Part 9

353 8 0
                                    

          Lakad takbo ang aming ginawa upang makaiwas sa mga dimonyong alagad ni Mathida. Napahinto kami dahil nakarinig kami ng ilang ingay ng mga naghahanap sa amin.

           "Nakita nyo na?" tanong ng isang maitim na lalaki.

           "Hindi, baka nagtatago" pagod na sabi ng lalaking tabatchoy.

          Narinig ko ang ingay ng mga papaalis na yapak nila. Muli ay sumenyas ang kausap ko na umalis na kami. Narating namin ang isang bahay, parang bahay na bodega, agad pumasok ang kasama ko at napasunod ako. Nang maisara ko ang pinto, nakita kong may hinahanap sya.

           "Asan kasi yun, takte" bulong na sabi nito habang naghahanap sa mga drawer. Ako ay tumulong na din sa paghahanap upang mapabilis kami.

           "Ano ba yung hinahanap mo?" bulong na tanong ko.

           "Susi, yung susi ng bangka, hindi tayo makakatakas kung hindi natin mapaandar yun. Di susi kasi yun." sabi nito pero tuloy sya sa paghanap.

            Hinanap ko yung susi na sinasabi nya, sa may upuan, sa may likod ng kotse, kahit saan di ko mahanap. Muli ay naglakad ako sa pinaka dulo upang tignan ang ibang pwedeng pagtaguan ng mga susi na yun. Nasindak ako nang makita ko ang isang bangkay ng lalaki. May saksak ito ng itak sa tyan nito. Lumapit ako upang tignan kung may makikita ako. Bingo! Nasa kanang kamay nito ang isang susi, baka ito na yun. Dahan dahan ay inilapit ko ang mga kamay ko upang kunin ang mga susi. Nang dumampi ang kamay ko sa kamay nito, ramdam kong nanlalamig na ito. Sa wakas ay nakuha ko na ang susi.Akmang aalis na ako nang biglang hawakan ako sa kamay nito.

            "Andito sya! Andito sya!" sigaw nito. Buhay pa pala ito.

           

             Pinilit kong makakawala dito, ngunit mahigpit ang hawak sa kamay ko ng bangkay na ito, na buhay pala. Gumawa sya ng ingay na pagkalakas lakas na rinig siguro sa labas. Sinapak ko sya upang tumigil pero matibay ito at di matinag. Naramdaman ko ang paglapit ng kasama ko sabay saksak sa leeg ng ungas. Napatigil ako pero kabado at pinag papawisan.

           "Gusto mo bang mamatay?" bulong na sigaw nito sa akin.

           "Pasensiya, di ko alam na buhay pa pala yun" takot na sagot ko. Sabay abot ng susi dito.

           "Minsan pala may pakinabang ka pala!" sabi nito.

             Agad kaming tumayo, akmang aalis na kami nang may narinig akong ingay sa labas. Sumilip kami sa bintana at nakita ko ang nakamaskarang lalaki, tila di ako titigilan ng mga ito.

            "Sige pasukin nyo yan! Huwag nyong sasaktan, kelangan sya ng buhay!" sabi nito sabay turo sa pintuan. Yari na!

            "Anong gagawin natin?" kabadong bulong ko,

            Napagawi ang tingin nya sa kotse. Lumapit kami duon at pumasok. Tinignan nya, kaya pa dahil may unting gasolina pa. Agad nyang inistart ito sa pamamagitan ng mga kable nito. Habang iniistart ay rinig ko ang pagwasak nila sa pintuan.

            "Bilisan mo!!!" sigaw ko habang nakatingin sa pinto. Tila mawawasak na.

             Tila di umaandar yung kotse, putsa, bakit kasi walang susi. Napatigil ako nang marinig ko sa labas ang boses ng lider nila.

            "Gino, sumama ka na dahil napapaligiran ka namin, wala ka nang tatakbuhan bata!" sigaw nito habang winawasak nila ang pinto. Nagpawis ako ng malamig at malagkit. Ano ba itong napasok ko. Diyos ko po! Tila di pa niya napapaandar yung sasakyan. Nabigla kami ng tuluyang bumukas ang pinto. Kita ko ang maskarang lalaki at ilan sa mga alipores nito. Susmaryosep! Isang batalyon sila. Papalapit na ang ilang lalaki sa kotse namin nang umandar na ang kotse at binundol sila. Diredirecho kami ng takbo. Wala sya paki alam kung may mabundol kami. Nakita ko pa sa rearview mirror ang tila galit na galaw ng maskarang lalaki. Tila nabunutan ako ng tinik.

MathildaWhere stories live. Discover now