CHAPTER 2:Gio

997 7 1
                                    

Nakahiga si Dominique sa kama niya at iniisip ang interaction niya kasama si jack. Habbang iniisip niya yun ay bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Alam ni Dominique di siya straight. Pero kahit di siya straight ay nililihim lang niya ito.

“ang weird naman ng pakiramdam na to.”sabi ni Dominique sakaniyang sarili. Gumulong gulong si Dominique pero ang iniisip niya talaga ay si jack. Agad bumangon si Dominique at bumaba. Sinout ang sweater na nakasabit sa pintuan niya.

Pagbaba ni Dominique ay naabutan niya ang nanay Rebecca niya na galling sa trabaho dala dala ang mga pinalengke.

“nay. Ginabi po ata kayo?”nag mano si Dominique at at binuhat ang mga pinalengke ng nanay niya.

“oo anak e marami kasing Gawain sa opisina kaya medyo ginabi ako at namalengke na rin ako.”sabi ng nanay Rebecca niya at umupo sa sofa.

Niligay ni Dominique ang mga pinalengke ng nanay niya sa lamesa , kumuha siya ng isang basong tubig at agad umupo sa tabi ng nanay niya.

“ako na lang ho sana namalengke nay. Tinext niyo lang po sana ako.”sabi ni Dominique at binigay ang tubig sa nanay niya.

“salamat anak, alam ko rin naman na pagod ka mula sa skwela.”sabi ni nanay Rebecca.

“nanay naman, bata pa naman po ako e.  ikaw nga dapat umuqi ng maaga e para makapagpahinga ka.”sabi ni Dominique at yumakap siya sa kanyang nanay.

“siya siya! Bat gising ka pa? mga kapatid mo? Kumain na ba kayo?”tanong ni nanay rebecca.

“nagugutom po ako nanay e. lalabas sana ako sandali para bumili ng pagkain. Tulog na po silang lahat nay, kumain na rin po sila.”sagot ni Dominique.

“alas 9 na ng gabi anak? Sure okay ka lang?”sabi ni nanay rebecca.

“oo naman po nay okay lang po ako.”sagot ni Dominique at niyakap nanay niya.

“sige anak mag ingat ka ha?”sabi ni nanay Rebecca at niyakap ang anak.

“opo nay” agad humalik si Dominique sa pisnge ng nanay niya tsaka lumabas ng bahay.

Agad lumakad si Dominique sa papunta sa highway, di alam ni Dominique kung ano at saan pumunta. Naglakad lakad lang siya hanggang makarating siya sa isang seaside na kainan. Agad naisip ni Dominique na dun na lang kakain.

“kuya, limang isaw, isang kwek-kwek, squidroll, tempura at isang coke.”sabi ni Dominique sa server ng kainan.

“oh hi, ikaw yung freshmen perfect scorer ng campus diba? Dominique roxas?”tanong ng lalaki.

“yeah? Bakit po?”tanong ni Dominique.

“hehe. viral name mo sa forum ng school website. Oh gio nga pala, first year hospitality management din.”pakilala ni gio kay Dominique at umabot ng kamay.

“hehe. I guess kilala mo na ako.”sagot ni Dominique at nag shake hands kay gio.

“hehe, order coming up.”sabi ni gio at tumalikod na.

cute naman.”sabi ni Dominique sakaniyang sarili habbang tinitignan si gio sa malayo.

“5 isaw, kwek-kwek, tempura, squid roll at coke.”sabi ni gio at agad binigay kay Dominique ang inorder niya.

Inabot ni Dominique ang 100 kay gio. Pero di pinansin ni gio.

“kuya gio. Bayad ko po.”sabi ni Dominique.

“haha. Wag mo na akong kuyahin, gio nalang and libre na.”sabi ni gio kay Dominique na may kindat.

“sure?”nahihiyang pagkakasabi ni Dominique.

Buhay Ni Dominique (boyxboy/yaoi/gaylove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon