Ilang minuto na lang, uwian na! nakikita na niya ang mga kaklase niyang babae nag pupulbos, nagaayos ng buhok para sa uwian. Di naman maintindihan ng iba kung bakit nagpapaganda pa ang mga babae pag uwian.
SHY'S POV
bakit kailangan pa nila mag ayos? sabagay, para pag nakita nila crush nila, maganda sila? Haaaay. grabe!
Ang tagal naman magtime. Boring naman ng subject >_<
end of pov
Ilang sandali lang at nagbell na. Ibig sabihin time na. Kaya nag-ayos na ang klase para sa uwian. May mga naiwan para maglinis. Kasabay ngayon ni Shy ang mga kaibigan na sila Drei,Jenn at Isa.
Pumunta naman ang magkakaibigan sa Locker room. Doon nga nakita ni Jenn ang crush niya. "Ui! Siya yung crush ko oh :"> ang pogi niya diba? hihi."
pabulong na kinikilig na sabi ni Jenn sa mga kaibigan. "Ahh. siya? Crush ko din yan eh :">" sabi naman ni Isa. "Weh? Di nga? crush mo din yan?" sabi ni Shy na di naniniwala. "Oo nga!" sabi ni isa na ngumingiti. "lagi niya kasama yung crush ko! baka magbestfriend din sila?!":"> sabi naman ni Shy na medyo kinikilig din. "Oh talaga? hihi. Ang galing! Magbestfriend tayo tas yung mga crush natin magbestfriend din :">" sabi naman ni Jenn sa bestfriend niya. Pagkatapos nun ay umuwi na sila. Magkasabay palagi sila Shy at Jenn. Si Drei kasi ay sumasakay pa ng jeep samantalang si Isa ay papunta sa kanan sila Jenn at Shy naman ay tatawid at papunta sa kaliwa.
"Best! di ko akalain na magbestfriend din yung mga crush natin :"> hihi." sabi ni Shy habang naglalakad. "oo nga best eh! hihi :"> magbestfriend talaga tayo! haha" sang ayon naman ni Jenn sa bestfriend. Nakapunta na sa kanto si Shy kaya pauwi na siya. Si Jenn naman ay
didiretso pa dahil sa kabilang kanto pa ang bahay nila.
SHY'S POV
haaay! magisa na naman ako maglalakad papunta sa bahay. Ba't kaya naging crush ni best yun? hmmmm. Pogi din naman siya eh :"> pero mas pogi si crush! hihi :"> speaking of crush, lagi kong nakikita si crush kasama yung crush ni best! siguro magbestfriend din sila! hihi. Galing naman!
~Flashback~
Intrams nila Shy sa school nila. Hindi naman magaling magvolleyball si Shy kaya taga cheer lang siya. Ang sports talaga niya ay ang basketball at soccer. Sa dating school kasi niya may laro para sa babae ang basketball at soccer. Pero di niya tinry ang magvolleyball. Magagaling kasi sa basketball ang mga kapatid niyang lalaki at mga pinsan niya, puro lalaki ang pinsan niya. 4 lang silang babae magpipinsan, ang ate niya, siya at ang dalawang pinsan na bata pa. Kaya walang nakalaro si Shy. Pero varsity ng volleyball ang ate niya noong high school pa ito.(back to the topic. hehe) Nasa gilid sila Shy kasama sila jenn,Isa at Drei. Doon sila nakatambay nagaantay ng oras dahil wala naman silang sinalihan. Nagpapahinga sila sa may mabato pero hagdan hagdan. Nakaupo sila doon nasa pinakamataas si Shy nagulat siya ng nagtatawanan ang mga lalaki at tinuturo siya. Napansin niyang gwapo ang tumuturo sakanya.
SHY'S POV
Nakakapagod naman! Wala na nga kaming ginawa pero palibot libot naman kami sa buong school! hmmmmft! Ang pogi naman ng isa doon! teka? bakit sila natawa? bakit sila nakatingin sakin? waaaag ganyan! hihi :"> kinikilig ako eh! hihihi. Teka? mukhang napansin din nila best yun ah! Nakatingin din sila sakin? Tumatawa pa ah! Hahahaha! "Bakit?" haha. Talagang tawa lang sinagot sakin! HAHAHA
~End of flashback~
hihi. kaya simula noon naging crush ko na siya :"> pogi niya kasi eh, baby face! tapos mukha pang mabait. Kaso girlfriend niya na yung nagtuturo samin sa majorette. Sayang naman! :(
End of pov
Majorette kasi si Shy kaso nagquit siya dahil tinatamad na daw siya. Pasikatan na kasi ngayon sa school nila. Naiinis lang siya pag nakikita yung ex niyang drummer at ang babaeng malandi na pasikat at ang dahilan ng break-up nila ng ex niya >_<
Nakauwi na sa bahay nila si Shy..
BINABASA MO ANG
A bestfriend's love story
RomanceStory po ito ng magbestfriend! Tungkol sa mag bebestfriend po ito. Sana basahin niyo kasi First time ko po sumulat! Follow niyo po ako: sweetyelle :") nagfafollowback po ako. Pwede din po kayo magrequest o kaya may mga typo so paki comment na lang...