Part 6

414 4 0
                                    

               "Hellloooooo........"

Tanging nakikita ko ay kulay puting paligid. Nasa langit na ba ako? Baka pinatay na nila ako. Unti unting naglakad ako, kahit hindi ko alam kung saang lupalop ako mapunta bahala na. Tinakbo ko ang tinutungo ko. Nang biglang.....

               "Apo, gumising ka!"

Si lola, nakasuot sya ng kulay puting damit. Tila sya'y yumao na.

              "Lola, asan na ko?" tanong ko sa kanya.

             "Gumising ka apo, Gumising ka!" sigaw sa akin ni lola.

            "Ayoko na pong bumalik, sasama na ako sa inyo!". Sagot ko.

           "Gumising ka na apo!" paulit nyang sabi.

           "Bakit lola?" tanong ko.

           "PAPATAYIN KA NILA!".

             Naramdaman ko ang buhos ng tubig sa mukha ko. Ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko, pero di ko kaya.

            "Gising ka na pala, Pinagod mo talaga kami hijo sa taguan mo." ngising sagot nito sa akin habang hawak nito ang matalas na kutsilyo na may bahid pa ng dugo sa talim nito. Mukhang pahihirapan nila muna ako bago todasin. Peste!

            "Huwag kang mag alala hijo, tuloy ang kasal nyo." sagot nito habang hinahawakan dahan dahan ang talim ng kutsilyo nito na hawak niya.

            "Alam nyo, para kayong mga sira ulo! Dapat sa inyo ipasok sa MENTAL!" singhal ko sa kanila.

            "Hmmm matagal na, palabas labas kami dun kaya okay na, hahaha!". Tawa nito.

             Bigla itong umalis at inilagay ang  kamay sa bulsa sabay sabi nang.....

             "Huwag mo nang tangkaing tumakas, naka kadena ka na." at agad na itong umalis.

              Mabilis kong pinilit tanggalin ang kapit ng kadena sa mga kamay ko, pero mahigpit talaga. Isip isip gino, anong magandang gawin, Bilis! At napansin ko ang isang metal clip sa ilalim ng kamay ko. Mukhang susuwertihin ako ngayong gabi. Agad kong inihulma na parang susi ito at ipinasok sa butas ng kadena. Yes! Kumalas na ang isa. Agad kong tinanggal ang kadena isa ko pang kamay. Nakaupo na ako, tatanggalin ko na ang mga nasa paa ko ng biglang...

             "Nasaan sya?" rinig kong tinig ng mga papasok sa loob.

             "Andun po sya, sa loob, nakakadena." sagot ng bantay

              Mindali ko ang pagtanggal ng mga kadena sa paa ko. Bumukas ang pinto, nagulat sila..

              "Nasaan?!" sigaw ng lalaking may maskara sa mukha

              "Puta! Nakatakas pa ata!" singhal ng isa pa.

              "Hanapin nyo! Hindi pwedeng hindi matuloy ang seremonyas! Hanapin nyo sya! utos nito. Kita ko ang paglabas nila sa loob ng kuwarto. Buti na lang at di sila sumilip sa itaas, sa kisame. Agad akong bumaba at tinungo ang pinto. Paglabas ko ay nakita ko ang mahabang pasilyo. Puro bumbilya ang ilaw nito at halatang luma na ang pader sa mga dingding nito. Agad akong naglakad takbo upang hanapin ang labasan. Napatago ako sagilid.

              "Hanapin nyo sya! Ang pupolpol nyo, isang tao, ang dami nyong mga ugok natakasan pa kayo! Hanapin nyo!". utos ng mga bantay at tila buong tropa ng mga sundalo ang humahanap sa akin. Nang makaalis ay tinungo ko ang isang pinto. Pagbukas nun ay isang mataas na lugar iyon, tantya kong mga dalawang palapag ang taas. Hindi na ako natakot at tinalon ko iyon. Bumagsak ako sa malalagong mga damong ligaw.

              "Tignan nyo duon!" rinig kong boses.

               Mabilis akong naglakad paalis sa lugar na iyon. Tinahak ko ang mala gubat na lugar na iyon. Ramdam ko ang takot, kaya kahit pagod ay sige pa din ako sa takbo. Narating ko ang isang kalsada, Salamat! Kalsada ngunit wala ni isang mga sasakyan ang dumadaan. Pilit kong naglakad, lakad at lakad. Napansin ko ang isang command post ng mga pulis. Agad kong tinungo ang kampo na iyon. Pagkapasok ko sa loob, nagimbal ako sa nakita ko, mga patay na pulis at mga sibilyan sa loob. Umaalingasaw ang amoy ng mga bangkay. Naghanap ako ng pwedeng gamitin upang humingi ng tulong. Nakahanap ako ng mga bala at baril. Pero kung may linya ang telepono, mas maganda. Kinuha ko ang telepono ngunit wala, putol. Muli ay naghanap ako ng linya ng komunikasyon. Isang radio reciever, agad kong kinalikot ito at nang may sumagot...

               "Base to Orbit! Base to Orbit! Come in!" tugon ng nasa radyo.

               "Tulong! Tulong! May mga kultong gustong patayin ako!" sagot ko.

                Pero bago pa sumagot ang nasa radyo, nagulat ako dahil biglang nabasag ang radyo, yun pala binabasag ng naka maskarang lalaki ang radyo.

                "Sa tingin mo, makakatakas ka dito! ha!" sigaw nito sabay suntok sa mukha ko,

                "Wala ka nang magagawa bata, tinadhana ka na!" sabay sapak muli sa mukha ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa labi ko. Maya maya ay yumuko sya sa akin at hinimas ang mukha ko. Nasindak ako sa ginawa nya.

                "Sumunod ka na lang, hijo." mahinahong sabi nito, nakita kong may kinuha ito sa bulsa nya at agad na itinusok sa braso ko ang isang siringhilya. Mabilis kong naramdaman ang pagmanhid ng buong katawan ko. Hindi na ako makakilos. Mukhang talo ako ngayon.

                "Magpahinga ka na" pagkasabi nya nun ay sabay nagdilim ang paningin ko.

                 Nagising ako sa ingay ng mga tao, tila parang nagkakasiyahan. Medyo nanlalabo pa ang mga paningin ko, ramdam kong tinutulak ako habang nakahiga. Ilaw ng mga kandila ang nakikita ko. Maya maya ay tumigil ito ang pagtulak sa akin. Naramdaman ko ang tila pagnormal ng aking mga paningin at nakita ko ang mga taong nakapalibot sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila may natutuwa, may tila galit at ang iba ay walang ekspresyon ang mga mukha. Biglang tumabi sila, parang may isang dadaanan, nagbigay sila ng daan. Pinilit kong tumayo kahit nakatali ako. Isang babae ang papalapit sa akin.

               "Sino ka!" sigaw ko.

               Mahaba ang buhok nya at tila kakaiba kong titignan sya. Habang papalapit sya, mas nasindak ako sa isang katotohanang masasaksihan ko. Alam kong hindi ko pa nakikita ang taong ito. Nakasuot ng damit na pula na napakahaba. Pero nang tignan ko ang kanyang mga mata, isang bagay ang agad sumagi sa isip ko.

               "Mathilda!" sambit ko.

               Hinimas nya ang mukha ko, tila tuwang tuwa sya at di maalis ang napakatamis na ngiti na mula sa kanyang mga labi. Tila umaayon ang mga gusto nya. Katapusan ko na talaga!

               "Natagalan ka ata sa pagtakas, Gino". sambit nito sabay halik sa aking mga labi.

*************** END OF CHAPTER 6  ***********************

()()()()()()()()()  TO BE CONTINUED..... ()()()()()()()()()()()()()()

******************************************************************

MathildaWhere stories live. Discover now