Chapter 17

98 7 5
                                    

Third Person's POV

Agad na nagbihis si Marvis at pumunta sa bahay nila Leanne.

" Leanne! Please, mag-usap tayo! Loveeeee! " Sigaw niya mula sa gate nila Leanne.

Pero wala talagang Leanne na lumalabas, bumukas ang pinto pero hindi si Leanne ang lumabas kundi si Charles.

" Kuya Charles, I need to talk with Leanne. Please, I need to talk with her. " Nagmamakaawa niyang sambit.

Nilapitan siya ni Charles at sinuntok sa mukha. Nakita naman ito ni Sam at Billy kaya agad nilang pinigilan si Charles, samantalang si Marvis naman ay natumba sa pagkakasuntok ni Charles sa kanya.

" Pangalawa na ito Marvis! " Sigaw ni Charles sa kanya.

" Marvis, kakauwi lang ni Leanne tapos ito ang ibubungad mo sa kanya? You're so disappointing. " Sambit ni Sam.

" Mas malala pa yung ginawa mo kaysa sa ginawa ko eh! Ikaw, 'getting to know each' to 'let's make a baby together' agad? Ang lakas mo ah! " Sambit ni Billy.

Nahampas naman siya Dana sa sinabi niya.

" Billy, Sam, papasukin niyo na si Charles sa loob. Pakalmahin niyo siya. " Utos ni Eunice sa dalawa.

Sumunod nila Billy at Sam ang utos ni Eunice, kaya naman silang tatlong babae nalang ang natira sa labas kasama si Marvis.

" Ate Eunice, I need to talk with her. Please. " Muling pagmamakaawa ni Marvis.

" Wala siya dito ngayon Marvis, pagkauwi niya saglit lang siya nagstay at umalis din agad silang dalawa ni Alexander. " Sambit ni Eunice.

" Marvis, what did you do this time? " Tanong ni Krystal.

" Hi-Hindi .. Hindi ko naman sinasadya yung .. yung nangyari. I really really don't know kung ano ang nangyari at magkatabi kami ni .. ni Shierra matulog. " Nauutal niyang sambit.

" That Shierra girl talaga namumuro na! " Galit na sambit ni Krystal.

Nilapitan ni Eunice si Marvis at tinulungang tumayo.

" Umuwi ka na muna ngayon, just give her some space for a while and you can talk with her when she's already calm. Besides, wala din naman siya ngayon dito. She's with Alexander. " Sambit ni Eunice.

Tumango si Marvis sa sinabi ni Eunice.

" This is the second time, Marvis. And I hope, pakinggan ka parin niya ngayon. " Sabi ni Dana.

" Sana nga po. Thank you. "

Umalis na si Marvis habang si Eunice naman ay hinarap sina Krystal at Dana.

" Girls, prepare yourself. May babalatan tayong ahas. " Sambit niya.

Nakatinginan sina Dana at Krystal, sabay silang napangisi sa sinabi ni Eunice.

Pumunta sina Eunice, Krystal at Dana sa Diamond Hotel. Agad silang dumiretso sa Wedding Department, sinalubong naman sila ni Troy.

" Good morning po Miss Krystal, long time no see. What can I do for you? " Nakangiting bati niya.

" Long time no see, Troy. Pakitawag naman si Director Patricia, we need to talk with her. " Pakiusap ni Krystal.

Tumango si Troy at agad na pinuntahan si Patricia sa Publishing Department. Nagtataka man si Patricia ay pinuntahan parin niya ang tatlo sa lobby ng Wedding Department.

" Good morning po, hanap niyo daw po ako. " Bati niya sa tatlo.

Tumayo ang tatlo at nakipagshakehands sa kanya.

Leanne ValleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon