Chapter 27- JacQue

171 3 0
                                    

2:30 A.m ng natapos ang music festival. Nasa isang ihaw-ihaw restaurant sina Dominique at jack. Habbang hinihintay ang order nila ay masayang nagkukwentohan ang dalawa.

"paano mo nalaman na overboard ang favorite song ko? Siguro tinanong mo si jase?"tanong ni Dominique.

"oyyy, di ah! halata naman e. yun ang ringtone ng phone mo tapos ringback mo pa hahaha."sagot ni jack. Tinitigan ni Dominique si jack na sout ang binigay niyang beanie.

"bagay sa akin ang blue no? tapos ang cute pa tapos mahal ko pa ang nagbigay."sabi ni jack at hinawakan ang beanie.

"oo. Bagay naman sayo lahat e."sagot ni Dominique. Tinignan ni jack ang phone niya.

"baby look, may 1k likes na post ko sa instagram about sa atin."sabi ni jack at pinakita kay Dominique.

"talaga?"tanong ni Dominique at tinignan ang post ni jack. Binasa rin ni Dominique ang mga comments;

"ayee♥ ang sweet naman nila sa music festival."

"sana magtagal silang dalawa!! ♥"

"ang sweet!!! ♥"

Pero may iilang comments din na kagaya ng;

"Faggots -_-"

"ang saying ng lalaki siguro binayaran yan ng bakla."

"mga baklaaaaa!"

Biglang naglaho ang ngiti ni Dominique.

"anything wrong baby?"tanong ni jack.

"wala naman baby."sagot ni Dominique.

Tinignan din ni Dominique ang ibang instagram post ni jack na halos mga pictures niya ang meron.

"bat puro pictures ko ang andito?"tanong ni Dominique.

"hmm? Cute mo kasi e kahit anong gawin mo ang cute cute cute cuteeeeeeeeeeeeeeeee mo."sabi ni jack at kinurot ang pisnge ni Dominique.

"araaay!"sabi ni Dominique.

Napansin nila na kanina pa nakatitig sakanila ang mga babae sa kabilang table. Ngumiti sila sa mga babae at kumaway si jack. Ng biglang lumapit ang isa sa mga babae sakanila.

"diba po kayo ang JacQue couple?"tanong ng babae.

"Ja what?"tanong ni Dominique.

"Jacque po, jack and Dominique. Admin po ako ng ginawang fanpage ko about sa inyo."sagot ng babae.

Nagtinginan ang dalawa at nag ngitian.

"di ko alam may Jacque fanpage pala. Ikaw alam mo ba yun baby?"tanong ni jack.

"di rin."sagot ni Dominique. Kinurot ni jack ang pisnge ni Dominique. Nagtiliian ang mga babae.

"uhm... kuya jack kuya, Dominique pwede po ba akong magpapictre sa inyo para iupdate namin sa fan page?"tanong ng babae.

"sure sure."sagot ni jack tumayo, tumayo na rin si Dominique.

"uy kami rin."sabi ng dalawang babae at lumapit rin sakanila.

Nagpapicture ang lahat sakanilang dalawa. Timing naman na matapos ang picture taking nila ay dumating na ang order nila at kumain na ang dalawa. Ng matapos na silang kumain ay umalis na rin silang dalawa.

"baby sa condo ka na matulog please."sabi ni jack.

"hmmmm..siguro may balak ka sa akin ano?"tanong ni Dominique na nakangiti.

Buhay Ni Dominique (boyxboy/yaoi/gaylove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon