Chapter 23: Dr. Dominique Roxas

196 3 0
                                    

Nasa klase si dominique pero ngayong araw ay wala si jack. Nagtataka si dominique na kanina pang umaga ay di pa nagrereply si jack sakaniya.

"baby good morning i love you :)"

"baby gising na po at papasok pa tayo."

"baby?"

"pasok na po ako, hintayin na lang kita sa school ha? ingat ka."

----

tinignan ulit ni dominique ang kaniyang cellphone pero walang reply mula sa nobyo niya, nagsimula ng magalala ni dominique. Ng matapos ang unang klase ni dominique sa araw na yun ay pinuntahan niya ang cafe pero wala si jack doon, sa school basketball court wala rin hinanap niya sa mga possible na pinupuntahan ni jack pero wala siya

Hanggang tanghali ay di parin nagrereply at nakikita si jack, habbang kumakain siya kasama nina chelsea, gio, jase, michael at ibang barkada nila ni jack, ay di tinigilan ni dominique ang pagtitig sa cellphone niya, di rin niya ginagalaw ang pagkain niya.

Napasin ni jase na hindi kumakain si dominique.

"dom?"tawag ni jase.

tumingin lamang si dominique na may pagalala na expression.

"you okay? bat wala si jack asan siya?"tanong ni jase at tumingin sakanila si gio.

di sumagot si dominique at sinubukan niyang kumain, pero wala siyang gana.

"i dropped by sa condo niya kanina eh naka lock i assume na pumasok na siya."sabi ni gio.

"saan naman siya pupunta pag ganon?"tanong ni dominique at nagalala na talaga.

"puntahan mo kaya mamaya after ng classes natin dommy may key ka naman sa condo niya diba?"sabi ni chelsea.

"Oo nga no? baka andun lang yun sa loob."sagot ni dominique.

"i'll take you there dom, since on the way lang naman ang building niya."alok ni chelsea.

"salamat chels."sagot ni dominique at timing naman nag ring na ang bell at pumasok na sila sa class nila nun.

Di na mapakali si dominique, gusto na niyang lumabas ng university at dumiretso sa condo ng nobyo niya. Napansin ito ni gio at hinawakan ang kamay ni dominique.

"jack will be fine."sabi ni gio.

tumingin lamang si dominique at ngumiti. Ngumiti rin si gio at humarap na sa prof nila. 

Ng matapos na ang klase ni dominique sa araw na yun ay tinext niya si chelsea.

"chels?"

"dom nasa parking lot na ako. Lika na." reply ni chelsea sakaniya.

agad tumakbo si dominique papunta sa parking lot ng mabunggo niya ang isang lalaki. Natumba ang lalaki at nahulog ang mga gamit nito.

"sorry sorry."sabi ni dominique at tinulongan ang lalaki.

"hehe okay okay lang ako."Sabi ni lalaki.

"you sure?"tanong ni dominique.

"oo oo okay lang ako *tumingin ang lalaki sakaniya* AH! ikaw yun?!"sabi ni lalaki at tinuro si dominique.

"ha? ako? bakit? ano?"pagtatakang tanong ni dominique.

"ikaw nga yun ahhhh ang nobyo ni ni ni... sino nga yung star player ng HM department?"tanong ng lalaki.

"teka teka sino ka ba?"tanong ni dominique.

"ako nga pala si nicolie, nicolie santa maria, isa ako sa mga writers ng school paper."sagot ni nicolie, si nicolie santa maria ay isa ring hospitality management student, mula sa isang sikat na high school si nicolie, matangkad,payat, at nerdy ang dating niya.

Buhay Ni Dominique (boyxboy/yaoi/gaylove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon