Alam ko na iniisip mo. Pasukan na ang sunod na scene. Akala mo tama ka? Nagkakamali ka! Kasi tama ka!
Acheche ang kurne ko. HAHAHA.
June 11, 2012
FIRST DAY OF THIRD YEAR HIGH SCHOOL!
Weeeee. Excited na akooo.
Pero mas na-eexcite ako kasi classmates kami ni Pao.
Speaking of Pao, nagbakasyon nga pala sila sa Ilocos ng isang linggo kaya hindi ko pa siya nakikita ngayon. Miss ko na yung kumag na yun!
So, eto ako ngayon. Nag-aayos ng sarili.
Habang nag-aayos ako, kumakanta naman si xsonnysingsx. May bago nga pala siyang cover! Yung Give Me Love ni Ed Sheeran! Hihihi. Eh bakit ko pa nga ba sinabi sa'yo? Hindi ka naman interesado. Keke.
Yun nga. Pinapatugtog ko yung cover niya ng Give Me Love. Eh lalo akong na-iinlove eh. Lalo na dun sa part na,
My my, my my, give me love. My my, my my, give me love.
Harujusko kanyang kanya na ang puso ko.
"KRIZELLE ANAK! MALE-LATE KA NA! BILIS BILISAN ANG KILOS!"
"OPO MA!"
Si mama talaga ang hilig sumigaw. Parang ako lang hahaha.
Bumaba na ako. Tapos nag-breakfast. Tapos humingi ng baon kay mama. Tapos nag-kiss kay mama. And gora na!
Bike nga pala ang gamit ko papunang school. Eh kasi pag bike, less pollution, maganda pa sa katawan. Syempre ma-eexcercise ang mga binti ko! Dami ko ng satsat! -_-
Sabay nga pala kaming papasok ni Pao. So dinaanan ko siya.
Dinaanan? Edi napirat siya?
HAHAHAHA. Ang kurne ng konsensiya ko.
Fast forward na.
STONEVILLE HIGH SCHOOL
Nasa room 231 kami.
Wala ng intro-introduction kapag first day ng third year. Kasi magka-kakilala na kami eh. Except dun sa mga bagong lipat ng section o kaya transferees. Gaya ni Pao.
Si Pao at tatlong babae yung mga bagong salta dito sa section namin.
Wala pa yung teacher namin, kaya puro daldalan lang ang nangyayari.
"Psst! Elle!"
"Oh Pam! Namiss kitaaaaa!"
Si Pam nga pala. My forever seatmate.
"Namiss din kita cheatmate!"
"Hahaha. Baliw!"
"Sino kasama mo? Jowa?"
"Baliw. Bestfriend ko. Jowa ka diyan."
Tinawag ko si Pao.
"Ah. Pam si Pao. Pao si Pam. Ano ba yan? Para akong nagta-tounge twister nito. HAHAHA."
"Hi Pao! Pam. Cheatmate ni Elle."
"Hello. Pao. Bestfriend ni Elle."
"Bestfriends lang ba talaga kayo?" - Pam
"OO NAMAN!" sabay naming sagot ni Pao.
"Parang hindi eh! Parang bagay kayo! Yieeee."
"Baliw ka talaga Pam."
"Hihihi. Uy nga pala Elle, kamusta si kuya Nico? Sabihin mo huwag siyang magjojowa dun ah! Magpapakasal pa kami."
"Ikaw talaga. Ang landi landi mo."
BINABASA MO ANG
SOUNDCLOUD
Teen FictionA voice that I heard online. A voice that made me fall in love. A voice from Soundcloud.