CHAPTER 3: UNEXPECTED MEETING
Breath in....Breath out.....
Iyon ang ginawa ni Xzerinah bago dumaan sa entrance gate ng university. Habang naglalakad ay tahimik na nananalangin ang dalaga na sana’y hindi niya makita ang “Campus Player” na si Lyle sa araw na iyon. Alam niyang hindi biro ang nangyari apat na araw na ang nakakaraan kung saan halos mamalipit sa sakit si Lyle nang sipain niya ang binti nito. Nang maalala niya ang mga nangyari ay inusig naman siya ng konsensiya at pag-aalala sa kalagayan ngayon ng binata.
Kamusta na kaya ang mokong? Napilayan kaya iyon? Hindi naman siguro. Hay naku! Bakit ko ba iniisip ang mokong na iyon?! He deserve it. Akala mong bagyo sa lakas ng hangin sa katawan. Pagkamalan ba akong patay na patay sa kanya!
Madali ding nawala ang pag-aalala ni Xzerinah at napalitan iyon ng inis dahil sa mga sinabi sa kanya ng binata.
Nakayuko siya habang naglalakad sa hallway. Pilit itinatago ang mukha sa kanyang lagpas balikat na buhok. Sa kakaiwas niya na makita ng binatang pinagtataguan ay di niya napansin ang taong nasa kanyang harapan.
“Hey you!”
Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon. Parang slow motion na intinaas niya ang kanyang mukha upang tingnan ang taong nasa kanyang harapan. Tila nabunutan siya nang tinik sa lalamunan nang makilala niya ito.
“Ah! Ikaw pala!” alanganing ngumiti ang dalaga. “Raiden Ralvyre...”
Nakita na naman niya ang pagkunot ng noo ng binata at ang bahagyang pagsalubong ng mga makakapal na kilay nito.
“K-Kamusta ka na? Nagpatingin ka na ba sa doktor? Sa nangyari last time parang hindi ka---“
“If I were you, I’ll shut my mouth.” Madiin na wika ng binata.
Napatikom ang kanyang bibig nang makita ang seryosong mukha ni Raiden.
“Piliin mo na lang manahimik or you’re dead. Kung anuman ang nangyari sa music room mas mabuting kalimutan mo na lang. Get it?!” pagbabanta ng binata sabay tingin sa paligid.
Napalunok si Xzerinah sa tinuran ng binata.
“Okay!Okay! Sabi mo eh. Parang nagtatanong lang. Wala na kasing akong nabalitaan matapos na iwan mo na lang ako ng mag-isa sa room na iyon. Ni ha ni ho wala akong narinig. Ni tapik nga eh wala.” She said sarcastically while pouting her lips.
“I tried to wake you up pero para kang mantika kung matulog.” Raiden rolled his eyes. “ And I think you drooled that time.”
“Hindi ah!” mariing tanggi ni Xzerinah. Siya naman ang tumingin sa paligid upang malaman kung may nakarinig ng sinabi niya. Namula siya sa pagkapahiya. “Ganyan ka ba magsabi ng thank you sa taong tumulong sa’yo?! Ha! Pang-asar?!” madiin na wika ng dalaga. Kontrolado niya ang boses upang hindi makakuha ng atensiyon sa ibang mga taong nandoon.
BINABASA MO ANG
A CRAZY TWIST OF LOVE
Romantizm"It's hard to move on when the person you love is your bestfriend. It's hard to make a grudge to the person your bestfriend's girl especially if she's also your bestfriend. This is a story about a girl who wants to be free from pain she suffers with...