CHAPTER 9

1.5K 32 0
                                    

<Sky’s POV>

Pagkagisng ko, wala na si Nicky sa tabi ko. Hinawakan ko yung noo ko... wala na akong lagnat pero mainit-init parin tsaka nanghihina pa ako... SINAT na lang siguro tohh -___- konting tulog na lang...  sinubukan kong tumayo kahit medyo hilo.. noong nasa tapat na ako ng pintuan ay siya namang napadaan si Ara.

“oh Sky, kamusta ka na? Ok ka na ba?” tanong niya na inalalayan pa ako.

“ahm m-medyo...” pinilit kong ngumiti

“oonga pala... hindi ka na namin inistorbo kagabi kasi noong kumatok kami eh wala namang sumasagot kaya naisip namin na baka tulog ka na... pasensiya na ahh”

“wala yon... oo maaga nga akong nakatulog, asan nga pala si Nicky?” tanong ko

“ahhh... may sumundo kasi sa kanya kanina... mag d-date siguro sila hahaha nakakatawa nga eh! Parang dalawang Adonis na nagd-date... wahaha nai-imagi------ SKY!!!” bago pa niya natapos yung sasabihin niya ay nakaramdam na ako ulet ng panghihina kaya natumba ako at napaupo sa sahig.

“S-Sky okay ka lang? Anong nangyayari sayo? Nahihilo ka ba?” hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Parang nagb-blanko yung utak ko... parang ayaw gumana...+____+ tinulungan niya akong tumayo at inupo sa kama.

“Naku...! nanghihina ka pa... teka ahmmm antayin mo na lang ako dito tapos dadalhin ko na lang yung almusal mo...” sabi niya saka siya lumabas ng kwarto.

Sa totoo lang...

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito simula noong malasing ako kasama si Nicky, parang nag-iba na yung pakiramdam ko. Parang ‘HERO’ na ang tingin ko sa kanya... sa totoo lang... WALA akong matandaan sa kung ano pang nangyari noong pagkatapos nung ibang nangyari... at kung pano natapos yung gabing yun, sabi lang niya ... nalasing daw ako ng sobra at nakatulog... pero... siguro hanggang dun na lang talaga yun... wala na talaga akong maalala ehh... ni hindi ko nga alam kung pano ako nakarating sa kwarto =___= sanay na rin naman ako sa kasungitan ni Nicky at narealize ko din na... guma-GWAPO siya lalo pag nagsusungit!!! Twing tinitignan ko nga siya... hindi ko talaga mai-magine na babae siya.. parang lalaki siya ehhh pero hindi naman daw siya tomboy!!!? Hayy ano ba yan! Tama na nga! *_* pero na TOUCH parin talaga ako sa kanya kagabi... noong alagaan at ipagluto niya ako... never kong inexpect na ang isang MASUNGIT at  mala-HALIMAW na Nicky na yon ay magiging sobrang maalaga.... para siyang naging ANGHEL...!!! kung lalaki lang siguro siya....... baka bumigay na ako! Ay chos!! LANDI lang.... ang SWERTE siguro ng MAMAHALIN niya pero bilib din naman ako sa kanya... akalain niyo..? kahit madalas siya sa beer house twing gabi.... nagagawa niya paring pumasok sa school... yun nga lang tulog siya sa ilang mga subjects! =___= bakit ba kasi siya umiinom??? Ayaw naman niyang sabihin saken.... hayyy.... san kaya siya nagpunta? Nakipagdate nga kaya talaga siya? Pfffff....

♪Just gonna stand there

and watch me burn

But that’s alright because

I like the way it hurts

Just gonna stand there

and hear me cry

But that’s alright because

I love the way you lie...

I love the way you lie..♪

Nasira yung pagmumuni-muni ko noong tumunog yung phone ko... may tumatawag... si Nicky!!

(o^w^o)

“h-hello?” napangiti ako...

“ahm Hello...?” parang hindi niya alam yung sasabihin

“oh Nicky... napatawag ka?”

Do you LOVE me? (like the way I love you)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon