Double period nga pala kami sa unang subject na ito. Chemistry. Huhuhuhu. Ayoko ko ng Chem. Tapos double period pa every Monday. Kill me now. Huhuhuhu.
Nag-didiscuss si ma'am ngayon. Susko! Introduction pa lang, dumudugo na yung ilong ko.
Pag-lingon ko sa likod, kasi andun sina Pao at Pam, mukhang enjoy na enjoy si Pao sa mga sinasabi ni ma'am. Magaling kasi yan sa Science at Math eh. Edi siya na!
Kumuha na lang ako ng notebook. Magno-notes ako, kunwari. Bored na bored na kasi ako. Huhuhu.
*knock knock*
"Class, excuse me for a second." Lumabas si ma'am. Bumalik rin siya agad. Kasama niya si Ivan.
T-TEKA, SI IVAN? O____________O.
Nabuhayan naman ako ng loob bigla.
"Class, we have a new student all the way from the US!" mukhang excited si ma'am. Hindi naman halata. Haha.
"Hijo, please introduce yourself." - Ma'am Jimenez
Pumunta sa gitna si Ivan.
Takte. Mas malaks yung tili nung mga b*tch dito kesa kay Pao kanina. Nakakarindi.
"Ah. Hi everyone. My name is Josh Ivan Ramirez. I'm from Dutchtown High School of Geismar. I'm half American and half Filipino. My mom's American while my dad's Filipino. I lived here when I was born until I became 6. I migrated in the U.S. until I'm 15. Then, for good, I'll be living here in the Philippines. So, please help me adapt to this new environment. I hope we can all be friends."
Nganga naman ako sa speech ni Ivan. Hahaha.
Nag-smile siya tapos, nagtilian na naman yung mga b*tch. Nakakarindi talaga! Psh.
"Can you speak Tagalog?" - Ma'am Jimenez
"Ah. Opo naman mam!"
"Ay akala ko hindi eh. Haha. Nga pala, anong nickname mo hijo?"
"Para saan po mam?"
"Para sa seating arrangement. I arranged their seats (pertaining to our seats) according to their nicknames kasi."
Hindi ko naman magiging katabi si Ivan eh. Asa pa ako! "I" kaya siya, ako "E". Huhuhuhu. Nakakalungkot naman.
"So what's your nickname?" pag-uulit ni ma'am.
Tumingin sa'kin si Ivan. Tapos nag-smirk.
Problema nun?
"Mam, Eban po." sagot ni Ivan? Teka Eban ba sabi niya? Ibig sabihin..
"Oh. Okay, Eban. You can sit beside.. Elle!"
OMG. Katabi ko si Ivan! OMG. Fudge. Kinikilig ako! Hihihihi.
Lumapit na sa'kin si Ivan. Dun siya umupo sa kaliwa ko. Nag-adjust kami lahat, dahil nga sumingit si Ivan eh.
"Hi Elletot!"
Harujusko! Kung hindi lang gwapo tong si Ebantot eh!
"EBANTOT!" sabi ko sabay dila sa kanya.
"Mas malakas ka ng mambully sa'kin ngayon ah." - Ivan
"Talaga!"
Ayun. Nakinig na kami kay ma'am kasi baka mapektusan kami. First day na first day, madaldal na agad ang impression ni mam.
Ang saya saya ko naman! At least may makokopyahan ako pag may quiz kami! Joke ulit! Hahahaha.
Sumunod na yung next classes. Wala namang masyadong nangyari. Tipikal na first day. Pakilala lang na pakilala yung iba. Yung mga bagong salta.
*kriiing!*
LUNCH NA!
"Elle, pasabay sa'yo mag-lunch!"
"Oh sige ba. Teka, tawagin ko lang sila."
"Pao! Pam! Lunch tayo!" - ako
"Sige sige. Una na kayo. Susunod ako. Punta lang akong washroom." - Pam
"Pao! Tara!" - ako
Tiningnan lang ako ni Pao. Lumakad lang siya. Hindi man lang nagsalita. Problema nun?
