Chapter 1 : Section

21 1 0
                                    

Hayy, senior year ko na next school year! Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o ano eh. Pero ako kasi yung tipo na natatakot kapag walang kilala sa isang lugar, takot ako kapag wala akong friends na kasama. Takot akong mag-isa in short. 

Kendra Bautista, well that's me. May kuya ako, si Michael, pero college na siya. Close kami minsan pero mas madalas kaming mag-away. Haha. 4 years lang gap namin. Both of my parents are working, sa hirap ba naman ng buhay ngayon db.

Anyway, mama said na pwede na akong mamili ng school supplies. Syempre kapag highschool, may list kayo ng supplies na kailangan nyong bilhin like:

1 box of chalk (chos, pero parang meron talagang ganyan)

4 cartolina (blue, red, yellow, green)

2 pentel pen (blue and black)

12 spring notebooks

etc, etc.

So pumunta na ako sa national. Hanap dito, hanap doon. Lakad dito, lakad doon. Binigyan naman ako ng cash ni mama so no worries tapos may laking national pa ako. Hahaha. 

I like designing my things, trip ko din magbalot ng books and notebooks pero syempre hindi ko pa pwede balutin yung notebooks ko kasi may colors yan per subject, e hindi ko pa sure kung ano gusto ng magiging teacher ko. So, later na yang notebooks na yan.

I decided to text my best friend, Elaine.

Me: Len! Tingin tayo sections today?

Len: Uy, Ken, sorry. Aalis kasi kami ni Seah eh. Monthsary, you know. :( sorry, bawi ako! :*

Me: Ugh. Okay. Enjoy. Happy monthsary!

So, boyfriend first before best friend? That's so unfair! 

I decided na pumunta nalang sa school para i-check yung mga sections mag-isa (hate you bff) plus mag a-apply din kasi ako as a student government associate, yung parang julalay ba. Well, since complete na yung school supplies ko, yung section naang talaga hinihintay ko. Jusko, sobrang kabado na kabado ako. Ayoko talaga na mapunta sa magulong section. Average girl lang ako, pero syempre ayoko naman na matawag yung section ko na notorious. 

***

Ayan na, lumabas na din sa wakas ang sections. Grabe, daming tao! But before ko i-check yung sections, pumunta muna ako sa Student Government Office para magpasa ng resume. Since ida-drop lang naman yun sa box sa office nila, pumunta na ako sa court.

"Hi, Kends!" bati sakin ng kabarkada ko.

"Uy, Camille! Nakita mo na ba kung anong section mo?" since nakapost lang yung list sa maraming bulletin boards sa coverd court namin, paikot ikot talaga yung mga tao na hanapin yung name nila. 

"Ahh, oo! Teka, parang classmate kita ngayon! OMG!" bigla nya akong niyakap. Wow, haha. 

"TALAGA?" napasigaw ako. Agaw eksena lang. Haha. Pero seryoso, at least may kakilala na ako at infairness, friend ko pa siya. 

"Oo. Tignan mo dito oh." hinatak nya ako sa bulletin board kung saan yung section niya. 

*scroll* isang scroll lang since B naman yung surname ko. And tada! Andun nga ako.

Bautista, Kendra Nicole M. 

Iniscroll ko ndin yung names ng iba ko pang magiging classmate. May mga familiar names pero usually hindi ko sila friends, acquintance lang. Pwede na Ms. Congeniality lola nyo! Bam! 

"Aray!" may nakaapak sa paa ko. Ugh.

"Uy, sorry." 

Napatingin ako sa right ko, and wow, may chinese guy sa tabi ko. Chinito guys are my kryptonite. Chos, medj OA pero totoo. Haha. Type ko talaga mga chinese or chinito. 

Kahit na ba chinito kang lalake ka, nakasakit ka padin nu. "Next time, tignan mo yung aapakan mo." hindi naman sa pagmamataray pero kasi badtrip talaga. Bago yung shoes ko noh! 

"Okay, sorry." aba'y may pagka suplado din pala to. 

"Okay" sabi ko sakanya. 

"Ikaw naman Kendra, nag sorry na nga eh. Uy, hello Brent!" sabi ni Cams and kilala niya tong lalaki na to?

"Hi, Camille. Hindi, okay lang, ako naman may kasalanan eh. Uhm, sige, hanapin ko pa sila Carl eh." sabi ni chinito guy. Nag smile siya kay Camille tas umalis na. 

"Eto talagang Bautista na 'to, napaka taray." siniko ako ni Cams. 

"E, paano ba naman Banaag, bago yung shoes ko nu, atska ang luwag ng-"

"Daanan? Siguro ka ba?" sabi ni Cams na nakataas yung isang kilay. 

Okay fine, hindi naman talaga maluwag since madami ngang tao. 

"Ugh. Oo na. Whatever. Anyway, may lakad ka ba today?" tanong ko sakanya habang papalakad na kami palabas ng school. 

"Wala naman. Mall tayo?" 

"Sige, tara! Text mo nadin sila Michelle, baka pwede tayo magkita kita sa mall." 

A Broken Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon