MISS DJ

75 3 1
                                        

Hi! Iya of UP, 19 years old. Biology Student. Nevermind kung anong branch ng UP, basta sa UP ako nag-aaral. 2nd year college na ako. Pero dapat 3rd year na ako. Ang hirap lang sa UP eh. Ikaw kaya mag-aral dito. Ngarag lang. 

Lovelife? Okay lang. Kakabreak ko lang sa 3-year boyfriend ko. Di ko alam kung anong nangyari, but it's okay. We both decided naman kung anong maganda para samen. Okay na to kesa sa nagkakasakitan pa kami sa relationship namin diba. And hey, I'm okay. Nasa malayo na siya ngayon. All I know is that, friends kami sa Facebook. 

Nasa classroom ako ngayon. Di ko alam bakit ba ako nakapasa ng UP. Ang hirap talaga ng mga lessons dito. Sa pinakadulo ako palaging nakaupo, ayokong sa harap. Di naman ako feeler para umupo dun. Hahahaha Para din, di ako makita ng professor namin. Plus, yang professor namin, may pagka-pervert. 

Habang nag-didiscuss ang teacher namin ay nagtetext lang ako. Duh. UP, Freedom. Hahahaha Hanggang sa magkaroon ng quiz. Sigurado ako hindi quiz to eh, test na to tapos mamaya i-aannounce na yun na ang midterm exams namin. 

Nagsimula na ang exams. Bahala na kung di tama ang mga sagot ko. Atleast, alam ko kung pano yung solution. Pagkatapos kung mag-answer ay binigay ko yung paper ko sa katabi ko para siya nalang yung magpasa ng paper ko.

"Arce, ikaw nalang magpasa nito ah. Inaantok ako eh." - Iya 

Paano kasi ang babagal nilang mag-answer. Ipasa niyo na yan kung wala kayong mga answer. Naturingan pa naman kayong mga taga-UP. Ba't di kayo tumulad saken, answer ng answer kahit di sigurado. 

Napailing nalang si Arce at ngumiti. Di ko siya kilala, basta ang alam ko siya ang seatmate ko sa subject na to. Fine. Antok na ako kakastudy para sa subject ko mamaya. Matutulog lang muna ako.

Ilang oras ang lumipas at nagising nalang ako na may nagdidiscuss sa harap. Ugh. Grabe naman to. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Ayan, 11:30 na! Supposedly, by 10 AM tapos na ang class namin. Itinaas ko na ang ulo ko. 

HUH? 

WHAT THE F?

UGH. 

Tiningnan ko ang katabi ko. Si Arce? Saan si Arce? Ba't babae tong katabi ko? OMY. Nagseat in ako sa next class? Walang may gumising saken? OHMEN. Nakakahiya. Nagpalingon-lingon ako at tinaong ko ang babae sa tabi ko. 

"Miss. Uh, anong class niyo?" - Iya

"Film." 

Ngumiti lang ako sa kanya. Shit. So mga Communication Arts students sila? Naupo na ako ng maayos  at nakinig na lamang sa dinidiscuss ng professor sa harap. Sana naman, di nito mapansin na hindi ako Communication Student. Please lang. Napatingin ako sa baba ng upuan ko, sa bandang kaliwa ko. 

HUH. 

"Anong ginagawa mo jan?" - Iya 

"Ikaw? Anong ginagawa mo sa upuan ko?" 

"Sayo to? Oh, I'm sorry. Nakatulog lang eh." - Iya

"Huh. Naturingan ka pang taga-UP. Tsk." 

"Yeah. So? Anong paki mo? UP nga eh. Freedom!" - Iya 

"Unless, wala kang napeperwisyong tao." 

Di ko nas iya sinagot. Fine. Talo ako. Ikaw na Communication Arts! Pagkatapos ng klase nila, wait.. emphasize NILA. Klase nila ay tumayo na ako at lumabas ng classroom. Shet! Late na ako sa duty ko!  Tumakbo na ako palabas. 

"Hey, Miss." 

Lumingon na ako at nakita ko yung lalakeng kausap ko kanina sa classroom. Alam niyo ang gwapo niya. Hahaha New crush! :D Lol. Tiningnan ko siya na kunwari naiirita ako sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon