February 22, 1998
Shane Krizelle Aguillar is born.
April 2, 2012
Wala lang. Gusto ko lang i-epal ang birthday ko. Oh diba? At least alam mo kung kelan ang birthday ko. Kaya pepektusan kita kapag hindi mo ako binati.
Anyway, bakasyon namin ngayon. Nasa kwarto ako. Nakasalpak sa tenga ko ang earphones ko. Pinapakinggan ko na naman ang boses ni xsonnysingsx. Oo. Pinapakinggan ko na naman yung cover niya ng Without You ni Aj Rafael. Nakaka-ilang repeat na nga ako. Ang totoo niyan, adik na adik ako sa boses niya. Hindi, inlab na pala ako.
Oo. Muntanga man, inlab ako sa isang username. Inlab ako sa isang boses na sa computer ko lang naririnig. Wala eh. Iba na talaga ang tinitira ng love.
*Knock knock*
"Elle, anak, andito si Pao." - mama
"Opo ma. Sige po, susunod na po ako."
Tinanggal ko yung nakasalpak sa tenga ko.
Bumaba na ako.
"Oy. Dudelle!" - Pao
"PAOOOOODUDE!"
"Oh. Hindi ka naman excited na makita ako." sabi niya
"Hihi. Eh kasi Pao, kinikilig ako."
"Kanino? Kay xsonnysingsx na naman?"
"Mismo. Hihihi."
"Saka alam mo Pao, feeling ko talaga sa'kin niya dine-dedicate yung mga kanta niya." dugtong ko.
"H-ha? H-hindi ah. W-wag k-kang feeling." nauutal na sabi niya. Weirdo nito kahit kelan!
"Oh bakit parang affected ka?"
"Ah! Eh kasi-"
"Pao, hijo, magmeryenda ka muna." - mama
"Wow! Salamat Tita Jane! The best ka talaga!" sabay hug niya kay mama. Wala. Ganyan lang talaga sila.
Hindi tuloy natapos ni Pao yung sasabihin niya.
"Ah. Pao, ano ulit yun?" pag-uulit ko.
"Wala. Ang sabi ko, wag kang assuming! Baka masaktan ka lang."
"Ashuuuu. Ikew telege. Ang chwit chwit mo chakin! Siguro crush mo ko no?"
"H-ha? H-hinde ah."
"Suuuus. Siguro nabibighani ka na sa alindog ko no?"
"Yaak! Dude! Ang bading! Eww." HAHAHA. Wala. Ang sarap kasing pikunin ni Pao eh.
"Uy dude, san ka nga pala papasok next school year?" tanong ko sa kanya.
"Actually, yun ang pinunta ko dito eh. Sasabihin ko sa'yo na lilipat na ako sa school niyo." O____O. ^____^
"EH? TALAGA PAO? EDI IBIG SABIHIN NUN MAGIGING SCHOOL MATES NA TAYO? O KAYA CLASSMATES?" medyo excited kong sabi. Hahaha medyo nga lang ba?
"Oh. Hindi naman halatang excited ka." ay excited nga ako hahahaha
"Eh kasi Pao, first time in history kong makakasama ang best friend ko sa school. Lagi na tayong magkakasama!" sabay yakap ko sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Walang malisya sa'min yun. Tutal, mag-tol kami niyang si Pao. At magpakners since kinder.
"ACK! D-d-dudelle. H-hndi ako m-makahinga." sabi ni Pao
"Ay sorry sorry."
Nanuod lang kami ng movies ni Pao, to be specific Taken 1 and 2. Wooh! Dabest talaga yun. Saka, naglaro na lang kami ng PS3. Tapos umuwi na siya.
BINABASA MO ANG
SOUNDCLOUD
Teen FictionA voice that I heard online. A voice that made me fall in love. A voice from Soundcloud.