Kryster's Note:
Nagtatanong ba kayo kung bakit "The Next Day" ang title ng chapter na to ? Hahaha ! Secret ! Pagtyagaan nyo na lang basahin to para malaman nyo ! (:
Sorry for the typo and wrong grammar.. Thank you~~
***********************
May malakas na ingay ng ambulansya ang gumising sa akin. Tinignan ko ang kaguluhan mula dito sa unit ko. Maraming tao sa baba, maraming chismoso at chismosa sa kalsada pero di ko na lang pinansin kasi may mahalaga akong lakad ngayong umaga.
Kahit masakit ang ulo ko at medyo maingay sa baba ituturing ko pa rin na good ang morning ko. First time ko atang magsisimba at isa pa sa dahilan ay makakasama ko na naman si Summer ng buong araw. Excited na akong makita siya ulit..
Nagumpisa na akong magayos ng sarili ko. Tapos na akong maligo at maligo ng pabango. Hahaha. Nagmamadali na ako magayos dahil nakakahiya kay Summer na paghintayin siya.
Palabas na ako ng kwarto at napansin ko ang kalendaryo ko. "Bakit April 23 pa rin to ? Araw araw ko namang nililipat 'tong calendar ko..." sa isip isip ko siguro di ko lang matandaan kung bakit di ko naayos ang kalendaryo ko at siguro dahil sa sobra kong excited na makita si Summer.
Inayos ko na lang at inilipat sa April 30. Lumabas na rin ako ng tuluyan sa kwarto ko at pumunta na muna sa cafe para magbreakfast bago puntahan si Summer sa unit nya.
Paglabas ko nandito pa rin ung mga tao nakikiusyoso kaya ako sa pagiging curious ko sinubukan ko na rin sumilip.. Ang pinagkakaguluhan ng mga tao ay wala na, pinasok na daw sa sasakyan. May nagpakamatay daw na babae kasi dito kaninang madaling araw.
******************
Nandito na ako sa cafe at nanonood ng TV.
"May I take your order Sr. ?" sabi sa akin nung waiter.
"Hot choco lang" sabay alis na rin ng waiter.
"Balita ngayong April 24.. Kaninang madaling araw ay may namataang babae sa taas ng isang building sa P. Burgos Ave. at sa mga nakakita roon umano'y nagtatangkang raw itong tumalon. Kaya ang mga otoridad ay agad na rumisponde sa nababalitang iyon. Mga ilang minuto rin ang tinagal ng operasyon ngunit ang babae ay tinuloy ang pagtalon at namatay.."
BINABASA MO ANG
6 Days Of Heaven
Mystery / ThrillerSi Eason na certified playboy. Kailan kaya siya tunay na maiinlove ? Pero paano na lang kung malaman niyang ang kaibigan niya ay isa sa ala ala ng taong mamahalin niya ? Matatanggap niya kaya ang lahat ?