SHY'S POV
Haay. Hanggang kelan ko pa ba to matatago sakanya? Hanggang kelan pa ba ako aasa na may pagasa ako? Eh bestfriend lang naman niya ako eh. At alam kong yun lang din ang tingin niya sakin.
~text convo~
Rain: Best realtalk medyo nafafall na ako sayo pero di pa sure.
WHAT?! nafafall na din siya sa akin? aaminin ko ba? Sinabi kaya ni Kath? Bahala na.
Shy: ahh. Same lang best.
Mukha ngang nafall na ako eh -___- pero pipigilan ko to!
Rain: Pano kung ako na prince charming mo? Pano kung para talaga tayo isa't isa?
Shy: Wala naman ako magagawa kung para talaga tayo eh
Rain: Ah. oo nga naman! Pano kung ligawan kita?
Shy: Di ko alam eh.
~end of convo~
Hanggang ngayon di ako makapaniwala! Nafafall na din siya sakin?! Pa-paano un nangyari? Totoo kaya yun? Sinabi kaya ni Kath sakanya? Lalo lang ako naguluhan eh. Pero ang mahalaga nasabi namin nararamdaman sa isa't isa
~
Kinabukasan kinwento ni Shy ang nangyari kay Kath. Sinabi din ni Kath yung dahilan kung bakit niya pinapaamin si Shy. Masaya na naman sila. Dahil sa nangyari at dahil sa sikreto nila Kath at Shy mas lalo pa sila naging close.
-
SHY'S POV
Pano to? Sino pipiliin ko? Si Rain o si Mikael? Dapat sundin ko yung puso ko diba? Pero parang wala na akong feelings para kay Mikael eh. Si Rain na yung tinitibok ng puso ko. Wala naman nangyaring kakaiba simula nung nag aminan kami. Pero simula noon di niya na ako pinapansin sa school. Dati kasi pag nagkikita kami bumabati siya. Pero ngayon hindi na. Baka umiiwas na din siya. Pero ayoko masaktan si Mikael kaya sasabihin ko na lang yung totoo. Mas masasaktan ko lang siya pag nakipag balikan ako eh. Mas okay na to.
~
Kinabukasan hinintay ni Mikael si Shy makapasok.
SHY'S POV
Ang aga ko makapasok ah. Hihi. Konti pa lang estudyante. Hmm. Teka? si Mikael ba yun? Sino kaya inaantay niya. Iiwasan ko na lang siya. (Naglakad lakad siya, sinubukan niyang iwasan si Mikael kaso...)
Mikael: Shy!
Shy: Uhm.. Oh? bakit?
Mikael: Pwede ka ba makausap?
Shy: Ahh. Sige. kaso baba ko muna tong bag ko sa room. ok lang?
Mikael: Sige. Samahan na kita
Ano ba tong sasabihin ni Mikael? Nakakakaba naman to eh. Bibilisan ko ka nga lang! "Ah diyan ka lang ah! Ibaba ko lang to, hintayin mo na lang ako" tumango lang siya. Bilisan ko na! haha.
Shy: Mikael! ano ung sasabihin mo?
Mikael: Tatanong ko lang sana.. Pwede pa ba ibalik yung dati?
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya! Ano sasabihin ko? Na mahal ko na si Rain?! Di pwede! Pero ayoko siyang saktan! inhale.. exhale! Hingang malalim. Kaya ko to!
Shy: Uhm Mikael, Sorry pero mukhang ayoko na ibalik yung dati eh. Sana maintindihan mo ako. Pwede naman siguro tayo maging magkaibigan diba? Sorry talaga *ring* Ah. sige! Una na ako.. May klase na kami.
Haaay. Tama ba yun? Ibig sabihin mas mahal ko na nga si Rain? Mas ok na siguro to. Pero paano kung ayaw na sakin ni Rain? Na nasigurado niya na... na hindi talaga niya ako gusto?! Natatakot ako kasi baka mag bago lang yung nararamdaman niya. Natatakot ako na masaktan ulit. Natatakot ako na.... mawala yung friendship namin..
(sorry for the slow update. Thanks po sa mga nagbabasa! ^_____^ love you all guys! Sana nagustuhan niyo. Btw, abangan ang mga susunod na mangyayari kila Rain at Shy)
BINABASA MO ANG
A bestfriend's love story
RomanceStory po ito ng magbestfriend! Tungkol sa mag bebestfriend po ito. Sana basahin niyo kasi First time ko po sumulat! Follow niyo po ako: sweetyelle :") nagfafollowback po ako. Pwede din po kayo magrequest o kaya may mga typo so paki comment na lang...