Kryster's Noteskidodle:
Hi Guys~ Salamat po sa lahat ng readers ko. Salamat dahil naaappreciate nyo ung mga nagagawa ko. Hehehe. Andrama ko, ipapadala ko na sa MMK to. XD
Enjoy reading guys. It's highly appreciate. Thank you. Gomawo~~
****************
Nasa unit ako ni Summer ngayon. Dito lang nagpapalipas ng oras kasama siya. Dito nga rin ako naglunch. Hmmm.. Masarap pala siyang magluto ? Oo nga pala, hilig nya ang pagluluto kesa sa sports.
Bukod sa humilata lang ngayon sa sofa habang tinitignan siyang nagaayos ng kusina e nagiisip ako ng kung anong pwedeng puntahan o paglibangan.. Naisip ko na ang pagbobowling pero sports un e ayaw nya nga ng sports. Kung pipilitin ko wala naman sigurong masama. Heheheh. *Evil Laugh*
"Summer ! Tara. Alis tayo ?" tumayo na ako sa sofa at pinuntahan na siya sa kusina.
"Saan na naman pupunta ? Ang hilig mong magagala no ?" ang cute nyang tignan habang naghuhugas ng plato at nakasuot pa siya ng apron.. *n*
"aahm. Magbowling tayo ! Masaya un, lalo na ako ang kasama mo."
"Ano ka ba alam mo namang hindi ako mahilig sa sports e." tumigil siya sa paghuhugas at hinarap ako.
"Masaya un. Sige na. Itry mo lang. Please. Ngayon lang to." hinawakan ko na ang dalawang basang kamay niya at nagpaawa effect. #_#
"E ayoko. Nakakapagod un. Pwede naman manood na lang sa tv ng basketball o kaya volleyball."
"Kelangan naman nating itry ung mga hindi mo hilig. Malay mo masaya pala, sinasabihan mo kaagad na ayaw mo. Itry mo muna kasi." mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya at nagpaawa na talaga.
"Tsk. Osige na. Sa isang kundisyon pagkatapos nun kakain tayo at syempre ililibre mo ko.." Ok lang kahit may kundisyon at least pumayag siya ! ^_^
"Wohoooo ! Yeees !" Sa sobrang excitement ko nayakap ko siya ng wala sa oras. Naging awkward tuloy. Walang nagsasalita pagkaalis ng pagkakayakap ko sa kanya.
"Aahm. Summer, balik muna ako sa unit ko. Magpapalit na ako ng damit tapos alis na tayo. Ikaw rin huh.. ^_^" Nagwave lang siya at ako umalis na..
******************
BINABASA MO ANG
6 Days Of Heaven
Mystery / ThrillerSi Eason na certified playboy. Kailan kaya siya tunay na maiinlove ? Pero paano na lang kung malaman niyang ang kaibigan niya ay isa sa ala ala ng taong mamahalin niya ? Matatanggap niya kaya ang lahat ?