Naglalakad na kami papuntang cafeteria. Oo. cafeteria talaga, para sosyal. Yoko ng canteen. Hahaha. Dami ko pang satsat. -_-
Anyway, highway, ang awkward lang. Hindi kami nag-iimikan.
"Guys! Kamusta first day?" sabi ko. To break the silence.
Ay? Tiningnan lang ako. O-kay.
Narating na namin ang caf. Umupo kami sa isang table na pang-apatan.
Hindi pa rin sila umiimik.
Hindi na rin ako nakapag-timpi.
"HOY ANO BA? KAKAUSAPIN NIYO BA AKO O HINDI? TAO PO AKO. HINDI HALAMAN. YUHOOO?!" Nagtinginan yung dalawa sa'kin. Pati nga yung ibang tao sa caf. Wala akong pake. Psh.
"H-ha-haha. Ang saya saya ng first day Elle! H-hahaha." - Ivan na parang napipilitang tumawa.
"H-haha. O-oo nga!" - Pao na plastik rin ang tawa.
Hindi ko na lang pinansin. Bahala sila.
"Oh guys! Hindi pa kayo umo-order? Inintay niyo ako?" dumating na pala si Pam.
Walang umimik sa'min.
"Ay? Dedmabells ako?" - Pam
Haha. Pam. I know the feels.
"Halika na Pam. Order na tayo." - cold na sabi ko. Hinila ko na si Pam.
"T-teka Elle! Sila ba, hindi oorder?"
"Bahala sila diyan! Manigas sila!"
"Oh. Ang taray ni ate! Hahaha."
Sumunod rin yung dalawang kumag sa'min. Umorder sila. Pero hindi pa rin sila umiimik ng normal. Nagsalita naman sila nung umorder sila. Psh. Alangan namang hindi? Eh pano sila oorder?
Kumain na kami. Tapos bumalik na sa klase na ramdam pa rin yung awkwardness. Kung hindi nga iimik si Pam, tahimik lang kami pabalik eh. Kahit kelan talaga, ang daldal niya.
.......
So ayun. Natapos na ang school day na ito. Pauwi na kami ngayon.
"Bye bye, Elle! See you tomorrow! Bye Papa Pao! Bye din Papa Ivan!" - Pam
"Bye Pam!" ako lang yung sumagot. Ngumiti lang yung dalawang kumag.
Sumakay na ng jeep si Pam.
"Elle! Lika na. Sabay ka na sa'kin." - Ivan na tinuturo yung kotse niya with driver.
"Ah. Eh. Hindi na Ivan! Dala ko kasi yung bike ko. Dito ako sumasakay papunta at pauwi mula school."
"Sige na, Elle sabay ka na sa'kin."
Tss. Ang kulit ni Ivan.
"Eh kasi nga-"
"Ayaw nga daw pare eh." - Pao
O________________O. I can feel the tension over here. Nako lupa. Lamunin mo na ako.
"Eh pare, mas madali kasi kapag sinabay ko na si Elle." - Ivan O___O
"Eh pare, ayaw nga daw niya. Hindi mo ba narinig?" - Pao O______O
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw? Anong problema mo?"
Yung mukha ko. O________________________O. Tapos ganito na ngayon. =_________=
PUNONG PUNO NA TALAGA AKO SA MGA KUMAG NA ITO!
"HOY KAYONG DALAWA! KUNG PLANO NIYONG MAG-BANGAYAN, WALA AKONG PAKEALAM. BASTA AKO, UUWI NA AKO."
Nagbike-out na ako matapos ang speech ko.
Alangan namang walk-out. Hindi naman ako lalakad. Magba-bike ako. Kaya, bike-out.
Oo. Nagawa ko pang magbiro sa kabila ng sitwasyon ko.
Nakakabadtrip lang talaga. Hayst.
BINABASA MO ANG
SOUNDCLOUD
أدب المراهقينA voice that I heard online. A voice that made me fall in love. A voice from Soundcloud.