CHAPTER 7

1.5K 39 0
                                    

<Sky’s POV>

11:00pm

Kanina pa ako iyak ng iyak. Pagkarating ko sa drom, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at inungud-ngod ang sarili sa kama. Ano bang nagawa ko para GAG*hin niya ako ng ganon? Dahil ba hindi niya ako pwedeng HAWAKAN at HALIKAN? Hindi katulad nung MALANDING babae na kasama niya na PAKAWALA!? Eh BAKLA pala siya eh!!! Yun lang ang habol niya saken?! Minahal ko naman siya ahhh... kulang pa ba yon? Ang TANGA-TANGA ko.......!!! nagpakabait naman ako ahhhhh do I deserve this??! Tapos eto namang errr.... ROOMMATE ko...! iyak ako ng iyak dito T_T samantalang siya... wala lang! Ni hindi man lang marunong mag comfort. Di man nga din ako tinawag noong mag di-dinner na pala... anong klaseng NILALANG ba to? Kanina pa siya may pinanonood na ewan ko ba kung ano sa portable niya!

“alis muna ako” narinig kong sabi niya tapos narinig kong bumukas at sumara yung pinto...

Teka! Saan naman kaya pupunta yon? Magha-hating gabi na... napatayo ako at lumabas ng room para habulin siya... naabutan ko siyang pababasa hagdan...

“N-Nicky! Wait!” sigaw ko, lumingon naman siya. Nakapatay na yung ilaw kaya madilim...

“ssshhh! Wag ka ngang maingay! Natutulog na sila nohhh respeto naman... ano bang kelangan mo? Ba’t mo pa ko hinabol? May ipabibili ka ba?” halos bumulong na siya

“saan ka pupunta?” tanong ko

“pake mo ba!? Bibili lang naman ako diyan sa may kanto”

“may bukas pa bang tindahan niyan?”

“yep. 7eleven”

“ahhh... sama ko” sabi ko tapos kumapit na ako sa braso niya

“huh!? Ahhh ikaw bahala”

_ _ _ _ _ _

-7eleven-

“ano bang bibilhin mo?” tanong ko. Ansaket ng mata ko...

“beer”

“BEER!?!?” gulat na sabi ko “anong gagawin mo sa beer?!”

“wag ka ngang OA!!! Hindi ako makatulog kakangalngal mo eh! Akala mo ba hindi ka maingay! Nakakabulahaw ka kaya! T-teka... umiinom ka ba?” tanong niya. Tinapunan ko lang sa ng... SATINGINMO-UMIINOMAKO-look.

“ikaw bahala....” sabi niya tapos kumuha na siya ng beer. Hindi naman siguro masamang uminom kahit konti lang di ba?

“kung iinom ba ako niyan, ILILIBRE mo ako?” tanong ko sa kanya na may halong pagpapa CUTE

“...depende kung First Time mo...” sabi niya

“edi ililibre mo nga ako....?”

“bakit? Umiinom ka ba?” tanong niya

“hindi naman masama kung susubukan di ba?” seryosong sabi ko

“sigurado ka? Pero may pasok bukas...”

“bakit mamamatay ba ako diyan?”

“hindi pero dahil first time mo... baka mamatay ka sa sakit ng ulo paggising mo...”

“huh!? Eh masakit na nga ulo ko ngayon ehh!”

“ikaw bahala” sagot lang niya tapos dinagdagan pa niya yung mga kinuha niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit andami niya pang tanong ehhh pero ayos din pala siya... marunong manlibre!! Sabi nila... nakakaALIS daw ng sakit sa dibdib yung beer eh! Siguro... may dahilan naman ako ngayon para subukan di ba...? ano kayang lasa....??? parang bigla akong na-excite ahh....

Do you LOVE me? (like the way I love you)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon