Day 4

412 20 7
                                    

Kryster's Note: Sorry guys kung medyo nahuhuli na yung update. Hehehe. Mejo busy lang. Enjoy na lang po sa chapter na to. Thank you (:

******************

*TOK ! TOK ! TOK !*

Nasa harap ako ngayon ng pinto ng unit ni Summer. Alam kong maaga pa para mambulabog pero excited na kong yayain siyang manood ng sine at makita siyang bagong gising. Hehehe.

Noong isang araw ko pa siya niyayang manood ng sine pero baka nalimutan niya kaya para sigurado, pinuntahan ko na siya sa unit niya. Sana nasa mood siya ngayon, minsan kasi bigla bigla na lang siyang namamatok, nanununtok at nananabunot. Haaays. Minsan inisip kong patulan at maghanap ng sweet na babae pero ewan ko, pinababalik balik ako ng sarili ko sa kanya. Haaaays.

"Oh ? Ang aga mo naman Eason." Nagsasalita siya at kinukusot kusot ang mata. Antok pa siguro. Hehehe. Nakita ko din siyang bagong gising.

"Aah. Hehe. Oo. Excited lang"napakamot lang ako sa ulo kasi nahihiya ako. Nahihiya kasi ginising ko pa siya dahil lang sa yayayain ko siyang manood ng sine. Haaays. Wrong move.

"Excited saan ? Inaantok pa ko. Pwede bang mamaya na lang ?" isasara nya na yung pinto pero pinigilan ko rin kaagad.

"Aaah. Teka ! Yayayain lang sana kita lumabas mamaya. Hmmm.. Manood ng sine. Hehehe." napakamot lang ulit ako ng ulo. Nagkibit balikat lang siya. -__-

"Osige sige. Mamaya na lang. Txt mo na lang ako kung anong oras, matutulog muna ako huh." sinara nya na ng tuluyan ang pinto at ako.......

"YEEEES ! WOHOOO !" nagtutumalon ako sa saya pero napatigil at napatulala ako. Binuksan ulit ni Summer ang pinto !

"Anong yes ? Anong wohoo ? Ang ingay mo !" sabay apak sa paa ko at sara ng pinto. Haaaays. Nahuli nya akong nagtutumalon. Nakakahiya. Ngayon lang ako naging ganito. Ginayuma ata ako nun kaya nagkaganito ako. -__-

 

*******************

Magtu2 o'clock na kaya itetxt ko na si Summer para makapaghanda na rin siya.

To: Summer

Maligo ka. Mamaya pupuntahan na lang kita jan..

6 Days Of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon