A CRAZY TWIST OF LOVE
Chapter 1: IT HURTS
Steadler University…..
*sigh*
Panay ang buntong-hininga ni Xzerinah nang mga oras na iyon. Free time nila kaya kung anu-ano ang ginagawa ng kanyang mga kaklase. She was sitting on her armchair beside their classroom’s window.Nakatanaw siya sa ibaba. Kita mula sa bintana ang campus gym nila. From the gym’s door there's a guy standing there. He's on his jersey outfit. Maya-maya ay may babaeng lumapit dito. Umaliwalas ang mukha ng lalaki nang tanggapin nito ang towel na ibinigay sa kanya ng girl at matamis na ngumiti.
Every smile and even the slightest sweet gestures of the two are like needles pinning her heart. Tila may isang boses sa isip niya na nagsasabing
Stupid Xzerinah….don’t look…mas lalo ka lang masasaktan….but then there she is… still looking.
Bakit hindi? Ang dalawang taong kanyang tinatanaw nang mga oras na iyon ay malalapit sa kanyang puso. Her bestfriends, si Homer at si Gienie. Simula pa gradeschool sila na ang magkakasama. Sa lahat ng kalokohan,kasiyahan, at sa lahat ng problema ng bawat isa ay nandun lagi….nagdadamayan. But then…everything changed…
Hindi niya malaman kung ano ang nangyari….at bigla nalang nabaling ang lahat sa kaibigan niyang si Gienie ang nararamdaman ni Homer… At first, sila ni Homer ang close….unti they had a mutual feelings for each other…Ngunit isang araw…Homer told her, “I don’t know how it happens but I really love Gienie. I’m sorry.”
Tinatamad na lumabas siya ng classroom nang ma-dismissed na sila ng kanilang prof.
“Hey, Xzerinah! Pupunta na kami sa gym. Hindi ka ba manonood ng laro ni Homer? Championship na nila ngayon!”Salubong sa kanya ng kanyang kaibigan
Napatingin si Xzerinah kay Lily. Kasama nito ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Mia, Jay and Rax .
“Are you okay? Mukhang hindi ka excited sa laro ni Homer ngayon ah.” ani ni Rax. “May problema ba kayong tatlo nina Gienie?”
“W-wala. Ano naman ang pag-aawayan namin? Kayo talaga…Mauna na kayong pumunta sa gym.. Isasauli ko lang itong hiniram kong libro sa library” Paiwas na sabi niya.
“Bilisan mo ah!” pahabol ni Rax.
Tinanguan na lang niya ito bago siya umalis ng classroom. Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo na siya sa mga ito. Lingid sa kaalaman nila ang kasalukuyang problema nilang tatlong magkababata. Maya-maya ay tumulo na ang kanyang luha…
*sob*
Habang naglalakad siya sa hallway ay panay ang punas niya ng kanyang luha. Nasa kabilang building siya noon papunta sa library na nasa 2nd floor. Paakyat na siya nang bigla niyang marinig ang isang himig na nagmumula sa isang kuwarto roon. Nang kanyang hanapin ang naturang kuwarto ay napag-alaman niya na sa music room nanggagaling ang tugtog.
May tumutugtog ng piano . Sumilip siya sa may salamin ng pinto. Isang lalaki ang tumutugtog ng piano. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil nakatagilid ito sa kanyang direction. Sino kaya siya?
Nais niyang pumasok ngunit ayaw niyang maistorbo ang lalaki sa pagtugtog nito kaya sumandal na lamang siya sa pinto at nakinig. For somewhat, the music eased the pain in her heart. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
Sa kanyang pakikinig ay bigla siyang nagtaka nang tumigil ang musika. Nang muli siyang sumilip sa naturang kuwarto ay ang lalaking nakasapo na sa dibdib nito ang kanyang nakita. Maya-maya ay bumagsak na ito sa sahig. On her instinct, ay bigla niyang binuksan ang pinto at nilapitan ang binata.
“Hey! Anong nangyayari sa’yo?!” may pag-alalang tanong ni Xzerinah sa binata. “H-huwag kang pipikit! Please, huwag kang mamamatay!.
Takot ang nararamdaman ni Xzerinah nang mga oras na iyon. Natataranta na rin siya kung ano ang una niyang gagawin. “Kailangan kong pumunta sa clinic pero di ko siya puwedeng iwan dito! Baka di na siya huminga! Naku Huwag naman po sana!”
“Will you please shut up!”pabulyaw na sabi ng binata.”Nakakairita ka!”
Lalo siyang natakot nang mapatingin siya sa mata ng binata. Para itong isang leon na handang manlapa anumang oras. Ngunit nang mahimasmasan siya at mag-register sa isip niya ang huling sinabi ng binata ay umahon ang inis niya rito.
