Chapter 5 : Career Week (Thursday and Friday)

7 1 0
                                    

Thursday

Ayun, nakapag submit na ako ng forms sa dalawang university na pumunta sa fair. Ayoko kasing mag entrance exam dahil lang sa experience. Sayang din yung P500 na exam fee, nu! Hahaha. 

Anyway, nakasalubong ka pala yung babae na nakausap ko sa restroom. Nakatingin siya ng masama sakin nung tinignan ko siya tapos biglang may nginitian at kinawayan dun sa likod ko tas biglang umalis. Pagkaalis niya, nung papatingin na ako sa likod ko, may biglang nagtakip ng mga mata ko. 

"Oy, ano ba 'yan! Bata ka ba? Sino ba 'to?" medj sigaw ko. 

Tapos nag fake cough yung kung sino man 'tong nagtatakip ng eyes ko. Nagpipigil 'to ng tawa. Ugh.

"Ge, bahala ka jan" sabi ko. Tas nag cross arms ako. Siyempre hindi ko nalang huhulaan kung sino siya para if ever, tatanggalin nalang niya yung kamay niya. 

Pero HINDI. ASDFGHJKL. Bakeeeet?! 

Mga 1 min na siguro kaming nakatayo lang dun. Hala ka, baka time na pala! Baka kailangan na naming bumalik sa room!

"Oy, anong oras na? Baka kailangan ko na bumalik sa room!" sabi ko. 

"Uhm, sino ba kasi talaga to?" tanong ko. Hahaha, bakit kasi di ko hulaan? Bogerts din eh nu. 

"Sabay tayo ng lunch" sabi niya, tas nawala na yung kamay sa mga mata ko. 

Pagtingin ko..

Wala si Brent sa likod ko. Pero alam kong siya yun, boses na boses nya eh. Hayy, makabalik na nga sa room.. 

Pag balik ko sa room, hinanap ko agad si Brent. 

"Cams, si Brent?" 

"Ha? Ewan ko. Pero hinanap kadin niya sakin kanina. Bakit? Anong nangyayari? tanong niya. 

"Wala naman. CR tayo." aya ko sakanya. 

"G" tas tumayo na siya. Pagdating namin sa CR, nandun na naman yung babaeng ewan. Ugh. Bakit ba kasi di ko siya kilala?! -__-

"Hi, Camille" sabi nung babae. 

"Hi, Chloe" sagot ni Cams. 

Chloe? Narinig ko na yan somewhere eh. Ugh, sino ka ba kasi?!

"Hoy, Kends, ano na? Bakit nakakunot nuo mo? Mag CR ka na" sabi ni Cams. 

"Uhm, wala, sge, wait lang ah." tapos pumasok na ako sa isang cubicle. 

Pag labas ko ng cubicle, wala na si "Chloe".

Lumapit ako agad kay Cams, "Sino si Chloe?" tanong ko sakanya.

"Leader ng isang group sa batch natin, hindi mo ba siya kilala?!"

"Magtatanong ba ako kung kilala ko!"

"Okay, fine, sorry. Bakit pala?"

"Uhm" pinagisipan ko kung dapat ko bang sabihin kay Cams.

"Labas tayo, wag dito" I suggested.

"Okayyyyy. Arte. Haha" sabi ni Cams.

"Baka kasi may makarinig, baliw ka ba" sabi ko saknya.

"Well, anyway", I started nung naglalakad na kami pabalik ng room, "nakita ko kasi siya sa CR din before, tapos may sinabi siya na-" singit naman agad si Cams, "ano? ano? anong sinabi?"

"E kung pinapatapos mo kaya ako?" sabi ko sakanya.

"Osge, go, sorry" sabay tawa si Cams.

"Sabi niya, layuan ko daw si Brent eh" pabulong kong sinabi.

A Broken Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon