Chapter 8

33 0 0
                                    

Nakalipas ang ilang araw di na masyado nasama si Shy kila Jenn. Lagi na niyang kasama sila Kath. Naiinis na din sila Drei,Isa at Jenn kay Shy dahil sa pagiba ng mga kilos nito. Lalo na ang di pagsama sa kanila.

SHY'S POV

Naiinis na sakin sila Jenn di na kasi ako nasama sa kanila eh. Pero pag nasama naman ako umiiwas sila kaya kila Kath na lang ako nasama. Mageexam na din pala di pa ako nagrereview! Nakakatamad eh. Lalo na may bumabagabag sa isip ko. May kakaiba ako nararamdaman eh. Nakikipag balikan sakin si Mikael for the 3rd time! Pero bakit ganun? Bakit parang ayoko na sakanya? Bakit ang bilis mawala ng feelings ko sakanya? Dahil ba nasaktan niya ako? Pero di ako ganun eh. Bakit di na ako masaya sakanya? Makikipag balikan pa ba ako? Pero parang NAFAFALL NA AKO kay Rain. Pero hindi pwede! HINDI! KAIBIGAN LANG tingin niya sakin eh. Ayokong masaktan. Ayoko ma-fall sakanya eh. Crush siya ng mga kaibigan ko tapos aagawin ko?! Isa pa, Niligawan niya si Charm dati, baka kung ano ang isipin nila. Kaso bestfriend ko siya, di ko siya kayang iwasan. Sasabihin ko ba sa iba? Kanino ko naman sasabihin? kila Jenn? pero natatakot ang sabihin sa kanila baka kasi magalit sila. Ayoko magaway kami para lang sa isang lalaki! Pero pano ko iiwasan si Rain? haaay. Hangga't maaga pa ayoko muna mafall ng tuluyan. Baka masira relationship namin ni Rain. Alam ko namang si Charm pa din mahal niya eh. Sino ba naman ba ako? Eh BESTFRIEND LANG naman eh. Sasabihin ko ba kay Kath? na nafafall na ako kay Rain? kaso baka sabihin niya kay Charm. Baka magalit siya sakin. Ano ba gagawin ko? Kung makikipag balikan ako kay Mikael ayoko naman siyang saktan. At baka ako naman ang saktan niya. Gulong gulo na ako! Ano na gagawin ko?! Pipigilan ko ba?! Kung pipigilan ko? PAANO?! ang hirap naman nito!

~

Makalipas ang ilang araw hirap pa din si Shy sa mga nangyayari sakanya. Di niya na din kayang itago ang nararamdaman niya. Lalo kasi siyang nafafall sa mga pinag gagawa ni Rain sakanya. Bigla kasi itong naging sweet sakanya.

SHY'S POV

Haaay. Ano ka ba naman ba Best?! Bakit lalo mo ako pinafafall? Hirap na nga ako eh. :'( gusto ko na lang umiyak ng umiyak! (Habang umiiyak, naalala niya mga pinag gagawa ni Rain na nakakapag taka na.)

~Flashback (yesterday)~

Ngayon kami manunuood ng pinsan ko sa sine. Mga hapon pa naman yun kaya magtetext na lang muna ako.

FROM: RAIN

Best may sasabihin ako sayo

TO: RAIN

Ano?

makalipas ang ilang oras

Ano ba naman yan?! Di pa din siya nagrereply?! Ano ba ung sasabihin niya sakin? Ang daya naman! Makaligo nga muna!

pagkatapos maligo

Haay. Ngayon lang siya nagreply? tas ang reply pa "Wala! NVM!" asar!

~

Napagusapan din nila Rain na hahatid siya ni Rain sa pag uwi.

SHY'S POV

Hmm. Bakit naman niya ako ihahatid?! nakakahiya! di ko alam gagawin ko eh! hala! Bahala na nga!

TO: RAIN

Best! bukas ah. Maeexpired na load ko. Bukas na lang! byeee :)

FROM: RAIN

Ghe♥

huh? bakit may heart?! Parang baliw naman tong si Rain eh -___-

Bakit ako kinikilig? Hayts! Di pwede! Sweet lang siya.. Pero BESTFRIEND pa din tingin niya sakin. Ang hirap naman nito! Makikinig na nga lang ako ng mga kanta! uhmmm. Eto! Meron ba by barbie forteza^_____^ relate ako dito eh.

~

Habang nakikinig si Shy lalo niyang naisip si Rain

♪ Isip ko ay gulo di alam ang gagawin, kung ako'y iiwas at sayo ay sasabihin na ako sayo'y may pagtingin di mo lang ito napapansin....

SHY'S POV

Haaay. Oo rain! Mukhang nafall na ko sayo. Ang hirap pigilan eh.

♪Meron bang makapag sasabing iniisip kita? at meron ba may alam na laging hinahanap ka? Kung ako naman ay iiwas, malalaman ba? Na ako ay may lihim na pagsinta...♪

Oo nga naman! Siguro dapat ko ng sabihin to kay Kath. Kaibigan ko naman siya eh. Maiintindihan niya ako panigurado. Bahala na nga bukas!

~end of flashback~

Nakakapag taka na talaga siya! Tapos may time na nag-i love you siya sakin pero alam kong as bestfriend lang yun at loko lang yun kasi may "Hahaha" sa dulo. Pero kahit anong gawin ko ang hirap niyang iwasan. Haaay! Aaminin ko na talaga to kay Kath.

~

Nakapasok na si Shy. Nagstay lang siya sa classroom nila. Di pa din siya pinapansin nila Jenn.

SHY'S POV

Haaay. Ang tagal naman pumasok ni Kath. Lalo akong kinakabahan eh. Ayun! Andya na si Kath! hooo! kaya ko to.

Shy: Kath!

Kath: Oh shy! Hihi. bakit?

Shy: May sasabihin lang sana ako. hihi kinakabahan ako!

Kath: Ano yun?

Shy: Secret lang to ah! Sayo ko lang to sasabihin.

Kath: Sige ^_____^

hala! kinakabahan ako. Di ko kaya! Umupo ako sa upuan ko. Umupo naman si Kath sa desk ko. Naka akbay pa siya sakin kaya lalo akong kinabahan eh.

Shy: Nafafall na ata ako kay Rain eh. Kaso alam kong Bestfriend lang tingin niya sakin! hooo! Nasabi ko na din!

Kath: Ahh. Eh bakit di mo aminin? Malay mo dba?

Shy: Nahihiya ako eh. Nahihiya na natatakot kasi alam ko namang bestfriend lang tingin niya sakin eh. Teka? bakit ganun reaction niya? Parang natutuwa pa siya! Lalo akong nahihirapan eh. Ayoko namang umasa.

Kath: Basta! Itry mo lang

Shy: Sige. pag nakaya ko. Wag mo sasabihin yun ah

Kath: Haha. sure!

KATH'S POV

What?! Sabi na nga ba eh! Nafafall na din to! Hahaha. Kaya ko yun sinabi na aminin niya na. Kasi parehas sila ng nararamdaman. Ang torpe nila masyado. Kaso alam kong natatakot lang din sila kasi ang alam nila bestfriend lang talaga ang tingin nila sa isa't isa. Kaso masasayang eh. Kung walang aamin sa kanilang dalawa baka magfade yung feelings nila sayang yung tadhana! Haaay. Sana may isa sa kanila ang mag lakas loob na sabihin yung nararamdaman nila sa isa't isa. Mas gusto ko pa nga si Shy kesa kay Charm para kay Rain eh. Tska may bf na din naman tong si Charm eh. Sana lang talaga! Sayang kasi eh!

A bestfriend's love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon