POEM#4: MENSAHE KO PARA SAYO

8 1 0
                                    

Ako ay tutula
Mahabang-mahaba
Umaasang marinig mo ang aking tinig
Malaman ang aking gustong ipahiwatig

Isang tula para sayo na hindi ko malimutan
Isang tula para sa taong hindi batid ang aking nararamdaman
Isang tula na naglalaman ng mga salita
Kung saan dapat noon ay sinabi ko na

Ngiti na umaabot sa iyong mga mata
Iyong mga titig na sa akin ay nagpapakaba
Na baka iyong mahalata
Sayo ako ay may pagtingin na pala

Maikling panahon tayo'y nagkasama
Bawat segundo ay isang magandang alaala
O kay bilis nga naman ng panahon
Akalain mong lumipas na ang dalawang taon

Dalawang taon na ngunit sariwa pa rin sa aking alaala
Kung paano mo ako napasaya
Kung paano mo ginawa ang puso ko na maging balisa
At kung paano ko naramdaman ang pagmamahal mo kahit pansamantala

Wika ay ginagamit upang makipagkomunikasyon
Wika ay ginagamit upang mailabas ang saloobin at reaksyon
Ngunit hindi ko nagamit ng maayos ang sinasabing wika
Upang masabi na namimiss na kita

Namimiss kita
Kahit na hindi na kita nakikita pa
Naiinis ako sa aking sarili dahil ako'y umaasa
Kahit na alam kong wala ng pagasa
Maslalong lumalim ang pagkagusto ko sayo
Nagugustuhan pa rin kita kahit ika'y nasa malayo

Mula sa pahayag na "namimiss kita"
Lumipas ang mga buwan napilitan ng tanong "ako'y iyong naalaala pa ba?"
Malamang hindi na
Tiyak na meron ka ng iba

Grabeng kirot na dala sa aking puso
Parang mundo ko ay gumuho
Simpleng tagalog na kung ipinabatid ko sana sayo
Meron kayang magbabago

Naghintay ako ng isang taon at pitong buwan
Dahil sabi nila ito ang oras upang ikaw ay akin ng kalimutan ng tuluyan
Mahirap man bitawan ang nakaraan
At harapin ang kasalukuyan
Tatanggapin ko na lang at bigyan ang sarili ko ng kalayaan

Ang daya talaga
Dahil tungkol sayo ang tula
Na mukhang ako lang ang nakakaalaala
Ng nakaraan na tayo'y magkasama

Ito lang talaga ang gusto kong sabihin sayo
"Ingat ka"
At kung muli man tayong pagtagpuin ng tadhana
Sana hindi tayo maging parang estranghero na dumaan sa isa't isa

Sa susunod ako magiging bukas na sa aking damdamin
Sasabihin na ang dapat sabihin
Hindi na matatakot na magbakasakali
Upang sa huli ay hindi na magsisi

Ako ay tapos ng tumula
Tulad ng aking binaggit medyo ito mahaba
Ako ay uupo
Tapos na po


-15/08/2017-

Something RandomWhere stories live. Discover now