Grabe. Ang init dito sa classroom. Di ako makahinga. Hangin please? Lantang-lanta na ako.
Bakit naman kasi dito pa kami nagmeeting, eh pwede naman sa mas malaking room? Nagsisiksikan na nga dito. Haaay. Di ko maintindihan ang mga tao ano? Parang mga ewan. Kung hindi lang sana ako honor student, eh di ako mag-tututor ngayong summer!
Biglang nagsalita si Teacher Sarah.
"Grey, Siya ang magiging tutor mo this summer." - Teacher Sarah
Ngumuso naman sa akin si Teacher Sarah. Excited na akong makilala ang magiging student ko for this Summer Tutor Class. Bigla namang nagbulungan ang mga students sa harap ko pero di ko sila maintindihan kung bakit.
Sumilip na ako sa unahan kung sino yung magiging student ko. Ang alam ko, si Grey, sino kaya yun?
Nakita ko ang isang lalakeng naka-shades. Ang yabang naman pumorma ng lalakeng to. Ugh. Swagger!
"Jaaaadddde! Ang swerte mo naman! Siya ang magiging student mo!" - Andrea
Halos mamula na ang braso ko kakahampas ni Andrea. Ang sakit na ha? Ganon ba dapat talaga? May kasamang hampas?
"Ha? Eh sino ba siya?!" - Jade
"Eh, di ko din alam ang pangalan niya. Ay nako naman, Jade! Halos maging campus hearthrob yan. Ang gwapo niya kaya!" - Andrea
Weh? May ganon pa pala ngayon? Campus Hearthrob? Di uso saken yun. Ang uso saken ang matapos ang Summer Tutor Class na ito kasi gusto ko ng makapagsummer!
Lumapit na sa akin ang lalakeng di ko alam ang pangalan. Tinanggal niya ang shades niya at ..
at ..
at ..
INAKBAYAN AKOOOOOO!
Leche naman oh. Feeling close?! Ugh. Sarap sapakin ng lalakeng to ah! Ano akala niya saken? Pahanginan ng kili-kili niya?! Gaaaah!
"Teacher Sarah, siya po ba? Nice catch! Thank you Teacher!" - Grey
Si Teacher Sarah naman parang walang narinig at patuloy lang sa pag-aarangge ng mga papel sa ibabaw ng mesa.
"Hahahahahahahahaha! Next on the list Grey!"
Yun ang narinig ko sa kasama niyang lalake. Anong next, next on the list?! Apakan ko yang paa niya eh. Ano akala niya saken? Order? Na next please?! Leche.
Pulang-pula na ako kasi nagtitinginan na ang mga students sa paligid ko. Sino ba kasing bakulaw na 'to at kala mo, close kami kaagad. Di na akonakapagpigil at at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Hinarap ko siya.
"Ano ka ba?! Ba't ka nang-aakbay?! Manyak ka ba?!" - Jade
Ngumiti lang siya sakin at nagsalita ..
"Teacher Sarah? Sabi niya, ayaw niya na daw akong i-tutor. Ako nalang daw po mag-tuturo sa kanya cus she'd got no manners!" - Grey
"Manners mo mukha mo, Swagger!" - Jade
Tiningnan ako ng mga students. Ugh. Nakakahiya na talaga! Kung nagpasabog man ng kamalasan ngayong araw, ako na, ako na naka-catch lahat! Hiyang-hiya na ko, leche ka! Kung sino ka mang lalake ka!
"Is that true, Jade? Tama na yan Grey. Kayo talagang mga bata, oo. Eh, kahit ayaw niyo ang isa't isa, wala na kayong magagawa. Fixed na ang mga names niyo dito... Okay, Class. At the end of this Summer Class Tutor, magkakaroon ng test ang mga failing students to measure how far you've taught them, Student Teachers. Kaya work as a team." - Teachers Sarah