CHAPTER 36

789 24 3
                                    

<Sky’s POV>

7:00 na ng umago noong makarating kami sa Pampanga. Huminto kami sa harap ng isang malaking lote na puro puno at may bahay sa gitna...

“Hacienda de Mendoza”

Napukaw nito ang paningin ko...nakasabit iyon sa taas ng malaking gate na kaharap namin. “WOW” nasabi ko na lang “ito na ba yung bahay ng Tito mo Jessa?” tanong ko “eh hindi naman pala bahay....HACIENDA pala...” sabi ni Chris. Nginitian lang kami ni Jessa tsaka sumenyas na na bumaba na kami ng sasakyan.

May bahay akong natatanaw dun sa gitna ng hacienda. Maganda yon pero medyo nakakatakot...makalumang bahay na kasi, bahay na bato nga ata ang tawag dun eh. Tapos kahawig pa nung mga bahay sa Vigan. Binuksan ni Jessa yung gate tsaka kami pumasok sa loob.

“Ang ganda.....” sabi ni Nicky. Tumalon naman si Kiwi mula sa kamay ko tsaka nagtatakbo kaya hinabol ko siya. “Kiwi...!!! wag kang takbo ng takbo....!” sigaw ko sa kanya hanggang sa mahuli ko siya at hinigpitan ko na yung hawak ko sa kanya tsaka ako bumalik kila Nicky na natatawa lang sakin.

Nasa tapat na kami ng bahay nang may biglang lumabas sa pinto nito. Pati pinto ang gara din! J

“sino kayo?” tanong ng matanda na lumabas...

Agad na nagmano si Jessa dun sa matanda tsaka nagmano na din kami...

“Ingkong...! ako po si Jessa...naaalala niyo pa po ba ako...?” tanong ni Jessa pero lalo lang kumunot yung noo nung matanda...halatang naguguluhan. “ako po yung may kakambal na pumuntang Australia...yung mahilig umakyat sa puno tapos hindi marunong bumaba...” sabi ni Jessa kaya bigla kaming natawa. Sinamaan lang niya kami ng tingin tsaka ngumiti ulit doon sa matanda. Nginitian naman siya nung matanda...at hinimas sa ulo. Natandaan na siguro siya nung matanda. “PAMANGKIN!!!!” may biglang nagsalita sa likod nung matanda na medyo kahawig ni Jessa tsaka nakangiting lumapit sa amin...

Do you LOVE me? (like the way I love you)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon