#40: With him

696 42 28
                                    

     _rn; sinong tapos na sa exams? okay lang ba scores niyo? katatapos lang sa amin tapos okay naman ang labas. intrams din namin last month halos di na ako makabangon at makagalaw the day after hahaha.

Yoona's POV

"Yoonana may dala kaming cake, pumasok na tayo kasi kanina pa naghihintay ang apink sa loob." hinawakan ni Bambam ang kamay ko at hinali ako papasok sa loob ng cafe. Naabutan ko ang apink at got7 na parehong nakasuot ng party hats. Anong meron?

Tsaka ang weird kasi naka-white sila.

"Hoi bakit ang tagal mo? May date pa naman kami ni Taemin mamaya" maktol ni Naeun.

Umupo ako sa pinakagitna na upuan. Lahat sila nakangiti sa akin.

"Anong meron? Bakit naka-white kayong lahat? Para namang may namatay hahahaha" biro ko.

Pero sumeryoso ang mukha nila.

"Yoona hindi mo kasalanan ang lahat." biglang may nagsalita mula sa likod ko. Si Boa unnie. Akala ko nasa trabaho siya?

"Yoona don't be guilty. Choice namin ang protektahan ka." sabi ni Hoshi. Sa likod niya ay ang Seventeen na nakawhite din.

"Hoi ang weird niyo ah!"

"Yoona, alagaan mo ng mabuti si Yoodi." sabi bigla ni Jonghyun na kasama ang cnblue.

Anong meron? Bakit kami nandito?

"Limutin mo na kami Yoona." kasabay ng pagsabi ni Yugyeom nun ay sabay na naglaho ang got7.

"Uy got7?! Saan kayo pupunta?!" naluluha kong tawag pero wala na sila.

Pinahid ni Eunji ang luha sa mga mata ko, "We're sorry Yoona. Sana napatawad mo na kami."

"Ano bang pinagsasabi niyo?!" umiiyak kong tanong.

Pero walang sumagot na Apink sa akin kasi tulad ng got7 ay naglaho din sila.

"Saan sila pumunta?" tanong ko sa Seventeen.

"Pakawalan mo na kami noona." sabi ni Joshua.

Bago pa man sila maglaho ay hinawakan ko ang laylayan sa damit ni Wonwoo na siyang pianakamalapit sa akin. Pailing-iling ako sabay sumenyas na wag pero kinuha ni Jun ang kamay ko sa pagkakapit kay Wonwoo at tuluyang naglaho sila.

"Enjoy life Yoona." sabi ni Minhyuk.

"Uy, di naman kayo aalis diba?"

Pilit na ngumiti si Yonghwa and in a snap, si Boa unnie nalang ang natira.

"Unnie, kapatid kita kaya di mo naman ako iiwan diba? Hindi naman diba?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Bumulong siya sa tenga ko, "Mahal na mahal ko ang kapatid ko despite sa hatred na naramdaman ko noon. Alagaan mong mabuti si Yoodi at Yoojin. Masaya ako at nagkasama kayong tatlo, sa wakas."

Yumakap ako ng mahigpit sakanya, mahirap na at baka pati siya mawala din.

"Kalimutan mo na ang nakaraan Yoona. Let go of yourself from whatever that keeps you from moving on."

And I suddenly felt alone.

"UNNIE! UNNIE WAG MO AKONG IWAN!"

Napaluhod ako at doon na napahagulhol. Pilit kong tinatawag ang mga pangalan nila pero wala na talaga sila. Hindi na sila bumalik pa.

"UNNIE! SEVENTEEN! APINK! GOT7! HUHUHU BUMALIK KAYO! WAG NIYO AKONG IWAN!"

















The Prankster's Comeback Where stories live. Discover now