Day 1

560 16 3
                                    

One night, I decided to go to roof top para manigarilyo pero pagdating ko sa roof top may nakita akong babaeng nakaputi. Pagewang gewang at may hawak na bote ng alak.

Ooops... Anong balak nya ? Magpapakamatay ba siya kasi hindi na tama ung umakyat pa siya.. Gumigewang gewang na siya at parang sumasayaw na baliw. Kung magkamali siya ng apak tsak empyerno ang bagsak nya..

So I ask to her kung magpapakamatay ba siya o hindi.

"Hey Miss ! Wag kang tatalon ! Kung hindi naman, bumaba ka na lang jan. Ok ? Baka kasi mahulog ka pa, alam mo ba nasa roof top tayo ng 13 floor building ?" sabi ko habang subu subo ang sigarilyo ko at nakatingalang nakatingin sa kanya.

"Tigilan mo ko ! WALA KANG PAKE ! Pabayaan mo na lang ako !" Dinuro duro nya ako at nakita kong basang basa na un muka niya ng pawis at luha. Luha ?? E kaya naman pala may balak magpakamatay kasi me problema... Aaaah.. Naintindihan ko na.

Hinithit ko muna ulit ang sigarilyong nasa bibig ko at tinapon bago nagsalita ulit "Hala. Osigi. Di naman kita kilala e kaya tama ka wala akong pake sayo" mukang sineryoso nya yung sinabi ko kasi tumalikod lang siya. Syet kapag tumalon siya papatayin ako ng konsensya ko habang buhay kaya niyakap ko siya mula sa likod para mahila ko siya pababa sa kinatutungtungan nya.

*KABLAG !*

Nalaglag kami at nakapatong siya sa akin. Ung muka niya nakasubsob sa dibdib ko.. Nakikita kong humihikbi na siya nararamdaman kong basa na ung damit ko dahil umiiyak nga siya.

Umupo kami mula sa pagkakahiga. Sinandal ko un babae sa may pader para maayos ko na siya at para makausap ko na kung anong problema nya.

"Miss ? Are you ok ? Bakit ka umiiyak ? Bakit parang balak mo pang magsuicide o talagang lasing ka lang ?" tinapik tapik ko yung pisngi para magkaroon siya ng wisyo.

"Ako ? Ok lang ? Ay oo ! Ok lang ako ! Alam mo kasi nagkakaganito dahil sa lalaki lang ! Hahahaha ! Balak ko na nga sanang magpakamatay kanina lang pero pinigilan mo ko." hinahampas hampas nya ako habang nagsasalita siya. Ung pagsasalita nya e lasing na lasing ang dating. At teka, magpapakamatay siya dahil sa lalaki ? Grabe naman un. Ano kaya ginawa nung lalaking un para pagisipan ng babaeng to na magpakamatay ?

"Lalaki ? Bakit ? Anong ginawa nya ba sayo at napagisipan mong magpakamatay ?" paguusisa ko para na rin makapagusap na kami tungkol sa nangyayari sa kanya ngayon.

"Nakooow ! Hayup un. Hayup siya. Pinagkatuwaan nya lang ako. Niloko, sinaktan at higit sa lahat pinagpustahan lang. Kaya ako nagkaganito kasi mahal na mahal ko yun eh." umiiyak na siya habang nagkukwento sa problema niya. "Sabi nya kasi akin na mahal na mahal nya ako pero makalipas lang ng ilang araw may kasama na siyang iba at pinamuka nya sa akin na girl friend niya yung kasama nya, sinabi nya na rin sa akin na pinagpustahan lang ako ng mga kaibigan nya.." bigla na naman siyang humagulgol, takip ng dalawang kamay nya ang muka nya.

6 Days Of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon