Pagbalik namin sa room from audi, nakita ko si Camille nakaupo na.
“Hoy, Banaag!” sigaw ko sakanya.
“Bautista! Hahahahaha,” ay grabe, nang iwan na nga tumawa pa.
“Anong tinatawa mo? Mang iiwan! Ugh,” binato ko sakanya yung pouch ko. Wala naman dun yung phone ko so keri lang.
Tawa pa din siya ng tawa. Tas napatahimik siya nung may nakita siya sa likod ko. Pag lingon ko, si Brent. Nagkatinginan lang kami tapos pumunta na siya sa upuan niya. Weirdo talaga nun. Wala naman akong ginagawa sakanya eh.
“Problema nun,” pabulong kong sinabi sa sarili ko.
“Kends. Sorry, hinatak kasi ako nitong si Michelle eh. “ tinuro nya si Mich.
“Di, okay lang.” umupo na ako sa upuan ko. Tas nagkukulitan padin sila Cams and Mich.
Inaayos ko yung gamit ko habang naghihintay ng teacher pero may lumapit sakin tapos nag ehem.
“Kendra.”
“Oh?” hindi ko parin siya nililingon, nag aayos padin ako ng gamit ko.
“Uhh, sorry sa kanina”
“Bakit ka nag sosorry?” tumingin na ako sa kanya.
“E kasi.. ,” he hesitated for a moment tapos, “wala, sige.” tas bumalik na siya ulit sa upuan niya.
Hala ka, siya na pinaka weirdong nakilala ko.
Pumasok si T. Paul tapos sabi niya isipin na daw namin kung anong course yung gusto naming kunin. Umupo na siya sa upuan niya tapos nag ingay na naman mga classmates ko.
Dumating na yung next teacher namin. Another boring class. Hayahayy..
-------------------------
Tuesday
*ding* *dong* (sound system yan, wag ka haha)
“Calling the attention of all seniors from yellow group, please procede to the covered court right now. Thank you.”
Nagsialisan na yung mga classmates kong from yellow group. Pero etong si Camille napansin kong hindi mapakali.
“Uy, bakit?” tanong ko sakanya ng pabulong since may teacher sa harap.
“Ha?” sabi niya.
Kumuha ako ng intermediate paper tapos dun ako nagsulat.
Me: Bakit hindi ka mapakali? /:)
Cams: Wala, bakit?
Me: Wee? Bakit nga?
Cams: E kasi yung crush ko asa yellow group tapos dumaan siya kanina. Gusto ko sanang magkunwari na yellow ako. Hahaha.
Me: Hahaha, seryoso ba?
Cams: Oo =)))
Me: Well, too late, mapapansin na nila na di ka yellow since nakaalis na sila.
Cams: Hayyy. :( okay, sana break na. Gutom na ako.
Me: Oo nga eh, gutom na din ako. Teka, asan ka ba kahapon? Bakit mo ako iniwan?
Cams: Hahaha, sorry, nag CR lang ako nun kaso pagbalik ko wala ka na. IKAW YUNG NANG IWAN.
Me: Asa ka te. Sana kasi nagsasabi ka diba.
Cams: Whatever, mukha ka namang nag enjoy :”)
Me: Tss. Kwento ko nalang sayo maya. Wala na akong naintindihan sa teacher natin. Math pa naman ‘to, patay na. Hahaha.