“Anong sabi mo?! Aba’t bastos ka ah! Ikaw na nga ang tutulungan ikaw pa diyan ang masungit!” inis na wika ni Xzerinah.
“Matutulungan mo ba ako … kung ikaw ang unang …. natataranta diyan?” hirap na wika ng binata.
Natauhan naman ang dalaga sa sinabi nito. Oo nga naman. Siya pa ang walang direksiyon kung mag-isip nang mga oras na iyon. “Oh sige. Aalis ako. Hihingi ako ng tulong sa labas. Dito ka lang. Please, hold on to yourself.”
Tatayo na dapat siya para umalis at humingi ng tulong ngunit bigla siyang pinigilan ng binata.
“You don’t have to ….” pigil ng binata sa kanya.
“Bakit mo pa ako pinipigilan?! Hihingi na nga ako ng tulong eh.”
“J-just give me my bag….”
Kinuha niya ang bag nito na nakapatong sa isa sa mga armchair doon. Itatayo niya sana para makaupo ito sa upuan ngunit hindi niya ito kaya, kaya tinulungan na lang niya itong makasandal sa pader.may kinuha itong maliit na box mula sa bag. Nang buksan nito iyon ay nakita ang iba’t ibang klase ng gamot. Lahat niyon ay isinubo nito at nilunok ng diretso. Napangiwi ang dalaga habang pinapanuod ang binata.
“Teka kukuha ako ng tubig.” ani ng dalaga.
“Huwag na. Di ko na kailangan ng tubig.”
“Grabe! Kinaya mo iyon?”
“You can go now. Hindi ko na kailangan ang tulong mo.” pumikit ang binata.
Kakaibang mag-thank you ang mokong na ito ah. Umismid si Xzerinah sa tinuran ng binata. Iiwan na dapat niya ito ngunit nang makita niya ang kalagayan nito nang mga oras na iyon ay nagdesisiyon siyang umupo sa tabi nito. Dumilat ang binata nang maramdaman ang pagtabi niya rito.
“I said you can leave me now. I’m fine.”
“Sa tingin ko hindi pa. Tsaka makokonsiyensiya lang ako kung iiwan kita rito na ganyan ka. Don’t mind me. Magpahinga ka nalang diyan. ” binuksan niya ang dala niyang libro na kanina’y naitapon niya sa isa sa upuan doon dahil sa pagkataranta.
Umismid ang binata. “Bahala ka.” tinalikuran nito ang dalaga.
Antipatiko talaga eh. Hindi na lang niya pinansin ito bagkus ay muli niyang binasa ang librong katatapos lang niyang basahin.
Makalipas ang ilang minuto…..habang nagbabasa si Xzerinah ay saglit siyang nabigla nang may mabigat na bagay na dumagan sa kanyang kanang balikat. Ang binata na payapa ng natutulog ang nakahilig sa kanya. Binalak niyang ilayo ito ngunit nang makita niya ang payapang mukha nito ay nagdesisyon na lamang siyang ihiga ito sa kanyang binti.
Pinagmasdan niya ang mukha ng natutulog na binata. Ngayon ay kilala na niya ang kung sino ito. Raiden Ralvyre. That’s his name. Ang pride ng kanilang school dahil sa angking galing nito sa pagtugtog ng violin at ng piano at the same time he’s a top notcher. Hindi siya masyadong familiar dito pero dahil sikat ito sa buong campus kaya may nalalaman siya tungkol dito. But his not the friendly type of guy. Masungit daw ito at loner. Ang iba ay nayayabangan dito dahil akala mo raw kung sino maka-asta.
Huh! Mayabang nga. But then…sa nakikita niya ngayon. Maamo naman ang mukha nito kapag tulog. Hindi katulad kanina na akala mong naghahamon ng away. Halos perpekto ang mukha nito. Hindi rin siya magtataka kung iyong ibang mga babae ay nagkakagusto rito. Puwede itong commercial model kung gugustuhin nito. And his lips….his kissable lips…
Natigilan siya sa kanyang iniisip. Anu ba’to?!Pinagnanasaan ko ata itong lalaking ito? Napa-iling siya. Iwinaksi niya ang isiping iyon. Bigla na lang niyang naalala si Homer.
Napabuntong-hininga siya. Para na namang binagsakan ng mabigat na bagay ang kanyang dibdib. Isinandal na lamang niya ang kanyang ulo sa pader at pumikit. Hanggang sa nakatulog na rin siya.
BINABASA MO ANG
A CRAZY TWIST OF LOVE
Romance"It's hard to move on when the person you love is your bestfriend. It's hard to make a grudge to the person your bestfriend's girl especially if she's also your bestfriend. This is a story about a girl who wants to be free from pain she suffers with...