Chapter 5: Acoustic night

557 7 0
                                    

Ng makauwi si dominique sakanila ng gabing yun ay nadatnan niya si nanay Rebecca na umiiyak.

“nay?”sabi ni dominique.

Agad nagpunas ng luha ang kaniyang ina, “oh anak? Andito ka na pala. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita.”sabi ni nanay becca.

“kumain na po ako nay, bakit po kayo umiiyak nay? May problema po ba?”tanong ni dominique na nagalala.

“wala anak. Naisip ko lang kayo.”sabi ni nanay Rebecca.

“inay naman, alam kong may problema ka. Bakit po?”tanong ulit ni dominique

“kasi ang tatay niyo…”panimula ni nanay

Napatigil si dominique.

“…gusto niya na kunin kayo.”sabi ni nanay rebecca.

“after 6 years? magpapakita siya at gusto niya kunin kami?”sabi ni dominique.

Umiyak ulit ang nanay niya.

“no… ayoko, ayokong kunin niya mga kapatid ko.”tanging sabi ni dominique.

Umakyat agad si dominique at dumiretso sa kwarto niya. Agad humiga sa kama niya at hinayaang tumutulo ang luha niya. Habbang umiiyak si dominique ay biglang nag’blur ang paningin niya, at nakatulog.

Pagkaumaga, nagising si dominique at naupo muna. Medyo masakit ulo niya dahil sa pagiyak kagabi. Tuminigin si dominique sa orasan at 9:00 na ng umaga. Agad bumangon si dominique at bumaba. Habbang pababa si dominique ay sumalubong sakaniya si robin.

“kuya. May bisita ka.”sabi ni robin.

“ha? Sino?”sabi ni dominique at agad bumaba.

Pagkababa niya ay nakita niya si gio at si jase.

“hi dom!”bati ni jase.

“jase…gio? Napapunta kayo ditto?”tanong ni dominique.

“yeah… eh si gio kasi magpapart-time dun sa bar ni tito. Since ikaw pupunta ka rin dun para sa acoustic night e dumaan na lang kami para sabay na tayo pumunta dun.”sabi ni jase

“ay oo nga pala ang acoustic night *sniff*. Pupunta ba ako dun ngayon? Or mamaya ng gabi.”tanong ni dominique.

“oo, sabi ni tito e gusto muna niya marinig ano kakantahin mo.”sabi ni jase.

“sige. Maliligo muna ako.”sabi ni dominique at agad tumalikod.

“dom?”tawag ni gio.

“bakit?”sabi ni dominique.

“good morning.”bati ni gio.

Buhay Ni Dominique (boyxboy/yaoi/gaylove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon