Chapter 4

147 8 1
                                    

Third Person's POV

Nang makapasok na silang dalawa sa Conference Room ay nagulat ang lahat ng staffs nang Wedding Department nang pumasok si Leanne. Kung may mas gulat na gulat na sa lahat ay sina Secretary Kim at Troy.

Agad siyang nilapitan ng dalawa, habang si Shierra naman ay nakasimangot na umupo sa tabi ng isang empleyado. " Ganyan ba talaga siya kasikat dito? Tss. " Naiinis na tanong niya.

" Yes po, Director Shierra. Sobrang bait po kasi niyan ni Miss Leanne, at sobrang matulungin kaya gustong-gusto po siya ng karamihan ng mga empleyado nitong hotel. Marami nga pong nalungkot nung nagresign siya ng biglaan eh. " Kwento ng empleyadong pinagtanungan niya. " Pake ko naman? Ang layo ng sagot mo sa tanong ko ah! Ang tanong ko, ganito ba talaga siya kasikat? " Mataray na sambit niya.

" Ayy, sorry po. Hehe. Sikat na po talaga siya dati pa, maraming company ang gusto siyang kuhain pero ayaw niya. Sikat din po siya kasi siya ang nag-iisang anak na babae ng Valle Clan, as in siya lang talaga ang nag-iisang babae. Sobrang yaman po ng pamilya niya, kaya matagal na po siyang sikat. Mas lalo pa po siyang naging sikat nung pumunta siya ng Paris, naging sikat at in-demand model po siya dun. Kilala po siya sa screen name niya na YIN. " Kwento pa ng empleyado na kausap niya.

" Model na siya ngayon?! " Gulat niyang tanong.

" Yes po. Sobrang sikat na niya sa modeling world. " Tumango na lamang si Shierra. " Eh ano .. umm .. matagal na ba sila ni Sir Marvis? " Pahabol niyang tanong.

" Hindi ko po alam kung official na po ba sila o hindi pa, pero feeling po namin official na sila. Kasi todo kung mag-effort si Sir Marvis para kay Miss Leanne, matagal na po ako dito sa Diamond Hotel at hindi ko pa po nakikita na mag-effort ng ganun si Sir pwera na lamang nung nakilala niya si Miss Leanne. Kaya po sobrang nalungkot si Sir Marvis nung biglaang umalis si Miss Leanne, halos hindi siya nagha-hire ng panibagong Wedding Director at Wedding Planner kasi umaasa siyang babalik si Miss Leanne. Pero nagulat po kami nung naghire po sila ng papalit sa pwesto ni Miss Leanne, at nagulat din po kami na nakabalik na po pala si Miss Leanne. " Mahabang kwento ng empleyado.

" So, ano ako dito? Panakip-butas lang ganun? " Inis na tanong niya. " Parang ganun na nga po. Ayy este, hindi naman po siguro. Hehehe. " Inirapan na lamang niya ang kausap niya at muling tinignan si Leanne na kinakausap ng mga staffs.

" Guys, nagpaorder na ko sa PA ko ng Pizza Hut at Starbucks para sa miryenda nating lahat. " Nakangiting sambit ni Leanne.

" Ang mahal naman po nung mga yun, Miss Leanne. Nakakahiya. " Nahihiyang sambit ni Troy.

" Pambawi ko na din sainyo kasi iniwan ko lang kayo ng biglaan without knowing my real reason, tsaka namiss ko din kayo eh. Haha! " Masayang sambit.

" Miss Leanne? Buti po nakabalik ka na. "

" May biglaang photoshoot kasi dito sa Philippines, kaya napauwi din ako ng biglaan. Hehe. " Sagot ni Leanne.

" Grabe, Miss Leanne! Dati Wedding Director at Wedding Planner ka lang dito, ngayon sobrang sikat mo na. " Namamangha na sabi ng isang empleyado.

" Paano po kayo naging model? May nagrecruit po ba sainyo? " Tanong ng isang empleyado sa kanya.

" Hindi ako ni-recruit, kusang may nagchat saking modeling agency sa Paris. At first, nag-aalinlangan ako kasi wala naman akong experience sa modeling. Well, my Kuyas .. may experiences sila. Ako? Wala talaga. Then, C Management messaged me and said that I am fitted to be their new model. Nakita daw kasi nila yung mga pictures ko sa social media. After that, sinubukan ko then it turned out so well. " Nakangiti niyang kwento.

Tumango-tango naman ang mga staffs sa kwento ni Leanne. " Grabe po Miss Leanne, ang successful niyo na po! " Namamanghang sambit ng isa. " Miss Leanne, may balak po kayong magtayo ng business? Kasi po si Sir Marvis marami ng businesses, then ikaw po? May napupusuan po ba kayong business? " Tanong ng isa.

" Yes, naisip ko na magtayo ng sarili kong business. My Kuyas already have their own businesses, pati na rin sila Mom and Dad may mga businesses all around the word and sad to say ako nalang ako walang business. Haha. So yeah, naiisip ko rin na magtayo ng sariling business. " Paliwanag niya.

" Ano naman pong business ang naisipan mong itayo? " Nag-isip naman so Leanne kung ano nga ba ang business na napupusuan niya.

" Ah! Gusto ko sana ng Fashion Industry, kasama na dun yung clothing and modeling. Pero gusto ko ding magtayo ng high class club, para pwede akong humingi ng tulong kay Kuya Billy. "

" So, gaano na kayo katagal ni Sir Marvis? " Out of nowhere na tanong ni Shierra, kaya napatingin ang lahat sa kanya.

" Why are you interested? " Nakangising tanong ni Leanne.

" I just want to know. Maybe out of curiousity? "

Tumango-tango nalang si Leanne at nagde-quatro. " Well then, it's for me to know and for you to find out. " Nakangising sagot ni Leanne.

Naguguluhan naman ang mga kasama nilang staffs sa loob, ramdam nila na para bang may namumuong tensyon sa pagitan nila Leanne at Shierra. Napansin naman yun ni Troy. " Okay! Nandito na ang mga pinadeliver ni Miss Leanne. Let's eat! " Pagbasag niya sa katahimikan ng lahat.

Pero hindi parin natinag sina Leanne at Shierra sa isa't-iba, titig na titig parin si Leanne kay Shierra habang nakangisi.

-

Xy's Note:

Gustong-gusto ko talaga yung palaban na Leanne! And barado na naman si Shierra kay Leanne, hahahaha. Ano mas gusto niyo? Yung mabait na Leanne o ang palaban na Leanne?

Don't forget to vote, share and comment your thoughts. And also, please support my new story entitled Owned by the Vampire King.

Love lots ♡

Leanne ValleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon