(A/N : Hi guys, sorry kung medj maiikli yung chapters! :( konti konti kong dadagdagan nalang yung mga upcoming chapters, promise :) Plus comments are highly appreciated! Hehe, thank you!)
2 months na since first day. Bilis ng panahon. Bale, August na. Since June pasukan diba. Hahaha.
Recess na sana nung biglang..
*ding* *dong* (haha mukhang pang doorbell pero yan yung sa pang announcement sa sound system :)) "Calling the attention of all the seniors, please procede to the Auditorium right now. Please remember your groupings posted in your respective bulletin boards. Thank you." Hala ka, kakain palang kami eh, ano 'to hunger games? Hindi pa naman din ako nag breakfast since wala akong time palagi tuwing umaga.
Nagkagulo na yung mga classmates ko. Ewan ko kung bakit petix padin ako. Hahaha.
Nawala na bigla si Camille. Aba nang-iwan. Sino kaya kasabay nun? Ugh.
Kinukuha ko yung pouch ko sa bag since andun yung phone ko tska yung pera ko. May bumulong sa tenga ko. "Dba red ka din?" paglingon ko, si Brent. Bigla biglang sumisipot.
"Di ko pa sure eh, di ko pa kasi nakikita. Paano mo nalaman?" kinakausap ko siya habang naglalakad ako papunta dun sa bulletin board. Pag tingin ko sa name ko, aba, red nga.
Yung groupings hindi ko alam kung paano nila ginawa pero sa tapat ng surname mo, merong color. Like red, blue, yellow, green.
"Paano mo nalaman?" hindi pdin niya kasi sinasagot yung tanong ko.
"Wala, nakita ko lang" hmm, okay?
"Ah, okay."
"Tara, sabay na tayo. Mukhang iniwan ka na ni Camille eh." oops, medj kinilig ako, haha, chinito eh :">
"Okay, sige. Tara" naglakad na kami papunta sa audi.
Sa baba lang naman namin yung audi, so mabilis lang. Shoot, nagtinginan yung mga tao samin. Bakit? :( ano naman kung isa sa mga DB yung kasama ko? Ugh, bobo, syempre iisipin nila na nililigawan ako since sa grupo nila, 3 na nanligaw sakin and naka fling ko sila, landi ba, sorry na. Hahaha, hindi naman sa pagmamayabang pero totoo naman kasi. Kahit na medj di naman ako maganda tska hindi ako yung tulad ng iba na sobrang sexy, hindi naman flat yung stomach ko, ewan ko ba.
"Uh, sige dun ka na kasama yung mga friends mo na red din." sabi ko since nakakahiya naman. Naghahanap ako ng friends ko na red din, kaso wala ng vacant sit sa tabi nila. Bitches, hindi man lang ako sinave-an ng upuan. Pero malay ba nila na red din ako.
Hinawakan ni Brent yung baba niya, "Hmm, mukhang wala ka ng vacant sit katabi ng mga friends mo ah, dito ka nalang, tabi na tayo. Wala nadin naman akong pwesto katabi dun sa mga panget na yun."
Nagdalawang isip ko, shit, issue to. Pero hayaan mo na nga, classmate ko naman siya eh.
"Sige" choosy pa ba ako, buti nga di ako uupo na mag isa eh.
Sa may bandang gitna kami umupo since andun yung red na group tas may 2 sit na vacant sa dulo so dun kami umupo. Ako muna pinaupo niya tas siya naman. Napasin ko lang na palagi siyang may dalang panyo, parang ako lang, I can't leave the house without my hanky. Mababaliw ako pag wala.
Anyway, ayan na, may emcee na, sabi ko na nga ba from guidance sila eh. Career Orientation daw. Oh, well. May mga representatives daw from other school na dadating this week. Pwede ka na mag fill-up ng application form. Tas per group daw yung pag punta sa court since dun gagawin yung 'fair'.
"Uy, Kendra." tinapik ako ni Brent.
"Hmm?" sagot ko since yung ini-introduce na na university ng speaker eh yung gusto kong university.