Chapter 18

111 5 0
                                    

Alexander's POV

Pagkadating namin ni YIN sa mansion nila ay kinausap siya ng mga kuya niya pati na rin yung asawa ng mga kuya niya. Medyo kumalma na siya nung nasa kotse pa lang kami, pero umiyak ulit siya nung nakaharap na niya ang mga nakakatanda niyang mga kapatid.

So ngayon, kasama ko siya. Ako ang nagda-drive ng kotse na pinahirap saming dalawa ng Kuya Sam niya, inutusan nila ako na libangin muna siya para makalimutan niya kahit saglit ang nangyari kanina. Kasalukuyan kaming papunta sa probinsya kung saan ako lumaki.

Sinulyapan ko siya, nakatingin lang siya sa bintana habang patuloy paring tumutulo ang mga luha niya.

" Hey? Stop crying na YIN. " Sambit ko.

Pinunasan niya ang mga luha niya at tinignan ako na may malungkot na mukha.

" I can't stop. I'm so hurt right now, Alexander. " Malungkot niyang sambit.

Hinintot ko muna ang kotse sa gilid nang kalsada at nilingon siya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.

" I will help you forget what happened, hindi mo man permanenteng makakalimutan ang nangyari but I'll assure you na kahit pansamantala man lang ay makalimutan mo yun. " Sambit ko.

Hinila ko siya at niyakap ng napakahigpit. Kailangan niya ng dadamay sa kanya ngayon, at alam kong ako ang kailangan niya ngayon. We've been friends since the day she entered the modeling world, it's already been 4 years.

I know how she loves Marvis, I saw it with my own eyes. I saw how she missed him so much when we were still in Paris, actually, she's very excited to go home kasi sa wakas daw after 1 month makikita na daw ulit niya si Marvis. Hindi niya ipinaalam kay Marvis na ngayon ang uwi niya, tanging mga kuya at mga asawa ng kuya niya lang ang nakakaalam.

She was very excited to the point na ilang oras lang ang tulog niya sa eroplano and I was actually happy seeing her so happy, at ngayong nakikita ko siyang nasasaktan .. nasasaktan din ako.

" Thank you, Alexander. Please make me happy and make me temporarily forget what I saw. " Malungkot na sambit niya.

Humiwalay na kami sa yakap namin sa isa't-isa.

" I will, bby. Trust me. Hmm, good thing naisipan kong sumama sayo pauwi dito sa Pilipinas. Hays, paano nalang kung hindi ako sumama diba? Baka nagpakalasing ka na sa bar. Hahahaha! " Asar ko sa kanya.

Natawa naman siya at inirapan ako.

" Hahaha! Baliw, that won't happen 'no. And yeah, buti na nga lang sumama ka sakin pauwi kasi hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kanina kung wala ka dun. " Sambit niya.

Nilingon niya ako at nginitian namin ang isa't-isa, bigla naman niya akong inirapan at nag-cross arms siya.

" Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Kinikilig ka na naman sakin. Ay naku, pigil-pigil sa damdamin bby. " Natatawa niyang sambit.

Natawa at napailing nalang ako sa sinabi niya. Pinaandar ko na ulit ang sasakyan, baka kasi gabihin kami sa daan.

" Paano kung hindi ko na mapigilan? " Tanong ko sa kanya.

Napalingon siya sakin at nilingon ko din siya. Halata ang gulat at pagtataka sa mukha niya dahil sa tanong ko, kaya naman natawa nalang ako.

" Haha! Joke lang, naniwala ka naman agad. "

Hinampas niya ko sa braso at inirapan.

" Wag ka na ngang magbiro ng ganun sa susunod, Alexander! Pinapakaba mo ko eh. " Suway niya.

Natawa nalang ako at napailing.

Paano nga kaya? Paano kung hindi ko na nga mapigilan?

Third Person's POV

Habang sila Alexander at Leanne ay papunta sa probinsya kung saan ipinanganak si Alexander, si Marvis naman ay patungo sa Diamond Hotel. Kailangan niya paring magtrabaho, kahit na nakakaramdam siya ng lungkot, galit, at pagsisisi.

Pagkadating niya sa lobby ay nakita niyang nakaupo si Shierra sa sahig habang kinakausap ni Patricia, bigla namang dumating si Troy saktong tapos na magsalita si Patricia. Hindi niya narinig kung ano ang sinabi ni Patricia kay Shierra, wala din naman siyang pakielam kung ano yun.

Iniwan na nila Troy at Patricia si Shierra na nakaupo parin sa sahig, hindi niya ito nilapitan o tinulungan man lang kasi ito ang may dahilan kung bakit hindi  sila okay ni Leanne ngayon. Dinaanan lamang niya ito, nakita naman siya ni Shierra at agad itong tumayo para lumapit sa kanya.

" Good morning, Sir Marvis. " Bati sa kanya nito.

" Walang good sa morning kung ikaw ang bubungad sakin at unang babati. " Malamig niyang sambit.

Patuloy parin siyang sinusundan ni Shierra, habang pinagtitinginan naman sila ng mga tao sa loob ng hotel.

Hinawakan ni Shierra ang braso ni Marvis, agad naman itong tinanggal ni Marvis at itinulak si Shierra palayo.

" Pwede ba wag mo kong hawakan?! Don't you dare touch me, you flirty woman! Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may kasalanan kung bakit galit sakin ngayon si Leanne. And pwede ba, wag kang sumunod sakin? Para kang aso na sunod ng sunod! And kung maaari lang, wag kang magpapakita sakin, baka kung ano pa magawa ko sayo at makalimutan kong babae ka. " Galit na sambit ni Marvis.

Tinalikuran niya si Shierra at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Habang muli namang naiwanan si Shierra, hindi na siya nakasagot sa sinabi ni Marvis. Pinagtitinginan siya ng mga tao na nasa loob ng lobby ng hotel, ang iba ay nakuhanan ng video ang nangyari kanina sa kanya noong kinompronta siya nila Eunice at pati na rin ang mga sinabi ni Marvis sa kanya.

Naiinis siya kay Leanne, kasi puro Leanne nalang ang naririnig niya. Nagawa nga niyang siraan ang relasyon nila Marvis at Leanne, pero hindi niya nagawang kuhain ang puso ni Marvis. Nagawa nga niyang magalit si Leanne kay Marvis, pero kahit ganun pa man ay si Leanne parin ang bukambibig ni Marvis.

-

Xy's Note:

Lakas mang-bars ni Marvis 😂👏

Don't forget to vote, share and comment your opinion about this chapter.

Love lots ♡

Leanne ValleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon