Isinakay ako ng mga pulis sa ambulansya. Habang ginagamot ako ng mga nasa ambulansya ay napapikit ako ng mga mata. Sana matapos na ang bangungot na ito.

MathildaWhere stories live. Discover now