CHAPTER 2: THE ENCOUNTER
Before the class started, nagpaliwanag si Xzerinah sa kanyang mga kaibigan kung bakit hindi siya nakarating sa gym para mapanuod ang laro ni Homer. She made up an excuse where she helped a teacher to bring some books to the library until noon kaya hindi na siya nakarating pa. Hindi niya sinabi ang tunay na nangyari nang hapon na iyon kung saan tinulungan niya ang isang popular student ng campus na si Raiden Ralvyre dahil siguradong hindi siya tatantanan ng mga kaibigan niyang sina Lily tungkol sa insidenteng iyon.
Tahimik naman na nakinig sina Gienie at Homer. Nakikiramdam parin ang dalawa sa kanya. Ngiti lang ang tinugon niya sa dalawa hanggang sa tumunog na ang bell. Pumunta na sila sa kani-kanilang klase.
LUNCH BREAK. . .
Magkakasamang kumakain ang magbabarkada sa kainan malapit sa malaking puno ng narra na madalas nilang tinatambayan habang hinihintay ng bawat isa ang kanilang susunod na klase.
"Hay naku! Sayang talaga, Xzerinah, hindi mo napanood ang last minute shoot ni Homer. Ay! Grabe! Akalain mong na-shoot niya iyon! Napatili nga ako noon eh!" bida ni Lily.
"G-ganun ba?! Sayang nga hindi ko napanuod." Ani ni Xerinah saka siya tipid na ngumiti.
"Inspired si Bro. eh. Nandoon ang kanyang lucky charm." Tukso ni Rax sabay tingin kay Gienie.
Namula si Gienie sa tinuran ni Rax. Alam nito na ang dalaga ang tinutukoy. At hindi iyon nakaligtas kay Xzerinah. Maging ang pasimpleng pagkamot ni Homer sa batok nito at ang pamumula ng pisngi nito habang natatawa. Para namang isang dagok sa kanya ang mga nangyayari. Ngumiti na lang siya sa mga pangangantiyaw ng iba niyang kaibigan sa dalawa. Alam niya hindi abot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso sa dalawa na alam niyang nang mga mga oras na iyon ay tumitingin sa kanya.
"Kanino ba iyang black coat na dala mo?" usisa ni Mia.
Napansin ni Mia ang paperbag na kinalalagyan ng damit ni Raiden na siyang ipinangkumot sa kanya bago ito umalis kahapon.
"Ah, ito ba? Nakita ko ito sa Music room nung mapadaan ako kahapon. Ibibigay ko mamaya kay Mrs. Aguilar ito." Si Mrs. Aguilar ang Music Head ng university.
"Hmm..."kinuha ni Lily ang coat at sinipa't-sipat ito."Parang Nakita ko na itong coat na ito. Kahapon may nakita akong naka-suot ng ganito eh. Sino nga ba iyong—"
Mabilis na kinuha ni Xzerinah ang coat at inilagay ito sa paperbag. Sinimut niya agad ang natitirang pagkain at saka tumayo.
"Alis na ako.Baka hindi ko maabutan si Ma'am Aguilar." Ani ni Xzerinah."See you guys!" Nagmadaling lumabas ng classroom.
Naiwang nagtataka ang kaniyang mga kaibigan. Nagkatinginan naman sina Gienie at Homer. May pag-aalala sa mukha ng mga ito habang nakatunghay sa papaalis na dalaga.
HALLWAY. . .
Hindi na napigilan pa ni Xzerinah ang pagpatak ng kanyang luha. Akala niya ay kaya niyang humarap sa kanyang mga kaibigan na hindi apektado sa dalawang nagmamahalan. Ngunit di pala. Kaya't heto, habang naglalakad sa hallway ay panay ang pahid niya sa mga luhang nagmamalisbis sa kanyang mukha. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa lugar na iyon kaya't walang nakakakita ng kanyang pag-e-emote.
Huwag kang magpakaloka, Xzerinah! Nag-desisiyon ka na, diba? Ganun talaga! Tangapin mo nalang.
BINABASA MO ANG
A CRAZY TWIST OF LOVE
Romantizm"It's hard to move on when the person you love is your bestfriend. It's hard to make a grudge to the person your bestfriend's girl especially if she's also your bestfriend. This is a story about a girl who wants to be free from pain she suffers with...